Umiwas siya ng tingin, pero hindi niya pa rin binababa ang kutsara sa harapan ko. Kanina pa siya hindi makatingin nang diretso sa 'kin. Parang na-aawkwardan siya sa mga pinag-gagawa niya.

"Ano, kakainin mo ba o hindi?" pagalit na niyang tanong.

Kinabahan ako at agad na lang na sinubo ang binibigay niya.

Pagkatapos no'n, nagtuloy-tuloy na siya sa pagpapakain sa 'kin.

Bakit ganito, may kumukurot sa puso ko sa simpleng pag-aalaga lang niya. Parang sa isang iglap lang, nakalimutan ko na lahat ang mga sampal, sabunot, at iba pang pananakit niya sa 'kin. Ang bilis kong bumigay.

Pinagmamasdan ko nga lang siya ngayon habang sinusubuan niya ako. Tahimik lang kami. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtama ng kutsara sa babasaging mangkong sa tuwing nagsasalok siya ng sabaw. Hindi pa rin siya makatingin sa mga mata ko.

Sa susunod na pagtapat niya ng kutsara sa bibig ko, tumanggi na ako. "Busog na 'ko."

Bigla siyang napababa ng tingin sa hawak niyang pagkain. Siguro nagtataka siya kung papaano ako nabusog gayong hindi ko pa nga nakakalahati ang laman ng mangkok.

"Last one, Vannie," sabi niya lang naman.

Tipid akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam na pinipilit niya akong kumain. Kaso, "Hindi ko na talaga kaya."

Napabuntong-hininga siya at binalik na lang ang mangkok ng noodles sa tray. "Fine."

Tapos, bigla niyang hinila ang comforter pataas sa leeg ko at sinigurong walang lamig na makakapasok.

Napatitig ulit ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Umiwas lang naman ulit siya ng tingin. Kinuha niya ang tray at binitbit iyon palabas ng kwarto.

Pinagmasdan ko ang likuran niya habang naglalakad siya palayo.

Something's wrong with my husband today. Gustong-gusto ko sanang matuwa sa pinapakita niya. Pero sa tuwing pumapasok sa isip ko ang pagbabalik ni Zian, parang maiiyak na lang ako.

Lagot talaga ako kay Allen nito. Baka mabuhusan ako ng mainit na noodles nang wala sa oras.


NAGTAGAL SI ALLEN sa ibaba bago ito bumalik dito sa kwarto. Siguro siya na rin ang naghugas ng pinagkainan ko.

Pagkabalik niya, naramdaman ko na lang siya na tumabi na sa akin. "Vannie?"

Tumayo ang mga balahibo ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa batok ko.

I just exhaled, "Hmm?"

"Ano nang nararamdaman mo?"

Hindi agad ako nakasagot. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Medyo gumanda na nga ang pakiramdam ko kahit papano.

"Quite better," I said. "Thank you for taking care of me. I appreciate it."

Hindi na siya nagsalita ulit. Nakakaramdam na naman tuloy ako ng antok dahil sa ayos namin ngayon. Para akong hinehele ng bawat paghinga niya sa batok ko. Susubukan ko na nga sanang umidlip, pero nagulat na lang ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko.

Agad akong napadilat at tila nanigas! Isang tao ang unang pumasok sa isip ko. My God!

Sinilip ko si Allen. Nakatingin na siya sa nagri-ring na cellphone na nakapatong lang sa kalapit na dresser.

Nabuhay lalo ang kaba at takot sa dibdib ko. Alam ko na kung sino 'yong tumatawag. Pipilitin ko na sanang bumangon kahit ang sama ng pakiramdam ko para kunin 'yong cellphone, pero bigla na niya akong inunahan sa pagtayo! "A-Allen!"

Kinuha niya ang cellphone at mabilis iyong sinagot. Napapikit na lang ako nang madiin. Patay na 'ko nito!

Pagkadilat ko ulit, ang sama na ng tingin niya sa 'kin. Napalitan na ng galit ang kaninang maamo niyang itsura. Kitang-kita ko pa na halos mamuti na ang kamay niya sa higpit ng pagkakakapit niya sa cellphone, at 'yong isa niya namang kamao ay nanginginig na sa galit. Sasaktan niya na naman ako!

At hindi nga ako nagkamali. Bigla niya na lang binato sa 'kin 'yong hawak niyang cellphone! Sinugod niya agad ako pagkatapos at ang bilis lumipad ng palad niya sa pisngi ko! Sumubsob ako sa sahig at dito na ako napaiyak.

"NAGKIKITA KAYO?!" Hinila niya ang buhok ko. Napatayo ako sa sakit! "Nagkikita pa rin pala kayo!"

"N-no Allen, it's not what you think."

"Tangina kailan pa 'to, ha?! Ayaw mo talagang sumunod sa 'kin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa 'yong babae ka!" Bigla niya na lang akong tinulak nang malakas sa pader!

Tumama ang balikat ko! Napasigaw ako dahil para akong nabalian. Hindi ko naman 'to nagawang haplusin kasi nataranta ako nang makitang papalapit na naman siya sa 'kin. Wala akong lakas pero pinilit kong tumakbo kaagad papunta sa pintuan nitong kwarto habang humahagulgol. Natatakot ako, hindi niya ako pwedeng maabutan, he'll kill me!

Pero sa sobrang pagpa-panic ko at panlalabo ng mga mata ko dahil sa luha, hindi ko na alam kung papa'no ko pipihitin 'tong knob ng pinto. Ayaw bumukas! Huli na nang mapansin kong nakasara pala ang door chain sa itaas. Nahila na ni Allen ang buhok ko at marahas niya akong itinapon sa kama!

Nilibot ko agad ng tingin ang buong kwarto. I have nowhere to run! Kinuha ko na lang ang malaking unan at ginawa itong panangga. Pero hindi iyon nakatulong. Hinila ni Allen ang paa ko pababa kaya nahulog ako sa sahig! Napasigaw na naman ako sa sakit dahil nabagsakan ko ang balikat ko na tumama kanina sa pader.

Hindi pa siya tumigil, hinigit niya ulit ang buhok para ilapit ang mukha ko sa kanya. Sinubukan kong alisin ang pagkakasabunot niya sa 'kin. "Allen, l-let go, you're hurting me!"

"Talagang sasaktan kita!" Namumula sa galit ang mga mata niya. "Tangina akala ko pa naman tapos na kayo, hindi pa rin pala! Bakit ba ayaw mong tumigil sa panloloko sa 'kin, ha? Kelan ka ba makukuntento sa isang lalaki lang!"

"Please listen to me first. Hindi ko 'to ginusto."

"Tumigil ka na!" Hinigpitan niya ang pagkakasabunot sa buhok ko. "Napakahirap mo nang paniwalaan! Nandito na naman pala 'yong gagong 'yon at nagkikita kayo kapag wala ako. Akala mo hindi ko malalaman?!"

"Hindi! Pinilit niya lang akong makipagkita sa labas. I had no choice."

"You have a choice, Vanessa. You always have a choice! Alam mo nang mali, pumayag ka pa! At ano na namang ginawa niyo sa labas? Ano, inalala niyo ang nakaraan niyo? Tapos anong ginawa niyo pagkatapos?"

"Nothing! We just talked."

"E puta akala ko ba may sakit ka? Akala ko pa naman ilang araw ka nang hirap bumangon sa kama. Hindi mo na nga ako naasikaso ngayon, ako pa ang nag-asikaso sa 'yo. 'Yon pala kaya mo namang kumilos. Sa akin hinang-hina ka, tapos sa kanya may lakas ka. Ginagawa mo akong gago!" Bigla na naman niya akong sinampal!

Napasubsob ulit ako sa sahig. Ang sakit na ng dibdib ko, hindi na ako makahinga sa sobrang pag-iyak. Basang-basa na rin ang mukha ko ng luha. "I'm sorry, Allen."

"Sorry? Puro ka na lang sorry! Putangina mababaliw na talaga 'ko sa'yo!" Pinagbabato niya lahat ang mga unan at buong pwersa pang sinipa ang maliit na mesa.

Basag lahat ang mga nakapatong doon! Napatakip ako sa tainga ko dahil sa lakas ng nagawa noong ingay. Tapos nilapitan niya ko ulit.

Gagapang na sana ako palayo kaso ang bilis niya uling nahigit ang buhok ko. Lumuhod siya sa tabi ko at pinanood niya akong humagulgol. "Sawang-sawa na akong marinig 'yang iyak mo. You pushed me to do this!"

"I'm really sorry! P-please tama na."

"Tapos ngayon magmamakaawa ka sa 'kin? Tangina gusto mo ikandado na talaga kita rito sa bahay para hindi ka na makalandi?"

Umiling-iling ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"'Yong gagong 'yon, patatahimikin ko 'yon. Ibabalik ko siya sa kulungan kung saan siya nararapat!" Hinila niya ang buhok ko para patayuin ako tapos bigla niya lang ulit akong tinulak sa pader!

Tumama na naman ang balikat ko. Napasigaw ako sa sakit!

Hindi ko na kinaya, hinang-hina akong napadausdos pababa sa sahig habang nakakapit sa balikat ko. Umikot ang paningin ko at bigla na lang nagdilim ang lahat.

• • •

A Wife's CryOnde as histórias ganham vida. Descobre agora