Chapter 1

48.7K 924 18
                                    

ISANG lalaking nakasuot ng grey feated jeans at black jacket na nakabukas ang naglalakad kasama ang mga kaibigan nito sa loob ng campus, kung saan sila nag-aaral na magkakaibigan. Bawat madaanan nila ay tumatabi. Kilala ang mga itong siga sa loob ng kanilang paaralan. At kilala rin ang mga pamilya ng mga ito sa bansa kaya pinangingilagan ng mga guro at kapwa nila estudyante.

Kilala sa tawag na BEAST ang grupo nila na binubuo ng apat na myembro. Kilalang leader ng grupo nila ay si Vincent Vergara, kasama nito sina Gabriel Hernandez, Nathaniel Monte Silva at Caleb Barameda.

Sa dikalayuan ay may mga estudyanteng nagkakapikonan, hanggang magkainitan na ang mga ito. Hindi alam ng mga itong papadaan sa kinaroroonan nila ang grupo ng Beast clan. Dahil sa nagkainitan na ang mga ito ay nauwi sila sa suntukan. At dahil hindi nila napansin ang mga itong paparating ay kaya kampati silang magbitaw ng salita laban sa mga ito.

"Mga tang ina niyo, mga duwag. Nagpapakaduwag kayo sa grupo ng Beast." Pasigaw na anang isang studyante na hindi niya alam ay nasa likod na pala niya ang mga ito.

Sumagot rin naman ang kaaway ng isa. "Tang ina mo rin, ikaw ang nag-umpisa ng gulo ga---

Hindi ito natapos ng sasabihin niya ng makita ang mukha ni Vincent. Tila tinakasan ito ng dugo sa mukha. Dahan-dahan naman napalingon ang isa ng makita niya ang namumutlang kaharap na nakatingin sa kanya o sa likod ba niya. Paglingon niya ay ang madilim na mukha ni Vincent ang tumambad sa kanya. Kaya sunod-sunod itong napalunok ng sariling laway.

Hindi mo mabasa ang tumatakbo sa isip ni Vincent. Dahil wala kang mabasang emosyon sa mukha nito habang nakatingin sa mukha ng kaharap. Panabay namang tinapik ni Gabriel at Caleb ang balikat ni Vincent na tila may ipinaparating ang dalawa sa kanya bago siya nilampasan ng dalawa.

Mataman tiningnan ng dalawa ang studyanteng namumutla sa takot ang mukha. Habang nakatayo ang dalawa ay ininat ni Gabriel ang leeg kasabay nito ang paglagutok ng kanyang mga buto. Si Caleb naman ay pinagsiklop nito ang mga kamay kasabay ng pagtunog nito.

"N-nagbibi-biro lang ako sa si-sinabi k-ko." Anang estudyanting nanginginig sa takot.

Tila wala naman narinig ang mga ito.
Hinawakan ni Gabriel at Caleb ang dalawang kamay nito at hinila nila palapit kay Vincent. At ang tahimik na si Nathaniel pumantay sa kinatatayuan ni Vincent.

"I-i'm sorry." Mangiyak-iyak nitong aniya kay Vincent.

Umiling naman ito sabay tawa ng mapakla. Isang suntok sa sikmura ang ibinigay ni Vincent sa lalaki bilang sagot niya dito. Hindi pa nakuntento si Vincent at inundayan niya ito ng suntok sa mukha. Nang mapagud si Vincent ay pinalitan naman ito ni Nathaniel. Halos mawalan ng ulirat ang kapwa nila estudyanting ginugulpi nila.

Matapos nilang bugbugin ang pobreng studyante ay iniwan lang nila itong nakahandusay. Nang makatalikod ang apat ay mabilis na pinagtulungan ng ibang mga estudyante ang halos walang malay taong kapwa nila studyante at isinugud nila sa malapit na pagamutan.

Pagdating nito sa pagamutan ay halos mag-agaw buhay na ito. May naglakas loob namang nagreport sa malapit na police station sabay pakita nila ng video kung paano binugbug ng grupo nila Vincent ang kapwa nila studyante.

"Kayo ba ang tinatawag nilang grupo ng BEAST?" Tanong ng isang police. "Yes. Kami nga. Why?" Kunot noo namang tanong ni Gabriel.

"Iniimbitahan namin kayo sa presinto para magpapaliwanag sa ginawa niyong pambubugbog sa kapwa niyo studyante dito." Anang police sa kanila. "What, are you kidding me?" Ang magkasalubong ang kilay na si Caleb. "You can't arrests us. Underage pa lang kami." Dagdag pa nito.

"Bro, shut up. Ang sabi nila ay iniimbitahan lang tayo sa presinto." Awat dito ni Nathaniel na kinatahimik naman ni Caleb.

"Dalhin niyo sila at paki imform ang parents nila. Sabihin niyo sa kanila kung ano ang ginawa ng mga anak nila." Utos ng pinaka head ng mga police. "Yes, Sir." Agad nilang dinala ang magkakaibigan sa presinto. Kahit pumalag sila ay hindi nila magawa kaya sunod-sudsuran na lang silang sumunod sa mga ito.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon