HYDIE'S POV
"Ace, nagawa mo na ba?" Tanong ko sakanya.
"Yes, Queen. Umepekto po. Buti nalang dahil akala ko ikamamatay pa ni Klio eh." Natutuwang sabi niya saakin.
"Oo nga. Ikaw naman ang gumawa nun. Kaya impossibleng di gumana yun." Sabi ko sakanya. Umembento kasi siya ng isang gamot na kapag ininject mo sa tao, ay macocontrol mo eto. Ginawa eto ni ace bago pa niya pasabugin ang sarili niyang school. Nilagyan niya eto ng kung ano anong chemicals na galing naka program sa computer na pwede mong ihack. Masyadong madami ang iyon para isa isahin ko pa. Simula nung makuha niya ang mga estudyante sa HH ay nilagyan niya eto ng HCC na tawag niya sa naimbento niyang gamot. Human Chemical Control. Eto ang ginagamitan niya para makita kung gagana ba eto o hindi. Nang magawa niya ang HCC ay binigyan niya si Klio, habang tulog at tsaka gumawa ng Kilos para makuha siya ng Kings. Nang makalipas na araw na wala si Klio ay namomonitor namin ang loob ng Kings. Kita doon na paalis ang tatlong Jacks. Si Cassi lamang ang naiwan kaya tinawagan namin ang Aces
"Aces, umalis ang mga jacks. Get ready. Nakaprogram na sila kay Akira." Sabi ko. Noong panahon na andun si Klio, kada hawak sakanya ay pinapasahan niya eto ng HCC.
{Okay po, Queen. Pakisend nalang sa sasakyan namin yung Location. Magaayos lang po kami.} Sagot niya sa kabilang telepono.
"Okay. Good." At pinatay ko na ang kanta.
"Ace, isend mo sakanila ang Location. At ihanda mo na ang kailangan para mabilis at malinis ang pagpaplano." Maawtoridad kong sabi sakanya.
"Okay, Queen. Nakahanda na. Naisend ko na rin ang location at..... Mas okay na ang lakas nila dahil sa HCC. Iniba ko ang Chemical na nilagay ko sakanila para di maconsume ng HCC ang pagod nila." Mahinahong sabi niya saakin.
Tinanguan ko nalang siya. Kakaiba talaga ang talentong biyaya kay Ace, napaka gifted niyang bata.
~~~~
SKY POV
Nandito kami ngayon sa isang Mall kung nasaan si Andrea. Nakita namin siyang nakain sa isang food stall kasama si Lindo. Napansin kong nag aaway sila dahil pinagtitinginan na sila ng tao at base sa ekspresyon ng mukha nila ay nagagalit sila. Napansin kong patayo na si Andrea kaya naghanda na kami.
"Ren, Chayanne. Kayo kay Lindo. Kita kita nalang tayo sa HQ." Sabi ko sakanila dahil ako ang kinikilala nilang leader ngayon. Dahil ako ang namamahala sa pagpaplano kapag ganto ang sitwasyon.
"Okay dokii! We'll make kita kita nalang later!! Seee yah!" Maligalig na sabi ni Chayanne sakin.
Tinanguan ko nalang siya at naglakad na pasunod kay Andrea. Kasama ko ngayon si Ice. Naglakad si Andrea patungo sa Parking lot kaya naglakad na din kami papunta doon, pinaputukan ni Ice si Andrea ngunit nakailag din agad to. Hmm not bad. Nilabas ko na ang tali sa likod ko at sinugod si Andrea. Naiwasan niya ang unang lagay ko ng tali, kaya inikot ko sa paa ko yun at sinalo ang paang gamit ni andrea sa paghakbang. Nahuli ko ang paa niya kaso nasuntok niya ako. Sumugod si Ice at nilabas ang dagger niya, hinawakan ko naman ang kamay niya may hawak na dagger at pinindot ang pressure points sa braso niya. Humakbang siya muli patalikod kaya hinila ko ang paa niya palapit sakin dahil magkakonekta ang paa namin. Napalapit siya saakin at tinuhod ko siya sa tiyan, naiiwas niya yun ngunit nasa likod niya si Ice kaya nalagyan niya ng posas ang isang kamay nito. Ngayon ang isa niyang kamay at paa ay may tali na. Napapalibutan namin siya ni Ice habang siya ay tahimik na nakatingin saamin.
YOU ARE READING
YOU'VE BEEN HACKED : HACKER ACE
FantasyAn adroit hacker, dexterous in hacking... Lives. ACTION || SHORT STORY READ. VOTE. COMMENT. SHARE! :) Thank you so much! <3
