MALDITA WANNABE 29

542 15 1
                                    


To all:

Today is the day! Wag nyong kakalimutang pumunta ha??

-Abah

*Message Sent√

Kasado na nga ang lahat.

Ang Venue. Ang Audience. And Everything, Yung Apat na Celebrator na lang talaga ang kulang. Well nakausap ko naman na sila kahapon ng MAAYOS and Buti na lang Pumayag na yung tatlo, Except si Ricky.-_-

Tss! Muntik pang mapurnada yung mga plano ko dahil sa baklang yun pero buti na lang nauto ko sya sa pagbait-baitan ko sa harap nya, and fortunately pumayag nga ang gaga. Katunayan nga ay Sinabihan ko sya na sya mismo ang mag Ho-host sa 'School Event' kuno, May Script pa nga sya e. Naisip ko tuloy, Parang pinapain lang nya yung sarili nya sa apoy. <3

Haha I love it! Well played Abah. Ang galing mo talaga.

<3

Isa pa sa kinakagulat ko ay ang pag ayon ng mundo sa akin. Hell yeah! Paano ba naman kasi ay biglang nag declare si Tito na aalis sya for a business trip??? Well feeling ko talaga di ako nag iisa , kasama ko ang mundo sa mga gusto ko.

Buti na lang talaga at nataon sa Business trip ni tito tong pangmayamang Revenge ko kaya naman wala akong masyadong bagay na proproblemahin, Maliban sa Isa.

Hindi sya bagay. Hindi sya Tao. Hayop sya. -_-




No Other Than Kevo-_-

Gosh! Kinakalaban talaga ako ng lalaking yun!!! Grr!

well, hindi naman ako nagpapaapekto sa mga plinaplano nya, FYI, Sa pagkakaalam ko kasi nagplaplano sya ng Something na Oppose daw sa Pangmayamang Revenge ko, yun ang sabi nya, Hmm. if ever namang makakayanan nya ang Maldita Revenge ko. :)

Goodluck na lang sa kanya.

Pero ngayon, Papasukan ko muna lahat ng klase ko sa araw na to para naman hindi sila mag-halata. lalo na ngayon at Teacher ko pa si Ricky sa First Subject.

.

Maaga akong pumasok ngayon, Kausap ko kasi lahat ng Organizers sa Event ko, tinanong ko sila kung may problema, Wala naman daw except lang sa isa. Wala pero except sa isa??? Edi may problema padin! Kaloka!-_-

Tinanong ko pa kung ano yung isa sa problema, ang sagot nila

Nag pull out daw yung kinausap kong magpapahiram ng mga kabaong! Shet!

Akala ko ba Ready na lahat???

Tss. Kainis naman!, Yun pa man din yung isa sa mga Highlight ng Event ko tapos biglang mawawala! Dapat pala hindi ako nagpakampante e! -_- kainis! Pinupurnada ng kabaong na yun ang mga plano ko! -_-

Pero Di bale na!

Itutuloy ko parin yung pangmayamang Revenge ko kahit na wala yung mga yun! Basta ang importante, kumpleto yung apat na babawian ko.

7:30 na, Umalis na ako sa Gym kung saan ako naroon, para sana pumunta sa Klase ko kay Ricky pero Shet! May humarang pa sa dinadaanan ko! -_-

'Miss Abah.' Banggit nya sa pangalan ko.Tinignan ko sya. Gosh! Sya na naman!

'Miss Abah, Natanggap ko yung text mo tungkol sa School Event, Alam ko, Hindi yun simpleng School Event lang, alam kong yun na yung plinano mo, I mean naten, Miss Abah, Alam kong wala akong karapatang pigilan ka pero please, Wag mo ng Ituloy, Hindi sila ang masisira kundi ikaw!' Sabi nya, Mas lalong tumaas tuloy yung kilay ko sa kanya. Ang kapal naman ng babaeng to na pangaralan ako?? Sino ba sya???

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon