Chapter 17

27.4K 670 21
                                    

LUMIPAS ang araw at napatunayan na nagkasala sina Noel at Channa. Nakasuhan ang dalawa ng kidnaping at may mga iba pang kasong kinasangkutan ang mga ito. Lumabas din ang kasong kinasangkutan ng mag-inang Channa mula sa Mindanao na tinakbuhan nilang mag-ina. Halos hindi makapaniwala ang ama ng magkapatid na Caleb at Cathlyn sa natuklasan. Kaya sising-sihi ito sa katangahang ginawa. Nagpalinlang siya sa ina ni Channa at sa dalaga. Itinakwil nito ang kanyang anak dahil sa mga ito.

"Anak, patawarin mo ako kung nagpabulag ako sa kanila. I'm so-sorry Cathlyn, anak." Maluha-luhang anang ama ng dalaga sa kanya.

"Dad, I forgive you already. Mahal ko po kayo at kahit anong mangyari ay ama ko parin kayo. At ng dahil sa inyo ay nandito ako sa mundong ito." Anito sa ama sabay yakap niya sa ginoo.

"Thank you anak." Saad ng kanyang ama. "Dad, can you do me a favor." Maya ay pakiusap nito sa ama.

"Sure my princess, ano yun?" Anang kanyang ama. "Mmmm. Namiss ko po kasing ipinagluluto niyo ako ng adobong manok. So, can you cook for me Dad, please." May pagsamo nitong saad sa ama na kinangiti ng ginoo.

"Sure, yun lang pala ang pakiusap ng aking prinsesa." Anang ginoo at agad tumayo para pumunta sa kusina. Kaya magkasamang pumasok ang mag-ama sa kusina.

Agad na nagpatulong ang ginoo sa kanilang mga katiwala sa mga gagamitin niya sa pagluluto. Samantala natutuwa naman ang mga kasama nila sa malaking bahay at muling bumalik ang sigla sa loob ng mansyon.

"Anong ginagawa niyo?" Bungad ng kararating lang na si Caleb sabay kuha nito ng apple at kinagat. Bahagya pa nitong kinindatan ang isa sa mga katiwala nilang naroon.

"Nagluluto syempre, ipagluluto ako ni Daddy." May pagmamalaking ani Cathlyn sa kapatid. "Tst! Doon ka kaya magpaluto sa fiance mo buntis." Ani Caleb na kinasimangot ni Cathlyn.

"Ang sama mo, sana mabuntis ka rin ng masubukan mong magbuntis." Ani Cathlyn na nakapuot. Tinawanan lang naman ito ni Caleb.

"Anong pangalan mo miss?" Maya ay tanong ni Caleb sa dalagang kanyang kinindatan kanina lang.

"P-po?"

Gulat na tanong nito sa binata . "I'm asking you, what is your name?" Muli nitong pag-uulit sa tanong.

"K-kiersten po."

Nahihiyang sagot ni Kiersten sa binata. "Hoy! Brother, wag mo siyang takutin." May paninitang ani Cathlyn sa kapatid na bahagya lang ngumisi.

"At sinong may sabing tinatakot ko siya eh nakikipagkilala nga ako sa kanya ng huwag siyang matakot sa'kin." Ani Caleb na pinanlakihan lang ni Cathlyn ng mata. "Don't worry. Dahil hindi naman ako pumapapak ng tao eh, nangangain lang." Dagdag pa nito ngunit pabulong na lang sa tainga ng dalaga. Napanganga sa tinuran niya si Kiers. Pilyo naman siyang kinindatan ni Caleb. Nabalik lang ang wisyo ng dalaga matapos siyang kalabitin ng mga kasama niya.

"Mas lalo kang gumaganda kapag nagbablush ka." Muli nitong pabulong kay Kiersten bago sila iniwan sa kusina.

"Oy! Mukhang type ka ni sir Caleb girl." Ang kinikilig na turan ng mga kasama ni Kiersten. "Manahimik ka at baka marinig ka nila Sir at Ma'am Cathlyn bruha." Ani Kiersten ngunit sa kaloob looban niya ay kinikilig ito.

SAMANTALA magkakasama naman ang magpipinsang Oliver, Zach, Marco, Aljhon, Nathaniel at Vincent sa kanilang mansyon. Sa likod ng malaking mansyon kung saan makikita ang malaking waitng shed ang mga ito magkakasama.

"Hoy! Mga gago." Ani Zach. "Akala niyo ligtas na kayo sa akin ha! Ang sabi niyo terror si Jeanne eh hindi naman pala. Pinagluluko niyo lang ako." Maktol nito sa mga pinsan na biglang tumawa.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon