PART VIII ; JACKS VS JOKERS

55 3 0
                                        

Queens POV

Kakabalik ko lang galing sa California, binisita ko si Mr. Chavez doon at tinanong kung kamusta ang Company namin. Nang makabalik ako sa Bahay ay nagpahinga muna ako, nabalitaan ko ang nangyari sa pamilya ni Ace. Nakakalungkot lang na, nasa masamang kalagayan na ang buhay ni Tito Emir. He's really a Good Father to his Daughter. and Sky, She was once my friend dahil kay Ace ang ka-gangmate ko siya. Iniisip ko pa rin kung bakit ginawa yun ni Azazel, yes, He's my cousin pero di kami blood related. Inampon lang siya ng Fam ko noon at dinala sa malayo, nagkausap kami but di ganun katagal. Ang alam ko lang noong Panahon na iyon, ay may kumakalaban sakanilang organization. Hindi ko alam kung ano pero alam kong ginagawa lang nila ang Tama.

Habang nagpapahinga ako ay narinig ko ang phone ko na nakapatong sa table.

"Argg!!" Banas kong sabi dahil sa kailangan ko pang tumayo para kunin ang phone ko. Tumayo nalang ako at kinuha ang phone.

"HIII BESTY! WELCOME BACK T---" ang ingay ni Streine! Eto ang nakakainis sakanya eh. Napakatinis ng boses! Laging nasigaw, napakajolly.

"Shut up! Ang ingay mo. Di mo ba naramdamang nagpapahinga ako!? Will you stop fooling around like a 8 year old kid!? You stupid.. Argh!" Sigaw ko sakanya sa phone ko. Badmood na talaga ako dahil sa lalaking to. Napaka-kulit.

{Grabe ka! Ang sama mo sakin! Why are you always like that!? Parang di mo ako bestfriend!} ramdam kong nakapout siya and He's pretending na umiiyak na. This guy... Bwisit!!

"I'll hang up. I'm good. Kita nalang tayo mamaya. Bye, panget!" Sabi ko sakanya dahil naiirita talaga ako. Bumalik na ako sa kama at pumikit, makakapagpahinga na ako, YEE--!! Ugh! May tumatawag nanaman! Leche barabas hudas!

"STRE---"

{Queen... It's Ace.} Sh*t! Si Ace pala. Hahaha.

"Oh. What's up?" Tanong ko sakanya at chineck ang oras. Woah. 4am.

{Queen, It's time. Hindi na po ako makapag hintay. Is it okay if gawin na natin ang lahat mamayang hapon bago mag gabi?} She's very serious, asking for my permission. Alam kong gustong gusto na niyang makuha ang justice na hinihingi niya para sa kanyang kapatid.

"Ace. Are you sure about this?" Paninigurado ko. Alam kong malakas pa si Ace, alam kong kaya niyang lumaban kasama ako at ang ibang Aces. I never doubted her strength. Hahanga ka rin naman sa kanyang lakas, lalo sa panghahack. She can even put some skills sa isang tao. Yes, she can do that with the Human Chemical Control.

{Yes, Queen. I've been thinking about it since...} Alam ko kung kelan yun, simula noong nakita niya ang Picture ni Sky.

"Okay, then. Get Ready now, Ace. Pati sila Ren, sabihan mo na din." Utos ko sakanya. I know Ace can win this fight. And Just like me, gusto namin ng Justice sa pamilya namin.

{Thank you, Queen.} sabi niya saakin. Ako na ang nagbaba ng Telepono at staka nagpahinga.

__**__

TIMELINE : 4:47PM

TTPOV

Si Akira ay abala sa paga-ayos ng kanyang computer sa isang bakanteng lugar na binili niya at pinagawan ng isang Malawak na Glass house sa tabi ng lawa. Gubat ang lugar na napili niya, hindi dahil sa gusto niyang magtago kundi gusto niyang makita ang paglubog ng araw at ang paglabas nang bilog na buwan mamayang gabi.

Hindi niya maiwasang maexcite sa mga pangyayaring magaganap. Ang panahon, ngayon. Ang lugar, kung saan eto gaganapin, at ang Buwan na magsisilbing taga nood ng mga pangyayari.

YOU'VE BEEN HACKED : HACKER ACEWhere stories live. Discover now