🌐Side story I🌐

71 2 1
                                    

Haven Rey: side story
Year 2062
Metropoli Ground City

     "Venice, nasaan si Haven?" pangambang tanong ni Harris sa kaniyang may-bahay. Agad naman nanlaki ang mga mata ni Venice nang makitang wala nga sa tabi niya ang anak. "Hindi!" Babalik sana siya ngunit pinigilan siya ng kaniyang asawa.

     "Hindi! Dito ka lang, ako na ang maghahanap sa kaniya." Labag man sa kalooban ni Venice ang pasya ng asawa, ay wala rin naman siyang magagawa. Kaya hinayaan na lamang niya na balikan ni Harris ang daan patungo sa kanilang cabin, habang tinungo naman ni Venice ang isa sa kanilang sasakyang panghimpapawid na gagamitin nila sa pagtakas—ang air craft Y2x model na mismong silang mag-asawa ang bumuo at nagdisenyo. Itong ay kasingtulad ng isang jet plane na may first at second deck, nasa upper deck ang control room ng sasakyan, sa lower deck naman nakalagay ang mahahalagang kargamento na isasama nila sa pag-alis sa lugar.

     Kasabay niyang ipinasok ang mga dala niyang mahahalagang blueprint sa Y2x Aircraft. Agad din niyang tinungo ang control room at inalam ang kasalukuyang lokasyon ng asawa. Hindi siya nahirapan dahil na rin sa tracking device na naka-equipped sa kaniyang mister.

     "Maggie, how much time do we have?" Ang tinatanong ni Venice ay ang computer system na naka-installed sa kanilang Aircraft.

     "We have 15 minutes to launch," sagot ng computer system na si Maggie.

     "Connect me to Dr. Rey," aniya kay Maggie.

     "Connecting..." tugon naman ng computer system.

     Ilang saglit lang ay nagkaroon din ng actual visual si Venice sa asawa. Isang malaking hologram ang nasa harapan niya at mula doon ay tanaw na tanaw niya ang sitwasyon ng kaniyang asawa. Mabuti na lamang at nagawa nilang magkaroon ng  access sa security system ng buong lugar.

      Sinusuong ni Harris ang nagkakagulong mga staff at residente ng Metropoli Ground City, ito ang tawag sa lugar kung saan sila kabilang. Kasama sa mga nagkakagulo ang mga malulupit na upgraded marshal na nakakalat sa buong lugar. Walang pakundangang hinuhuli at sinasaktan ng mga marshal ang bawat maabutan nila. Nalalaman ang mga posisyon nila ayon sa mga badge na naka-patch sa suot nila—white badge para sa mga corporal, yellow badge para sa mga sergeant. Orange badge para sa mga lieutenant, blue badge sa mga captain, green para naman sa major. Naka-brown badge naman ang pangalawa sa may pinakamataas na position pagdating sa authorities ng peace and order at black badge naman sa Head Director ng kabuuang departamento. Ang kulay ng uniporme nila ay nakabase sa nakakabit nilang mga badge. May kaniya-kaniya rin silang black eyeshield, para itago ang kanilang pagkakakilanlan. Karaniwang nakakalat sa paligid ang mga marshal na nakasuot ng white.

     Ang mga marshal ay hindi rin pinapayagan na makipag-usap sa mga civilian kahit sa mga kasamahan nila habang sila ay nasa operasyon. Ang bawat isa rin sa kanila ay may isang bluetooth earpiece kung saan naririnig nila ang strict order mula sa kanilang malupit na Head Director. Mahigpit ang utos sa kanila na walang ititira sa mga taga Metropoli, huhulihin nila ang mga ito at dadalahin sa Facilities at kung sinuman ang pumalag ay maaring paslangin. Ang higit na kailangan nila ay mangalap ng mga magagaling na scientist at mga inhinyero.

     Gamit ang sariling baril ay nagagawa naman ni Harris na dipensahan ang sarili mula sa mga marshal na nagtatangkang pigilan siya. Naglalabas ng electrical waves ang hawak niyang baril dahilan para biglang mangisay ang sinuman tamaan nito, hindi nakikita ng pagkaraniwang mga mata ang mga electric waves na ito. Habang ang sandata naman ng mga Marshal ay nagdudulot ng pagkaparalisa sa sinuman ang matatamaan nila.

     "Harris, baka binalikan niya si Alfie," wika ni Venice nang maalala ang paboritong aso ng anak nilang si Haven. At kung tama ang hinala niya, posibleng nasa hidden play room sa loob ng kanilang cabin ang anak kung saan naroon ang tutang si Alfie.

     "Okay, uunahin ko doon!"

       Ikinagulat na lamang ni Harris nang biglang may bumagsak sa harapan niya na isang nangingisay na white marshal. Nang silipin niya kung sino ang may kagagawan, nakita niya si Ginoong Midori, hawak pa nito ang sariling baril at nginisihan siya nito. "Professor Harris, sa susunod maging alisto ka. Sige, mag-ingat kayo ng pamilya mo."

      Tinanguhan na lamang niya ito bilang pasasalamat sa pagkakaligtas sa kaniya. Nagsimulang tumakbo si Harris patungo sa tinutuluyan nila, nang makapasok siya sa kanilang Cabin ay agad siyang dumiretso sa isang sulok, doon ay naghihintay ang isang hidden passage na tanging sila lang mag-anak ang nakakaalam. Sa una'y iisipin na simpleng pader lang ang nasa harapan niya, subalit ito pala ay daan patungo sa isang tagong silid. "Haven! Anak! Nasaan ka?" sigaw ni Harris nang bumukas na ang sikretong daan.

     "Papa!" ang sigaw na iyon ang sinundan ni Ginoong Harris. Patunay na nandito nga anak niya. At laking tuwa niya nang makitang ligtas naman ito, yakap-yakap ng batang si Haven ang tutang si Alfie. Patakbong lumapit si Harris at binigyan ang anak nang isang mahigpit na yakap. "Ano ka bang bata ka, di ba sinabi ko na sa'yo huwag hihiwalay sa amin ng iyong Ina!" Hindi mawari ni Harris kung pagagalitan ba ang anak sa kaniyang ginawa o pagagaanin ang kalooban nito dahil sa takot.

     "Patawad po, papa!" Sa bandang huli ay niyakap na lang din niya ang anak. Labis naman ang pasasalamat ni Venice nang makitang ligtas naman ang anak.

     "Six minutes to launch!" muling paalala ni Maggie.

     "Harris! Bilisan mo, anim na minuto na lang ang natitira sa atin," pangambang wika ni Venice sa asawa.

     "Halika na anak, ako na ang magbubuhat kay Alfie." Inilagay ni Harris ang aso sa kaniyang kaliwang braso habang ang kanang kamay naman niya ay nakakapit kay Haven. Palibhasa'y maglilimang taon gulang pa lang ito kaya maliliit din ang hakbang na maaring gawin nito. Wala nang oras na dapat sayangin si Harris, kaya nagdesisyon siya na buhatin na lamang pareho ang anak at ang alaga nilang aso.

***
to be continued

Haven Rey: A glimpse of HOPE (SCI-FIC)Where stories live. Discover now