Chapter 62: Bio-Data

Magsimula sa umpisa
                                    


Dumiretso kami sa studio katabi lang ng opisina at pagpasok doon ay busy na ang mga tao sa pag-aayos ng studio, maging ang ilan sa mga models ay mini-make up-an na din sa gilid.



"Chaselle. Bring this will you? This is Shane's stuffs. You are incharge of that." bungad ni Manager Ruby tsaka iniabot sa akin ang mga damit, bag, lagayan ng sapatos ni Shane. Malugod ko naman itong tinanggap tsaka sumunod kay Shane na dumiretso sa mga make up artist na mag-aayos sakanya.



"Upo ka na lang muna dyan Chaselle. Dyan mo na lang ako hintayin." turo ni Shane sa mahabang bangko kaya naupo naman ako dito at inilapag ang mga gamit sa katabi ko. Hinanap naman ng mga mata ko ang Manager ni Shane at mukhang wala pa ito dito. Sinigurado ko ding wala si Dale sa paligid dahil baka magsimula na namang uminit ang aking ulo.



Tinuon ko na lamang ang pansin kay Shane na sinisimulan nang ayusan ng mga make up artist niya. Kumuha pa ako ng iilang stolen shots at ginawa kong wallpaper ng phone ko. Di na nga ako makapili kung alin ba ang pipiliin ko dahil lahat ng kuha niya maganda.



"That one looks nice."



"Ay baklang kwago!" muntikan ko nang maitapon ang phone na hawak ko ng bigla na lang sumulpot sa aking tabi si Dale. Gulat ang mukhang pinakatitigan ko siya at di pa rin bumabalik sa normal ang aking paghinga sa sobrang pagkagulat.


"Haha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Haha. Did I startled you? I'm sorry Chaselle. Hehe. I didn't know you were Shane's fan." Oh fvck! Now his starting a conversation again and worse nakita niya din yung picture ni Shane sa phone ko. Pero wala namang masama dun diba?



"O-Obvious ba? H-Hindi ako mag-aapply na PA kung hindi. I've always idolized her ever since, kahit noong hindi pa siya sikat."



"You mean you've known her before? How come?" sandali akong napaisip sa tanong niya at nang mapagtanto ang sinabi ko'y nagsimula akong mabalisa.



Bakit ba kasi matabil ang lalaking 'to eh? Ganito ba talaga siya kadaldal? Nakakairita na? Kung anu-ano tuloy ang nasasabi ko. Dyahe talaga oo!

PMS BOOK II: WAY BACK TO LOVE (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon