"Porque." sagot ni John Paul. Tinanguan lang ito ni Cha-cha sabay umalis ng classroom.

"Ang daming tanga sa mundo." wika pa nito.

"Problema ng babaeng yun?" tanong Gail. Tapos halos lahat ay nakatingin sa pintong pinaglabasan ni Cha-cha.

Nakita ko namang nakatitig sa akin si Gian pero blangko ang ekspresyon ng mga mata nito. Agad din itong nag iwas ng tingin.

At para pigilan ang mata ko sa pag iyak ay agad akong tumingala.

Sa'n rin nga ba ako nagkamali? Okay naman kami e. O akala ko lang na okay kami.

Pasimple akong tumingin sa direksyon kung saan nakaupo si Gian. Mukha naman siyang walang problema. Mukha naman siyang masaya.... Na wala na kami.

***********

Andito na kami ngayon sa function hall. Resume na ng practice. At gaya nga ng sabi ko wala akong partner. Ayoko na sanang magpunta rito. Kaya lang mapilit si Cha-cha. Pagkatapos nang naging sagutan namin kanina sa classroom ay bumalik rin siya para ayain akong kumain. Ganoon raw siya kapag gutom.

After naming kumain ay pinilit ako ni Cha-cha na sumama sa function hall kung san ginaganap ang practice.

Kaya eto ako ngayon. Nakaupo. Nakaupo dito sa tabi. Nagmumukha akong tagabantay ng mga gamit nila.

"Ms.Sharri bakit nakaupo ka riyan?" tanong sa akin ni Sir Nick. Student teacher namin. Malamang ay hindi nito alam na wala akong kapartner. Temporary instructor namin to sa practice dahil may pinapagawa ang principal sa original instructor namin.

"Wala akong partner Sir Nick eh." wika ko. Inilabas ko ang phone ko at pumili ng kantang papakinggan ko. Ipapasak ko na sana sa tenga ko ang headphone ko nang biglang magsalita si Sir Nick. Gusto ko tuloy pagsisihan na nagpunta pa ako dito.

"Here you are Mr. Flores. Bakit ngayon ka lang?" tanong nito.

"Practice. Basketball," he answered.

"Who's your partner?"

"I'm not joining."

"Kung ganun, tamang tama." at bago pa man makapagsalita ang sinuman sa amin ay hinila na kami ni sir nick sa gitna. "Kayo ang magpartner ni Ms.Sharri."

Lahat ng classmates namin ay napatingin sa amin. Ang awkward.

"Okay let's start! Hold your partners!" sigaw ni Sir Nick.

Sumunod ang lahay maliban sa amin.

Blangko lang ang ekspresyon ng mukha nito. Nang mapalingon ako sa likod ko ay nahagip ng mga mata ko na may mga juniors na nanood.

Marahil nasa crowd si Arra Kim kaya blangko ang ekspresyon nito.

"Ms Dela Vega and Mr. Flores? Anong inaantay natin? Pasko?" tanong ni Sir Nick.

"Im sorry sir. Im not joining the ball." wika ko. Bago pa man magsalita si sir Nick ay nagsalita si John Paul.

"I can be your partner." said John Paul.

Dahil sa sinabi ni John Paul ay nagkaroon ako ng rason para umalis sa harap ni Gian. Tumalikod ako para maglakad patungo kay John Paul.

"Sure ka John Paul?----" pero bago pa man ako makahakbang papalapit kay John paul ay may kamay ng humawak sa braso ko para pigilan ako.

"I'm your partner. You're staying here." Gian said.

Once again, we're on hot seat pero nawala ang tensyon sa paligid ng pumalahaw ang isang napakatinis na boses.

"Bakit sa'yo pa nagkagusto?  Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri. Bien simple lang I yo tapidi era cin ti tu el cosa yo ya cin ti."


"Tumahimik ka nga cha-cha. Nakakairita na ang bunganga mo."wika ni John Paul. "Papansin ka rin e."

"Eh sa gusto kong kumanta? Bakit ba?" pagtataray nito. Tapos sumigaw na naman ito. Kumakanta ito na tila ba hinuhugot sa pinakailalim ng mundo ang bawat lyrics na bibitawan nito.

"bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho... Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta sufri. Bien simple lang I yo tapidi. Era cin ti tu el cosa yo ya cin ti."

"Enough everyone! Go back to your places! Masyado ng delay ang practice." sigaw ni Sir Nick. "Hold your partners!"

Nanginginig man sa hiya.. Galit.. At sakit.. Wala akong nagawa kundi ang ipatong ang kaliwang kamay ko sa balikat ni Gian at ihawak ang kanang kamay ko sa kamay niya.

Nakatingin lang ito sa akin pero ni walang ka emo emosyon. Ni hindi ko makita sa mga mata nito yung pagmamahal na lagi kong nakikita noon.

Isa isang bumalik sa utak ko lahat. Lahat tungkol sa kung paano kami nagsimula.

At gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit ba ako nahulog sa kanya.

Ito tuloy, nahulog ako, sinalo sa una, pero dahil dalawa kaming nasa kamay niya, para di siya mahirapan, kailangang bumitaw ng isa.

At ako yun.

Naramdaman kong nag iinit na naman ang sulok ng mga mata ko. Tumingala ako. Ito lang ang natatanging paraan ko para pigilan ang mga luha ko sa pagpatak.

Ang sakit e.

"Ang lahat ay binigay ko, ngayon ay sising-sisi. Sobra-sobra ang parusa. Di alam kung kaya pa... Bakit sa'yo pa nagkagusto? Parang bula ika'y naglaho."

"Tangina nito ni Cha-cha."narinig kong bulong ni Gian at naramdaman ko ring nakakuyom ang kamao nito,yung kamay nitong nasa bewang ko.

Napatingin ako kay Cha-cha. Pumipikit pikit pa ito habang kumakanta.

"Porque contigo yo ya escoji? Ahora mi corazon ta----PAKSYET KA JOHN PAUL AH. BAKIT MO AKO BINATUKAN?!" biglang hiyaw ni Cha-cha.

"Itahimik mo yang bunganga mo kung ayaw mong ibalik kita sa dagat." sagot dito ni John Paul.

Hays. Itong dalawang to.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa lalakeng nasa harap ko. Nakatingin ito sa direksyon ng pinto ng function hall. Pasimpleng sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito.

Si Arra Kim at nakatingin sa amin.

Para namang pinunit ang puso ko.

"Gian, pagod na ako." sabay binitawan ko ang kamay nito at tumalikod. "Ito na ang huli. Suko na ako."

-------to be continued-------

Boys do fall in love  ✔️Where stories live. Discover now