Chapter 20

24.5K 631 10
                                    

LUMIPAS ang buwan mula ng ikasal sina Vincent at Cathlyn. Hindi narin ito pinayagan ni Vincent na magtrabaho ang kanyang asawa dahil narin sa kundisyon nito. Ayun sa OB ni Cathlyn ay kambal ang ipinagbubuntis niya. Kaya tampulan ng buksa si Vincent mula sa kanyang mga kaibigan. Anang mga ito basta leader daw ng clan ay kung tumira ay one time ang kambal o di naman ay tatluhan. Kaya nauuwi sila sa tawanan dahil nga si Aljhon na founder ng AMBERS CLAN ay nakadalawa agad ito. At si Xander na founder ng QUADRO-X ay triplets ang sa kanya at ito nga susundan naman ni Vincent na founder ng BEAST CLAN. Magpagayon pa man kahit hindi na nawawala ang asaran, kantyawan ay mabuting magkakaibigan parin sila. Hindi mo makikita o maririnig na nagkasakitan silang magkakaibigan. Dahil kung ano ang sinasabi ng isa ay tanggap na nila ito. Kung baga ay kilala na nila ang bawat liko ng bituka ng isa.

Hindi mo kakikitaan ng may pagkainggit ang isa o magseselos ito. Ika nga kasi nila ang selos ay nakakasal yan, kung panay ang selos mo ay parang wala kang tiwala sa kanya o kanila. Kaya kung panay lang ang selos mo sa iyong kaibigan ay huwag kana magtataka kung isang araw ay kahit nasa tabi mo lang siya ay daig mo pa ang nasa kabila siyang isla dahil hindi mo maabot. Respect and trust ang dapat mong pairalin sa isang relasyon, sa mahal mo, kaibigan o pamilya mo. Dahil aanhin mo ang pagmamahal kung wala kang tiwala sa kanya at wala kang respect  for what she want to do.

Ika nga nila ang pagmamahal ay hindi mo pwedeng higpitan sa pagtali dahil kapag nakawala yan ay mahirapan kanang ibalik muli. Magmahal ka ng tama, hawakan mo ang isang relasyon ng dahan-dahan at hunwag mong higpitan. Do it in a right way dahil hindi lahat ng tao ay the same personality. May mga taong handang magpasakal sa isang relasyon at meron naman hindi kayang tagalan ang bagay na yun. Kaya dapat kung nakagawa ka ng isang pagkakamali sa umpisa ay dapat mong isipin yun na hindi pala nakakabuti yun kaya kailangan mong bagohin ang bagay na yun kung mahalaga pala siya para sa'yo. Gawin mo ang nararapat bago mahuli ang lahat. Busilak na puso ang pag-iralin niyo sa inyong mga puso mga anak." Aniya ng pari sa loob ng simbahan.

Ganun si Vincent, tumigil man ito sa kanyang pagkapari ay hindi naman ito nakalimot sa kanyang tungkulin hindi bilang pari kundi bilang ordinaryong taong may pananampalataya.

"Baby, saan mo gustong pumunta?" Maya ay tanong ni Vincent sa asawa na pinagpapawisan.

"Sa hospital." Sagot nito sa asawa. "Sa hospital, anong gagawin natin doon?" May pagtatakang tanong nito kay Cathlyn.

"Magtatanong ka pa, kung ihulog kaya kita dito sa sasakyan. Ahhhhh." Bigla naman nataranta si Vincent. Halos hindi nito alam ang gagawin habang nagmamaniho.

"Vincent, sa hospital sabi, hindi sa bahay." Pasigaw nito sa asawa sabay kapit nito ng mahigpit sa braso ni Vincent.

"Oh! O-okay baby, hold on." Anito sabay diin niya sa pag-apak ng accelerator ng sasakyan.

"Vincent, hindi ko sinabing magpapakamatay tayo. Gusto mo bang mamatay tayo kasama ang mga anak natin?" Singhal ni Cathlyn sa asawang natataranta. Agad naman itong pinatakbo ni Vincent ang sasakyan ng normal speed habang tagaktak na ang pawis niya sa noo.

Pagdating nila ng hospital ay sunod-sunod na busina ang ginawa niya kaya agad na napatakbo sa kinaroroonan nila ang ilang staff ng hospital.

"Hurry, manganganak na ang asawa ko." Anitong nagmadaling lumabas ng sasakyan at gumawi kung saan ang kanyang asawa. Agad naman kumuha ng stretcher ang mga nurse at maingat nilang isinakay doon si Cathlyn. Dahil sa pumutok na ang panubigan nito ay sa delivery room agad siya dinala ng mga nurse sabay tawag nila ng doctor ni Cathlyn.

Habang naghihintay si Vincent sa labas ng delivery room ay lakad upo ang ginawa niya. "Bro, anong ginagawa mo dito?" Kunot noong tanong ni Nathaniel kay Vincent ng makita niya ito.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Where stories live. Discover now