02 - Title

7.1K 221 49
                                    

Ang title ay ang part ng story kung saan halos lahat ng mga "pinaka" ay nandito na. Pinakamahirap, pinakacomplicated, pinaka-makapigil hininga.

Isang katutak na madugong pag-iisip at pagpipiga ng utak ang dapat gawin para makaisip ng karapatdapat na title ng isang storya. Hindi ito basta binabalewala dahil ITO ANG UNANG TINITIGNAN ng karamihan, bago magbasa ng story.

Paano nga ba gumawa ng magandang title?

1) It should have a significant connection to the story.

Kapag gumawa ka ng title, siguraduhin mong may connection sya sa story. Wag yung parang basta na lang pinulot sa kalye yung title. Wala man lang meaning or nothing special. Trip lang, mukhang maganda kasi so ito na lang. Wala rin naman akong maisip eh. ISANG MALAKING EKIS ang ugaling ito.

2) It should not reveal everything.

Uso ang suspense effect. Yung tipong itatanong nung reader sa sarili niya,

"Wow, bakit kaya ganun yung title?" or "Ano kayang meaning nung title?"

Pero that doesn't mean na puro deep words na ang gagamitin mo para mapaisip sila. No. Kapag ganun ang ginawa mo, baka mayabangan lang sayo ang readers at lalayasan na nila ang story mo.

Iwasan rin ilagay sa title ang mismong plot ng story kung wala ka namang malaking pasabog o twist.

Example? "I am Juan Tamad the Casanova's Maid" Edi alam na! Naubusan sya ng pera, tapos napilitan syang mag-apply sa casanova na ubod ng tamad. At dahil nga casanova siya, it's a given na masungit si totoy. Kaya naman mag-aaway lagi sila then madedevelop, magkakatuluyan, the end.

3) It should be short and easy to remember.

As much as possible kung pwede, dapat maikli ang title para madali itong matandaan ng readers. Minsan nga, pwedeng one word lang eh. Depende lang talaga sa kung anong klaseng storya ang gagawin mo. Yung tipong binanggit lang yung word na yun, ang papasok agad sa isip ng readers ay: "Ah! Diba yun ang title nung sikat na story! Yung sinulat ni *insert username here*!"

4) It should be one of a kind.

Dapat nag-iisa lang ang title mo para magstand out ito. Wala dapat kapareho. May mga times na hindi maiiwasan na may kapareho, pero dapat bihira lang. Hindi dapat COMMON.

Kung nainspire ka sa isang story, PLEASE LANG-- wag mo gayahin yung title at ibahin lang ang ibang words nito.

Example, Break the Casanova's Heart Operation by Ms. Alyloony. Nainspire ka dahil ang ganda ganda ng story at nainlove ka sa mala-almost perfect na love story na fafa Stephen at Naomi.

So ang ginawa mo, chinange mo ang ibang words to: Operation: Break the Bad boy's Heart

Tama na please, nakakafrustrate po. Kahit hindi siya katulad na katulad, at sabihin mong nainspire ka lang at hindi mo naman ginaya, uso po ang salitang originality.

5) Avoid using emoticons, smileys, etc.

Title po ito, hindi ito parang scrapbook lang na pwede mong idecorate ng kung ano-anong kachorvahan. Pakiusap, huwag niyo po lagyan ng flowery stuff ang title. Wala itong naitutulong. Nagmumuka lang jejemon yung story mo. Yung tipong mga "I <3 Juan :)" Pwede namang gawin na word na lang, bakit ginawa pang symbol? Wag lagyan ng palamuti ang title. Yung madaming parenthesis.

Example: My Boyfriend Named Juan (kathniel) (fanfic) (on going)~ ~

Title po ito! TITLE! Tanggalin na ang mga ka-ek ekan. Sa description nyo ilagay yan, wag niyo i-display sa title!

6) Observe proper punctuations.

This is necessary. Wag po kayong gumawa ng excuse na, "ako naman gumawa eh," or "yan kasi yung gusto ko, ang cute", "ito na nakasanayan ehhh"

WaG pO Up AnD DoWn PleAse LAnG. First letter of every word lang ang nakacapital, depende kung noun, pronoun, etc. Hindi up and down, hindi rin all capitalized na: MY BOYFRIEND NAMED JUAN

Hindi po tayo nagtetext. Kapag letter "O", edi O! Wag mong gawing number "0" Wag kang gumawa ng sarili mong lengguwahe ateng! MY B0YFR!3ND NAMED JUAN

Avoid using shortcuts, such as BF, GF, LOL, LMAO, ROFL, at iba pa. Kung BF, edi gawing boyfriend! Kung lol, edi laugh out loud! Wag ng paikliin.

Paunawa po at inuulit ko, wag gawing text ang title. Example: mAy bF acuuh na puge. Ayus-ayusin naman po natin. Instead gawin mo na lang na: May Boyfriend Akong Pogi

Kapag may question mark (?), exclamation point (!), periods (.), commas (,) at iba pang symbols, as much as possible isa-isa lang dapat ang paggamit sa kanila. Lalong lalo na kung hindi naman sila ganun kaimportante. Magtipid tipid din tayo! Hindi naman kasi siya ganun kahalaga, so dapat isa-isa lang.

Example: Tamad nga ba si Juan???????? X po yan. Masakit kasi tignan sa mata.

Dapat: Tamad nga ba si Juan?

Mas malinis tignan ang nasa baba diba?

7) Avoid using common/cliche terms.

Ito ang pinakagusto kong i-share sa mga writers. Ang pag-iwas sa paggamit ng sumusunod na terms na palagi kong nakikita dito sa mundo ng wattpad:

"Juan Tamad TURNS TO John Sipag"

"Maria Mabait VS. Mary Masungit"

"MS. Maria and MR. Juan"

"WHEN Juan MEETS Maria"

Kinapital letters ko at ginawa ko ring bold yung mga words/terms na dapat iwasan. Ito ang karaniwang napupuna ko na maraming gumagamit.

8) Avoid a standard of basis.

Iwasan ang pagbabase ng iyong title sa mga sikat na stories, kanta, movie, teleserye, at sa lahat ng sikat. As said earlier, mas maganda ang original. Sayo mismo dapat galing ang idea.

Pwede kang gumawa ng title na out of this world, pwedeng ibang language: latin, french, japanese, o kung anong uso ngayon.

Always remember:

Originality always shines and stands out. It takes effort bago makabuo ng title, hindi kailangan madaliin.

How to Write a StoryWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu