Chapter 19

23.2K 581 2
                                    

ANG lahat ay handang handa na to witness Vincent and Cathlyn's Wedding. Friends, relatives and family is there. Sinong mag-aakala na ang dating pari ay haharap sa dambana at mangangako sa harap ng Panginoon kasama ng babaeng mahal niya.

"Bro, pwede ba relax ka lang. Kanina ka pa eh, nahihilo na kami sa'yo." Sita ni Zach kay Vincent. Hindi kasi ito mapakali sa kinatatayuan niya habang hinihintay ang kanyang bride.

"Bro, hindi ko maiwasan huwag kabahan. Kapag ikinasal kana ay tiyak na magkakaganito ka rin." Anito sa pinsan. Agad naman itong nilapitan ni Marco at Aljhon. Sabay tapik ni Aljhon sa balikat ni Vincent.

"Alam ko ang nararamdaman mo bro, but you need to calm down. Darating yun, hindi ka tatakasan nun." Ani Aljhon na nakangiti.

"Ganito pala ang feeling kung ikaw na ang nakatayo sa pwestong ito." Ani Vincent sabay punas nito sa  noo niya. Dahil kinakabahan talaga siya na ewan. Hindi nito maipaliwanag ang nararamdaman.

Maging si Xander at Sean ay napapailing habang nakamata sila kay Vincent. Dahil kung anong nararamdaman ng kaibigan nila ngayon ay ganun din ang naramdaman nila ng sila ang ikinakasal.

"Andrew, yang mata mo tusukin ko yan. Kanina ka pa ha! Akala mo hindi ko nakikita yan pasimple mong pagkindat diyan sa mga wedding organizer." Ani Aira kay Andrew na napakamot ng batok. Tatalikuran na sana ito ni Aira ng ipulupot ng binata ang kamay sa beywang ni Aira.

"I'm sorry, okay. Please, hindi na ako titingin sa kanila. Just stay beside me wifey." Ani Andrew na kinasimangot ni Aira. "Yan, diyan ka magaling." Anitong nakapuot.

"Get a room asshole." Ani Raven kay Andrew ng makita nito ang ginagawang panunuyo ng kaibigan kay Aira. Dahil alam nila ang mga ito ay parang aso't pusa kung magbangayan.

"Tst! Shut up Castillo." Saad ni Andrew kay Raven na ngumisi lang.

"Tumahimik nga ka'yo diyan." Sita naman ni Quin sa kanila.

Makalipas ang ilang minuto ng magsalita ang coordinator ng kasal ng dalawa. "Dumating na po ang bride kaya maghanda na po kayong lahat." Ang lahat naman ay nagsipaghanda.

Entourage........

The wedding song was play, kasabay nito ang paglalakad ng mga first sponsor at ang mga piling ninang at ninong ng ikakasal mula rin sa mga kilalang pamilya.

Followed by the second sponsor the candle, vien and cord.

And followed by the beautiful bride maids wearing a pink color mini tube gown and there partners with the handsome groomsmen who are wearing a black american suit.

The flower girl followed by the ring bearer, coin bearer and the bible bearer. And last one is the maid of honor. After the entourage, the song played  for the bride march...Make You Feel My Love.

Ang lahat ay nakatingin sa bungad ng pinto sa pagbukas nito. Si Vincent naman ay halos hindi na kumurap sa paghihintay na bumukas ang pinto ng simbahan at lumuwa doon ang mahal niya.

-When the rain is blowing in your face
And the whole world is on your case
I could offer you a warm embrace,
To make you feel my love.

Nang bumukas ang pinto ay isang napakagandang bride ang naroon habang natatakpan ng belo ang mukha nito.

Maingat itong nagsimulang maglakad patungo sa naghihintay na groom.

Halos hindi na ikurap ni Vincent ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Cathlyn na naglalakad patungo sa kanyang kinatatayuan kung saan siya naghihintay.

"Relax bro, hindi yan tatakbo. At kung tumakbo man ay siguradong hindi makakalayo yan dahil mauna pa kami sa kanya sa pagtakbo bago siya." Pabirong ani Oliver sa kapatid. Na siya namang kinatawa ng mga kaibigan nila pero nagpipigil lang na huwag kumawala ang tawa nila ng malakas.

Vincent Met His Seductive Secretary(Completed) Where stories live. Discover now