MALDITA WANNABE 24

719 18 2
                                    

Move to the left. Move to the right. Do it 100x

Ganyan ako ngayon, Hindi ako makakita ng pinakamagandang pwesto sa paghiga ko kaya naman hanggang ngayon hindi parin ako makatulog. -_-

Shet! 2 am na! puyat na puyat na ako -_-  alam nyo namang sa ganda ko bawal na bawal akong nagpupuyat diba? Feeling ko tuloy isang kilo na yung Eyebags ko. -_-

Naiinis lang talaga ako dahil hindi ko talaga matanggap tong nangyayari sa akin.

Kasalanan to ni Pekeng bakla e! Bwisit tlaga yung lalaking yun kahit kailan.

Feeling ko eto talaga yung epekto ng titig nya sa akin kanina e.

Feeling ko Ginayuma nya ako.-_-

Kung iniisip ng malandi nyong utak na baka inlove na ako sa kanya. Well,  Hindi kayo nagkakamali, ay este Nagkakamali kayo dahil HINDI MANGYAYARI YUN! ako?? Maiinlove sa lalaking yun?? Sa ganda kong to?? Duhhh! Baka kapag naging kami magmukha lang syang chaperone ko.-_-

Tss! Yuck Abah! Bat mo ba iniisip yang mga yan?? Tss! Kilabutan ka nga!

Tss. Tama na nga to. -_-

Pagkatapos nun ay bumaba ako para  kumuha ng pagkain sa kusina Well, nagutom kasi ako sa kakaisip sa lalaking yun. OOoopps, Wag nyong isiping kagutom gutom yung lalaking yun, Duhh? Hindi no, Nagutom kasi nga, Wala lang. Gutom nga diba?? -_-




Pagkababa ko ay may naramdaman akong parang maingay sa kusina. Creepy! Shet!

Dahan dahan akong lumapit dun habang hawak ang walis tambo. Naisip ko kasi na baka pinasok kami ng pusa.

At.



Shet Pusa nga! -_- ay este mas masahol pa sa pusa.

Nakahawak si pekeng bakla ng tinidor habang nilalantakan nya yung cupcake sa harap nya.

'Oh?? Gising ka pa pala?? Anong ginagawa mo dito?'  Sabi nya habang nakangiti.

Hindi ko sya pinansin. Sorry Hindi kami close. -_-

Nagpatuloy lang ako sa  paglalakad hanggang sa marating ko yung kinalalagyan nung Ref. Kaso pagbukas ko nun wala ng laman yun.-_- bwisit! Kinain nya siguro lahat! -_-

'Oops! Naghahanap ka ba ng pagkain?? Sorry pero kinuha ko na lahat kanina, Nagutom ako e, Pero eto oh meron pang natira.' Sabi nya habang inaabot nya yung plato na may dalawa pang cupcake pero inirapan ko lang sya.

Duhh! Ayoko no! Baka may Gayuma pa yun.-_-

'Ayaw mo?? Sige ka uubusin ko na to.'

'Edi ubusin mo! H..Hindi naman ako gutom!'  Sabi ko na paalis na, kaso biglang tumunog yung tyan ko. -_- bwiset! Hindi man lang nakisama tong tyan na to!! -_-

'Kunin mo na! Nagagalit na yung alaga mo sa tyan oh. .' Sabi nya ng natatawa. Anong nakakatawa???

'Sige na! Walang Lason yan! Promise.' Dagdag pa nya, Kinuha ko naman yun kahit na labag sa loob ko. Lol.

Aalis na sana uli ako para umakyat na sa kwarto ko kaso pinigilan nya ako. Ano na naman???

'Dito ka na kumain, Baka langgamin pa yung Kwarto mo atsaka para makapagkwentuhan narin tayo Im sure hindi ka din makatulog.' Sabi nya tapos parang may Mahika ulit na nagpa sunod sa akin. Gosh! Ano bang nangyayari???

'Gusto mo pagtimpla kita ng kape??' Sabi nya.

'No. Ayoko.' Plain na sagot ko.

'Sige na! Masarap ako magtimpla ng kape.' Sabi nya.

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Where stories live. Discover now