05 - Prologue

4.9K 171 35
                                    

Prologue.

Maraming authors ang nahihirapan sa part na ito. Yung iba, pinipili na lang na ipagpaliban ang paggawa ng Prologue. Diretso chapter 1 na lang agad, wala ng intro-intro, chorva.

It's your choice kung gusto mo lagyan ng prologue ang storya mo o hindi. Pero as a reader, I honestly prefer stories na mayroong prologue. Why?

Para sa mga readers, ito yung pinaka-selling point ng storya. Kumbaga, ito yung "judgment chapter." Dito sila nagdedecide kung itutuloy ba nila ang pagbabasa ng storya o hindi.

*First, what is a prologue?

There are 2 definitions of a Prologue. (c) Merriam Webster Dictionary.

1) A separate introductory section of a literary or musical work.

2) An event or action that leads to another event or situation.

To simplify, it's an introduction or the main cause/purpose of the story.

* Types of prologue.

Kailangan mo magdecide ng type of prologue na gagamitin mo.

Pumulot ako ng three types of prologue na karaniwang natatagpuan sa mga stories dito sa mundo ng wattpad. Ginawan ko sila ng mga pangalan.

1) The Spoiler

Ito ay ang type na nagbibigay ng iba-ibang hints kung about saan ang storya. Nagbibigay ng conversations ng mga characters galing sa isang part ng story. Pwedeng ang medyo pinakahuling part, middle or kahit medyo panimula.

***

Example:

"Hindi mo siya mahal!"

Yan naman ang lagi nilang sinasabi sa akin. Wala silang alam. Hindi nila pinagdaanan ang mga problema ko.

"Mahal ko siya!"

"Niloko mo lang siya! You don't destroy people you love."

And that's when it hit me. Tama nga siya.

Sinaktan ko siya, pero di ba nila alam? Nasasaktan rin ako.

***

2) The human dictionary

Ito yung prologue kung saan, nagdedefine ng mga words ang character. Pwedeng definition from the web, dictionary, or sariling definition. Kasunod ng definition, pwedeng dagdagan ng iba't ibang personal emotions at opinions ng character.

***

Example:

Love. Sabi nila, masasabi mong mahal mo na ang isang tao, kung handa kang ibuwis ang lahat para sa taong yun. Kung tuwing kasama mo siya, nandyan yung mga butterflies. Kapag hinawakan mo, may spark. At kapag hinalikan mo, may fireworks.

Pain. Walang taong nagmamahal ang gusto masaktan. Pero sabi rin nila, parte ito ng pag-ibig. Kung hindi mo ito naranasan, hindi ka pa nagmahal ng totoo.

***

3) Ultimate flashback

Sa prologue na'to, matatagpuan ang pinaka-cause o pinanggalingan ng storya. Ito yung "reason" kung bakit in the first place, naimbento yung storya mo.

***

Example:

10 years ago. Madami akong paghihirap na pinagdaanan.

Niloko ng nanay ko ang tatay ko. Hindi nila alam pero ako ang naapektuhan.

Casanova ang tawag nila sakin ngayon. Eh ano naman? Wala silang alam. Hindi nila alam kung anong nangyari sa buhay ko. Pare-parehas naman manloloko ang mga babae.

***

Maaari ring ipagcombine ang lahat ng types na ito, depende sa author na nagsusulat. Kung alin ang mas madali para sayo, yun ang piliin mo.

*Length

Upang makagawa ng magandang prologue, kailangan muna sukatin kung gaano kahaba ang aabutin ng prologue. Dapat hindi ito sobrang ikli na parang teaser lang o sobrang haba na parang isang chapter na.

Tip: use 500-800 words.

(Dahil maraming nag react, tip lang ito friends. Ayos lang kung less or more. Hindi ko rin naman ito nasusunod HAHAHA. Pero ito yung ideal)

*Suspense

In order to keep up with the story and readers, maintain suspense. Kung maglalagay ka man ng isang scene na galing sa storya mo, wag mo ibigay lahat ng information. Dapat meron ka pa ring "alas" o "ace" na ikaw lang ang nakakaalam. Madidiscover lang ng readers yun pinaka-"alas" mo sa kalagitnaan ng story o sa climax. Therefore, hindi ka iiwan ng readers hangga't hindi nila nalalaman yung alas mo.

*Use of words

Wag masyadong "deep" o malalim ang paghugot ng mga salita. Hindi ito vocabulary contest. Piliin ang mga words na madali maintindihan para makarelate ang readers.

*Use of language

Depende ito sa genre ng story mo. Kung may pagkadrama, para feel na feel: maganda kung plain tagalog or plain english. Kung may pagkahumor naman, pwedeng taglish. Ibagay ang lenguwahe sa genre ng story.

*Make it catchy.

As much as possible, dapat interesting siya. Para pagpatuloy nung readers yung pagbabasa, there must be something with it. May kailangan silang alamin. There's something within that story that I wanted to know. Bakit ganun yung nasa prologue? What is behind it?

*Between the lines

Make statements na hindi literal yung meaning. Yung sasabihan mo sila na, "read between the lines" kasi may hidden message. Let's say na, double meaning siya. In that case, mas lalo silang maiintriga.

***

Ito lang muna ngayon. Good luck on your prologues :)

Feel free to dedicate your prologue to me and I'll be glad to give advices and feedback!

-Queen EC

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

How to Write a StoryWhere stories live. Discover now