03 - Plot & Settings

5.4K 189 39
                                    

Plot & Settings. Ito ang karaniwang hinaharap na problema ng mga writers.

Kapag nagustuhan na lang magsulat, gora na agad! Wala ng time para mag-isip ng plot. Kung ano yung lumabas sa utak, edi yun! Kapag wala ng lumalabas, *delete story* agad, tapos create new. Gagawa ka na naman ng bago then wala kang plot, delete ulit-- and the cycle goes on. And take note fellow readers/writers, mali po itong ugaling ito.


How to create your own unique, interesting, yet simple and not-so-complicated plot and setting?


1) Observe around you.
Yung mismong nakikita mo sa paligid mo, pwedeng maging plot ng storya mo. Mainspire ka, maging observant. Ito ang key para maging realistic ang gagawin mong storya. Saang "around you?" The answer is, anytime, anywhere, anyhow, anywhen, any-- Weh, korni na. Pero seryoso, kahit saan! Lingon lingon ka lang kapag may time.

Example:

May nakita kang nag-eerase ng sulat sa blackboard niyo tapos binato siya ng libro ng kaklase mo, pero pabiro lang.

Pwede mo na siya ilagay sa story mo! Iimprove mo lang yung scene na nabuo mo sa isip mo. Kunwari, nag-eerase sya ng sulat sa board tapos binully sya ng kaklase mo. Then boom, introduction part of characters blah blah -- darating rin tayo dyan.


2) Make it realistic.
Umaapply ito sa lahat ng genre, maliban na lang kung fantasy ang category ng storya mo.
Kung mala-humor man, or drama, thriller-- dapat, totoong totoo ang mga pangyayari. Yung tipong posible talaga siya mangyari sa totoong buhay.


Example ng HINDI realistic:

Madaming fans club, fan girls, tapos yung male lead araw-araw tinitilaan kapag dumadaan si boy next door, fafa, varsity, multi-talented o almost perfect "guy."

Isipin niyo nga, sa school niyo ba.. madaming fans club? Lagi bang may tumitili tuwing umaga? Yung to the point na kahit dumaan na yung principal, mas napapansin pa rin yung poging dumaan? Seryoso ba kayo guys?!

Maliban na lang siguro kung artista yung nag-aaral sa school niyo, malamang titilian talaga yun at susugudin ng sambayanang kababaihan.


Example ng realistic:

Madaming nagkaka-crush kasi pogi siya.

Ito ang realistic. Why? Kasi ibase nyo sya sa totoong buhay. Hindi ba naka-encounter na kayo ng isang taong ubod na biniyayaan ng good looks, at dahil doon, madaming nagkakagusto sa kanya. Like lang as in crush, hindi to the point na iniistalk sya ng mga tao papunta sa bahay niya.


3) Control the plot.
Ikaw ang author, ikaw dapat ang magpapatakbo ng story. Hindi porket sinabi ng readers na dapat si Pedro at Juan ang dapat magkatuluyan eh gagawin mo na. Kung ang plano mo ay si Juan at Maria, dapat sila lang! Wag kang magpaapekto sa opinyon nila.


4) Don't Plagiarize.
Di porket feel mo yung plot nung isang author kasi maganda sya, gagayahin mo na. Kahit yung mismong idea lang nung plot niya ay inimprove mo ng onti, plagiarism na yun. Gumawa ka ng sarili mong idea. Pinadugo rin nila utak nila, kaya dapat paduguuin mo rin yung sayo. Isang madugong laban ito! Wag kang sumabak sa gyera ng wala man lang panlaban.


5) Control the pace of the story.
Kailangan, kontrolado rin kung gaano kabilis ang storya. Bawat step, nasa kamay mo. Wag mong madaliin, o wag naman sobrang bagal.

Example ng sobrang bilis:

Genre // Chapter // Event
Romance 2 Nainlove si Maria at Juan sa isa't isa.
Horror 1 Namatay na lahat ng characters.
Fantasy 5 Naglaho yung bida at hindi na bumalik.

***

Depende pa rin ang bilis ng storya kung ano yung planned length nito. Kung maunti lang yung chapters na plinano mo, siguro natural lang na medyo mabilis ang pangyayari. Pero wag naman sobrang bilis.

Example naman ng slow o mabagal na storya, yung tipong chapter 50 na-- nag-aaway pa rin sila at hindi na sila nagkatuluyan.

Pero syempre, depende rin yung sa genre ng story mo.

6) Avoid cliche plot and settings.
Sa lahat po ng writers worldwide, pakibasa po nito. AVOID as in huwag, wag na wag na wag please lang, as in iwasan niyo po ang CLICHE.

Kung hindi niyo po alam ang ibig sabihin ng cliche, ibig sabihin po nito-- overused, gasgas to the point na wala ng readers na gusto magbasa ng story. Wala na eh, nakakasawa. Lahat na lang ng story ganyan, wala ng bago.

Settings - time and place of the story (oras at lugar ng storya)
Plot - sequence of events (pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari)

Cliche settings? Yung puro sa school na lang, sa bahay, sa school, sa bahay, sa school, YUNG TOTOO? Sa school lang ba at sa bahay umiikot ang story mo? Wala ka na bang ibang buhay?

Cliche plot? Yung gigising sa umaga, late sa school, makakabungguan ang poging nilalang, mag-aaway, magkakadevelop-an, magiging sila, BOOM! They lived happily ever after.

***

Cliche Plot & Settings Scene No. 1:
Where: Sa bahay, especifically: sa kama.
When: Before sunrise.

*KRIIIIING* *KRIIIIIIIING*

Hay naku. Tumutunog na naman ang alarm clock ko. Ano ba naman yan! Ang aga-aga pa, inaantok pa ako. Tinatamad ako bumangon.

Good morning Philippines! Hello world!

***

Cliche Plot & Settings Scene No. 2:
Where: Sa school, specifically: sa hallway
When: Time na, LATE NA AKO!

*BOOOGSH*

"Ano ba yan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Tatanga tanga kasi, sino k--"

Napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang mala-anghel na nilalang sa harap ko. Oh my! Are we match made in heaven? Ang pogi niya!! *insert OA descriptions here*

"Ako pa yung tanga ngayon miss? Tabi nga! Haharang harang sa
daan!"

Ay sayang, masungit. Di bale! Crush ko na sya!

***

Cliche Plot & Settings Scene No. 3:
Where: Sa school, specifically: sa classroom
When: First period, LATE AKO.

"Ms. Maria! Unang araw ng klase, late ka na agad!"

Hindi pa ako nakakapagsalita at kakaupo ko pa lang ng upuan, nang pumasok ang isang mala-anghel na lalaki. Ahh! Yung masungit na may menopause na lalaking nakabungguan ko!

..Wag mong sabihin?

"Mr. Juan~" Matamis na pagbati ng maharot kong guro sa new student. "Doon ka umupo sa tabi ni Maria."

Ha? Seatmates kami?!

***

Okay, ilan lang yan sa mga ultra gasgas na plot.

More cliche plots:

Nainlove ako kay:
bestfriend//kay kuya//kay tatay//kay bunso//nerd
May boyfriend akong: bakla//casanova//gangster//badboy//artista//crush//rich kid//nerd
May asawa akong: bakla//casanova//gangster//badboy//artista//crush//nerd
One-sided love kay bestfriend
Arrange Marriage kay stranger//nerd//gangster//casanova//
Forbidden love kay kuya//
Aagawin ang: boyfriend ng iba
Papainlove-in ang casanova//gangster//badboy//rich kid//nerd

AT MARAMI PANG IBA.

***

Always remember:

You are the writer of your own story. You are the one who decides to finalize everything. Nasa kamay mo kung manggagaya ka ng iba, kung original yung gagawin, o kung pipiliin mo gumawa ng isang plot na one of a kind.

How to Write a StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora