MALDITA WANNABE(FINAL WAVE)

966 23 1
                                    

6 months na ang nakakalipas simula nung nangyari yung Accident thingy ko. At 6 months na din simula nung nagbagong buhay ako at piniling maging Abigail Ahensyano ulit.

Kaya heto ako ngayon, Maganda pa din naman , pero NOT MALDITA AS ABAH, and NOT KAWAWA AS ABHIGHAIL anymore, dahil ako na ngayon si Abigail Ahensyano 2.0 , Ang babaeng hindi lang puro GANDA with a heart pa.

Si abah?? Well isa na lang syang konsensya sa buhay ko.

Anyway maganda ang gising ko ngayon. kasing ganda ng fes ko. Actually araw araw maganda ang gising ko ,kasi nga ARAW ARAW DIN AKONG MAGANDA. <3

Masaya akong bumaba mula sa 2ND FLOOR NAMING BAHAY para magbreakfast.

Kung tinatanong nyo kung kila tito parin ba ako nakatira, Well, hindi na, Sadyang naglevel up lang talaga yung bahay namin from kasing liit lang ng banyo to kasing laki ng paliparan .chos! Pinagawan kasi kami ng bagong bahay ni tito, tatlong falafag , nagkaayos na kasi sila ni Mama e, kaya yun, balik lahat ng kayamanan namin , I mean nya pala.

Pero Kaloka lang talaga ng malaman ko yung dahilan kung anong awayan nila. -_- alam nyo kung ano??

Dahil daw sa kalandian ni mama, at pagiging sumbungero ni tito.-_-

Nalaman daw kasi ni tito na buntis si mama sa akin sa boyfriend nyang walang dugong Chinese, kaya yun nagsumbong si tito sa pudrakels at mudrakels nila, bawal daw sa kanila yun e, kaya ayun lumayas si mama sa pag aakalang papanagutan sya nung paasa kong tatay pero ang nangyari mag fla-fly away pala-_- kaya yun hindi na bumalik si Mama sa pagiging Chinese.

So ako pala dahilan kung bat sila nag away?? Hahaha ipinanganak pala talaga akong punot dulo ng lahat. -_-

Pero anyway,  syempre hindi lang ako at bahay namin ang naglevel up kundi pati yung mga kaibigan ko rin. What I mean, the three ulaga Girls din.

Alam kong hindi kayo maniniwala pero please maniwala kayo! Eto lang naman ang balita sa kanila.

Nakakapagtaka pero alam nyo ba?? Si Andrea, Nagkalovelife na siya, sounds normal diba?? Pero wait there's more! Si Ricky lang naman yung  lalaking naging boyfriend nya.

Kaloka diba??

Wag nyo nang tanungin kung paano nagbalik loob si Ricky sa pagiging Adan basta ang importante, LALAKI NA ULI SYA. Yun yon!

Si Claudine naman, Ayun! Hanggang ngayon kamukha parin nya si Marlou at bestfriends parin sila ni Andrea at kagaya ni Andrea, may Boyfriend na din ang gaga,  ewan ko kung sino, hindi ko kilala e, basta ang alam ko Tall, Dark and Handsama ng mukha, mukhang bacteria daw na hindi pa nadidiscover e, that is what Andrea Said.

Si Allysa naman ,Well, Bumalik na sya pagiging Jejemon nya, hindi raw kasi nya nakayanan maging nerd e, atsaka sabi nya sa akin, Minahal na raw kasi nya ang pagiging Jejemon kaya hindi na nya kayang iwan. <3 at kagaya din nung dalawa, nakahanap narin sya ng Souljah boy nya.  Ang sweet nga nila e,<3 Grabe! Sobrang sweet nila! meron nung minsan na isinama nya ako sa Date nila, shet! Kinilig talaga ako, Lalo na nung sinabi nung lalaki kay allysa yung katagang

'IKhaw lhangzx szapat nua!' , Grabe! Damang dama ko talaga yun. Hiyang hiya nga ang jadine sa kasweetan nila e.

Pero syempre kung usapang love hindi naman ako papatalo sa kanila.

Happy and contented lang naman ako with my self. <3 :'(

pero happy nga ba talaga??

O sige na! Aamin na ako!

Hindi, Hindi ako happy sa pagiging single ko.

Kung tinatanong nyo kung buhay pa ba si kevo , well patay na sya! Pinatay ko na sya sa isip ko! Bwisit e!

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Where stories live. Discover now