Chapter 19- Real Rev

4.7K 71 12
                                    

"Rev, samahan mo ako." sabi ko sa taong nakaupo sa may arm chair.

"Saan?" tanong nya habang nagkakalikot sa cellphone nya.

"Sa mall."

"Bakit?"

"Makikiihi siguro!" sarcastic na kung sarcastic eh hindi nya ako kinakausap nang maayos eh.

"Ahhhh.. Ang arte mo. May CR naman jan, di ka pa dun."

"Seriously Rev? Seriously! Samahan mo na aksi ako!"

"Kelangan pa ba? Makiihi ka lang naman." busy pa din sya dun sa cellphone nya.

"Seriously? Aish." kinuha o ang braso nya't hinila sya.

"Anoba?! Bitawan mo nga ako!"

"Ayoko! Sasamahan mo ako sa ayaw't sa gusto mo!" patuloy pa rin ako sa paghila sa kanya. Nasa may pintuan na kami ng room pero humawak sya sa pader para mapapigil sya.

"Bitawan mo ako!! Di ako sasama sayo! Bakit ba aksi nagpapasama ka pa?! Ha?!"

"May bibilhin ako!"

Teka, vacant namin ngayon. Tapos napag-desisyunan kong bilhan ng regalo si Jared sa mall. Sinasama ko si Rev para matulungan nya akong mamili dahil lalaki sya at close sila ni Jared. I'm sure din kasi na laam nya ang taste ni Jared. Atsaka chance nadin toh para makausap si Rev tungkol sa nakita ko kanina.

"Ayoko sabi! Pota!"

"Sumama ka na! Ililibre kita!"

Tinanggal na ng pagkalakas lakas ung braso ko, "Tsk! Di mo kailangang manghila! Sasama ako nang maayos."

Yan. Yun lang pala ang magic word eh! Tsk! Pumasok sya ulit sa classroom at lumabas na dala ung bag naming dalwa.

---------------MALL----------------

"Ano na ba? Ano nang bibilhin mo?" reklamo ni Rev.

"Ano ba aksi ung taste ni Jared?"

"Aba malay ko! Sakin mo pa tinatanong? Tsss!"

"Alangan namang kay Jared! Edi nalaman pa nyang reregaluhan ko sya. Surprise nga eh. Tch."

"Mga babae talaga. Ang daming arte. Pa-surprise surprise pang nalalaman."

"Pake mo? Bakit ikaw, di mo ba nireregaluhan yang si Kristelle?"

"Tch. Bilisan mo na kasi."

"Ganto na lang. Kung ikaw ang reregaluhan ko, ano gusto mo?"

"Pagkain na lang. At least busog."

Napaka-shikhin ng isang toh! Magsama kayo ni Sooyoung! "Aish! Yung magsstay! Yung memorable! Dali na. Kung ikaw... mali. Ganto muna, isipin mong para sayo tong regalong bibilhin ko tapos sabihin mo sakin ang gusto mo."

"Sige na nga. Tch. Ililible mo talaga ako pagkatapos nito. Tsk." tas nag-isip sya. Tumingin tingin sya sa mall... "Ahhh. Alam ko na. Tah." hinawakannya ang braso ko't hinila ako papunta sa... Ray Ban. Oooh. May taste sya ah.

Pagkapasok namin dun...

"Try mo! Try mo!!" sabi ko kay Rev habang hawak ung isang shades tas sinuot nya ito.

"Bagay ba?"

"Haha! Geh Rev! Pwesto ka na dunsa may labas at mag-gitara ka dun! Hahahaha!"

"Eto try mo!" binigay nya sakin ung isang brownish na shades. Ung malaki. Pagkasuot ko nito...

"Ganda noh??!?!?!" sabi ko.

"Haha! Tara na dun sa labas! Mag-gitara tayo dun! Hahaha!"

Nagtawanan kami. Ang dami pa naming tinry na shades pero sa huli, lumabas kami ng shop na iyon nang walang binili. Ayaw daw pala ni Rev dun kaya lilipat kami.

My Bully Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon