MALDITA WANNABE 9

871 30 15
                                    

'Miss Abah!'

Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses, nilingon ko naman kaagad sya sa bandang kanan ko at nakita ko si Ricky, sya yung nagtatawag sa akin, kumakaway sya.

Nilapitan pa nya ako na para bang alalang alala at pagod na pagod to the highest level.

'Oh? Bat super haggard mo yata ngayon bakla? Hindi ka ba naligo?' Tanong ko sa kanya.

'haay! Kadiri ka Miss Abah! Kung alam mo lang! kanina pa kita Hinahanap !' Hingal nyang sagot sa akin.

'At bakit mo naman ako hinahanap?' Sabi ko.

'Nabalitaan ko kasi yung nangyari sayo, o ano, okay ka na ba Miss Abah?' Bigla akong napaisip sa sinabi nya. Hanudaw? Ano namang nangyari sa akin? Pinagsasabe nito???


'Anong nangyari sa akin? Okay lang naman ako ah?, Maganda parin naman ako.' Sagot ko.

'Ha? Eh bat usap-usapan nung ilang estudyante kanina na nabuhusan daw ng kape yung anak ni Dr. John Ahensyano? Tapos sinagot sagot pa raw sya ng isang babaeng pasosyal, kaya ng marinig ko yun ikaw agad pumasok sa isip ko Miss Abah, Ano totoo ba yun??? .'

Halos pagpawisan ako sa ano sa sinabi nya. Oh my Gosh , kalat na yung ginawa ko!! -_-

Paano nalang kung malaman ni Ricky na ako pala yung babaeng bumuhos sa damit ng totoong anak nung John Ahensyano na yun?-_- paano kung malaman nya na hindi naman pala ako anak ng School owner?

Hindi pwede to.

'Miss Abah? Tulala??.' Sabi nya sa akin ng mapansin nyang natutulala na ako.

'Ah..O..Oo, n..na..natapunan nga ako ng kape, pero okay na. Oo o..okay na.'Sabi ko na medyo nauutal pa. -_- Shet. First time ko mautal.

'Talaga Miss Abah? Okay ka lang? Hindi ka naimbyerna kahit konte?' Dagdag pa nya na halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tama naman sya. Ako na Abah Maldita, hindi nabwisit kahit konte??

'S..Syempre n..nabwisit ako, pero W..wala na yun.' Ako.

'Ahh, ang bait mo ngayon Miss Abah ah! sya. Bwiset! Isa pa to! Dinodown nya ang pagiging maldita ko! Grrr!

I hate this. Iba yung pakiramdam ko sa mga nangyayari, hindi ko inexpect na ganito katindi yung magiging epekto ng ginawa ko sa babaeng tilapia na yun.

Bwiset! Dapat talaga nag dodoble ingat na ako sa mga ginagawa ko, dahil kung sakali mabubuko ako ng wala sa oras nito.-_-

At dahil tapos na ang role ni Ricky umalis na sya, nagpaalam na sya sa akin dahil may klase pa raw sya.

Naiwan tuloy ako ngayon na naghihintay sa klase ko.

Inikot ko pa yung tingin ko sa paligid kung may palapit ba sa akin na something.

napaparanoid na kasi ako, baka kasi biglang may dumampot na goons sa akin dahil sa ginawa ko dun sa mukang tilapiang yun. pero hindi dapat ako natatakot, ako si Abah , right?

Pero maya-maya pa ay parang nilunok ko ng wala sa oras yung sinabi ko na wag akong matatakot, biglang bumilis yung tibok ng puso ko ng may naramdaman akong humawak sa balikat ko.

Omy Gosh! Mga Goons kaya ito nung babaeng tilapia na yun? Dadamputin na ba nila ako? :'(

'Please wag!'sabi ko na naiiyak na habang dahan dahan kong nililingon yung taong yun.

But then bigla ring nawala yung kabog ng dibdib ko ng makita kong hindi pala yun Goons ni babaeng tilapia.-_- klk!

Haaaay Salamat buhay pa ako.


Avah Maldita Wannabe! #Wattys2016Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum