MALDITA WANNABE 27 #DRAMAON

719 15 1
                                    

Maganda ang Gising ko ngayon hindi dahil sa nangyaring shopping keme namin ni Kevo kahapon. FYI, wala naman kasi talagang  nangyaring maganda kahapon, diba?? Halos magiba nga yung Mall sa Away namin, Remember??

Anyway, Natutuwa lang talaga ako ngayon dahil narealize ko na bilang na bilang na talaga yung araw bago ang pinakaaantay na Maldita Revenge ko.>_<

Actually Isa pang nagpagana sa umaga ko yung natanggap kong confirmation sa isang kinausap kong mag aayos sa mga flowers na gagamitin sa big event ko. Finally pumayag na rin sya, kaso nga lang pag uusapan pa raw namin yung tungkol sa Sending and bayad.

So now, Im going to ditch my Nonesense class just to meet him.

Well. Kung tinatanong nyo kung bat may pa Flower arrangement kemelu pa. Diba nga? Lamay ang tema ng pangmayamang revenge ko?? And yung mga flowers na ipapagawa ko ang magsisilbing korono ng patay. Get it?? Well, Imaginin nyo na lang. :)

Pagkatapos kong magpalit ng Civilian dress bumaba na ako.

Kagaya ng palaging nangyayari, nadatnan ko na naman silang kumakain ng pang agahan. -_-

'Goodmorning Guys!' Bati ko kila Tito, Andrea, Kevo and Finally! Ang namiss ko! Si Claudine! Well! Kung tinatanong nyo kung okay ba sya?? Well, Okay parin naman, Pangit pa din sya kagaya ng dati.

'Sumabay ka na sa amin.' Alok ni kevo.

'No need, sa labas na lang ako kakain.' Sabi ko tapos lumapit ako kay Tito saka ako bumeso sa kanya tapos nagpaalam.

Paalis na ako ng biglang magsalita si Tito.

'Wait, Why youre not wearing your School Uniform??' Tanong nya sa akin ng napakakaswal.

'T..tito??' Sagot ko.

'I Said, Why youre not Wearing youre School Uniform?'  Pag uulit nya but this time, seryoso na. Sh*t! Anong ipapalusot ko??

Then finally! Nakapag isip na din ako ng irarason nung makita ko si Claudine. Thankyou sa pangit nyang mukha dahil nakakuha ako ng sagot.

'Ah Eh, D..Dadalaw po kasi ako sa bahay e M.Miss na Miss ko na kasi kasi si Mama e.' Pagpapaawa ko.

'So youre not going to attend your Class.. Again? Ricky told me na hindi ka na naman daw pumasok sa klase mo kahapon and sabi pa nya pinapahiya mo raw sya sa klase , Is that True Abigail??' Sabi ni tito. Tinignan ko si Kevo, mukhang gusto pang sumabat ng gago pero pinandilatan ko sya.

'Ahh? N..No No Tito, H..Hindi ko ginawa yun. Nagsisinungaling lang siguro si Ricky dahil hindi ko sya napagbigyan sa gusto nya. ' Sagot ko.

'Really??' Sabat naman ni Tilapia. -_- na nakikinig din pala sa usapan namin.-_-

Sasabat na naman to eh! Kainis lang! Tss! Pareho sila ni Ricky! Mapapel sa buhay ko!! Bwisit talaga yung Ricky na yun! Nagsumbong pa! Arrgh!

'O Sige, papayagan kitang dumalaw sa inyo pero Isama mo si Kevo , Lalo na ngayon at wala si Larry (Driver) .' Sabi ni Tito.

'Ahh?? Dad??' Si kevo

'Tito??' Ako

'*Tumingin sa akin si Tito* Yes, Kailangan mo syang isama , kung ayaw mo hindi kita papayagan. *Tumingin kay Kevo* Samahan mo sya tutal wala ka namang ginagawa dito sa bahay. ' sabi ni Tito.

'Pero Dad?? ayokong kasama yang babaeng yan napaka warfreak!' Reklamo nya.

'Mas lalo naman ako no! Ayokong magpasama sayo at baka magutom pa ako sa sobrang kuripot mo!' Singhal ko .

Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Where stories live. Discover now