01 - Theme/Genre

6.8K 193 20
                                    

First in line na dapat i-consider in writing a story is the Theme or Genre.


What is theme/genre?
Simple. Ito ang category kung saan mo gusto paikutin yung storya. In other words, ito yung goal ng story mo. Yung message na gusto iparating ng story sa readers.

Kung gusto mo magpatawa, manakot, magpakilig, magpainis, magpaiyak, at kung ano-anong kaechosan na gusto mong iparamdam sa readers.


What are the types of genre?
Madaming types ang genre. Aabutin tayo ng siyam siyam kapag minention natin lahat. That's why, ang babanggitin ko na lang na mga genre ay yung mga meron sa wattpad at yung mga common.

Teen fiction, Action, Romance, Fantasy, Humor, Mystery/Thriller, Horror, etc.

How to choose the right genre?
Sa pagpili ng genre, depende yun sa kagustuhan mo at kung saan ka pinakakomportable. Kung mas madali sayo ang magpaiyak ng readers, edi go! Drama na ang genre. Kung sisiw naman sayo ang magpahalakhak ng readers to the point na nahuhulog sila sa upuan nila, edi gora na rin girl! Humor na ang bagsak mo. Easy as that, kung saan ka magaling--- edi doon ka!

For beginners and amateurs, masasabi nating ang pinakamadaling gamitin na genre ay walang iba kung hindi ang Romance. Why? Siguro nature na rin nating mga girls ang kagustuhang kiligin, makahanap ng 'perfect match' o 'soulmate' in the most perfect way. Kaya walang kahirap hirap satin i-narrate lahat ng kaharutan natin sa buhay.

BUT, sa mga panahon ngayon, masyado nang overused ang genre na ito. Masyado na siyang gasgas. Halos lahat na lang ng manunulat, ito ang laging pinipili.

Paano maaavoid ang pagiging cliche? One thing is that, gawin mong dalawa yung genre mo. Hindi lang siya nagfofocus sa iisang goal. Hindi lang sya tungkol sa kilig at kaharutan. Kunwari romance, tapos para maging exciting, lagyan mo ng pagka-fantasy. Osya, mabenta na agad ang story mo! One of a kind na dahil may magandang halo or mixture yung gagawin mong story.

How to stick to the genre?
Madami akong napapansing story na naliligaw ng landas ang story nila. Why? Dahil may mga scenes na out of their genre.

Example, Drama ang genre ng story mo. Syempre, puro iyakan yan--- pang-aapi, abusado, seryoso. Tapos yung bida mo, mahilig magjoke. Laging tumatawa. Hindi man lang naging seryoso sa buhay o ni isang katiting ng luha walang pumapatak sa mata nya.

Oh anong naging saysay ng genre mo? Edi sana nag-humor ka na lang!

Pwede rin naman kasi yung serious plot tapos parang happy-happy lang yung character, ang solution dun ay lagyan mo ng dalawang genre yung story mo. Drama slash Humor na sya. So problem solve na!


To summarize everything, ang pagpili ng Theme o Genre ay nasa kamay ng writer. Wag kang gumawa ng story na nasa genre na ganito o ganyan dahil yun ang uso. Dahil yun ang "in" o sikat. That's a big no. Gumawa ka dahil yun ang gusto mo and doon ka comfortable.

How to Write a StoryWhere stories live. Discover now