MALDITA WANNABE 22

709 23 3
                                    

Kaloka! Kaloka! Naloloka na talaga ako.

Nanaginip na naman ba ako?? O talagang totoo tong nakikita ko??

Ganito ba talaga ang Modern Gay?? Humahalik na ng babae??

O baka lasing lang sya??

Baka nga!

Nakita kong kumalas sya dun sa kahalikan nyang babae tapos lumapit sa akin. Pagewang-gewang pa sya ng lakad na para bang tinamaan na talaga ng alak. Nakasuot sya ng polo na pink, wakwak na yung tatlong butones sa itaas. Kita na yung uhm. Ah ah nya.  Namumula na din yung pisngi nya na para bang nagblush on sa sobrang pula. Gosh. Kinabog pa ang make up ko.-_-

'Call Girl Hik! , An..Andito ka pala. Hik!' Sabi nya na sinisinok pa dala ng alak.-_-

'Duh! Please stop calling me, Call Girl. FYI, Hindi ako Call Girl!' Inis na sabi ko.

*Ngumiti sya* -yung ngiting nakakaloko.

'Kung Sabagay *Hik* sa pangit mong yan hindi ka nga mukhang Call Girl *Hik*' Sabi pa nya. Ang kapal lang talaga ng mukha nitong Evang to! -_- Ang sarap ibaon!

'Peste ka! Ang kapal mo! Kala mo gwapo ka?? .. Ay Este k..kala mo magandaa ka?' Singhal ko. Kainis kasing bakla e. Kung makaasta sya kala nya may pempem sya. -_-

'Hulaan ko kung bat ka ba andito *Hik* Pinasunod ka ni Papa, Tama? *Hik*' tanong nya.

'Pinasunod?? Bat naman kita susundan?? Fretty ka ba?? Atsaka kung fretty ka man hindi kita susundan Gosh! Hindi ako pinanganak para sundan ka lang. ' Singhal ko. Kainis

'Weh? *Hik* , E anong ginagawa mo dito? *Hik* hindi ako tanga para di maniwala sayo *Hik*.'

'Oo hindi ka nga tanga kasi Super Tanga mo! Kaloka! Bakit ikaw lang ba may karapatan pumarty?? May Pera din naman ako no.' Sabi ko.

'Syempre *Hik* binigay yan ni Dad para masundan mo ako. Diba? Diba?' Sabi nya ulit. Tss! Kakulit ng lahi ng taong to! Ang sarap sapatusin! -_-

'Ilang beses ka ba pinanganak ha?' Singhal ko tapos nagbilang pa ang loko. -_-

'*Hik* Isa.' Sagot nya.

'Pala, E bat ang kulit mo? paulit ulit ka! Tss. Umalis ka na nga sa harap ko. Ang baho ng bunganga mo Amoy Alak! Kadiri!' Sabi ko. E totoo naman. Amoy na amoy ko yung bunganga nya, pati yung lipstick na ginamit ng kahalikan nya. -_-

'Weh? *Hik* talaga?'

'Oo'

Inilapit nya yung mukha nya sa mukha ko.. tapos unti unti nyang inilapit yung lips nya sa lips ko.

Wait?? Hahalikan nya ba ako?? Sige Go! Wait! Joke lang! K..Kadiri naalala ko. Kakahalik lang nya sa isang babae kanina tapos sa akin naman??

Duhh! Kadirdir! Paano kung may Aids yun??

Itinulak ko sya. Napaupo naman sya. Hindi sya tumayo. Naenjoy ata ang sahig -_-

'Manyakis ka! Akala ko ba bakla ka? *Napaisip* Wait? Siguro nagpapanggap ka lang no?'

'Shhh. Wag ka maingay, *Hik* baka marinig ka ni Dad.' Sabi nya ng parang bata.

'So tama ako?? Nagkukunwari kang bakla? ' sabi ko.

'Shhh. Wag ka ngang Maingay diba?' Sabi nya na papikit pikit pa. Tss. Feeling cute.

'Tama nga ako ng kutob? So nagpapanggap ka lang pala na bakla ka? Para ano? Para makatyansing sa aming mga babae? *Interruption.* Lumapit sa akin yung Bartender, Ibinigay nya yung order kong Cosmopolitan keme, ng makaalis yung Bartender itinuloy ko yung sinasabi ko kay kevo. 'Ang kapal ng mukha mo! Idadamay mo pa ako sa kamanyakan mo! Muntik na ako dun ah! Isusumbong kita kay Tito John!!'

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Where stories live. Discover now