Chapter 18

11.5K 323 17
                                    

Nagising ako nang may bumaksak sa'kin. Ang sakit, ugh!

Naulit pa ito ng isang beses tapos nakarinig ako ng tawa ng bata. Alam ko na kung sino to...

I opened my eyes to see JJ ready to pounce on me again. Naging maliksi ako at gumulong pakanan. He landed face first on the mattress and started laughing.

Bago pa siya makatayo ay dinambahan ko na siya agad at kiniliti.

"Why are you here, huh?"

"Stooop! Da-ddy...Stoppp!" Mas lalo akong ginanahan dahil sa malalakas niyang tawa at tawag sa'kin.

Hindi ko alam pero parang may mainit na bumalot sa puso ko. I was very happy. I'm very happy that I felt what it's like to be a dad and I didn't want this to disappear. Ayokong malayo ulit sa anak ko kaya kailangan ko talagang kausapin si Cat kahit alam kong mahihirapan ako.

Nang matapos kami sa paglalaro ay may tumikhim sa likuran ko. It was Xu Yong, standing by the door.

"Pinapasabi ni Miss Serena na magbihis daw kayo dahil aalis na tayo?"

"Aalis? To where?"

"Ahh...uhmmm..." I noticed how her eyes look everywhere except at me. Pansin ko rin ang pamumula ng mukha niya na parang nahihiya. Nang napakamot ako sa aking dibdib, nalaman ko kung bakit. I'm only wearing my brief.

Okay... nahihiya siya pero ako hindi. Sanay na 'ko. She got a chance to see my body she should at least answer my question.

"To CONCON!" Sigaw ni JJ.

"To the comic convention? Pumayag na ang mommy mo?"

"Yes po. We'll leave after breakfast daw po kaya daddy tayo ka na diyan... Bilis!" Tinulak tulak niya pa 'ko.

I can't believe this. Seriously? Caterina approved of this?

Still confused, I rushed to the bathroom and took a shower. Parang kahapon lang ay ayaw ni Cat and ideyang umalis dito. I was thinking of ways and conditions that I could propose to her but now...

Bakit kaya nagbago ang isip niya?

Hindi kaya napag-isip isip na niya ang sinabi ko? Or maybe, something happened last night... Pero ano naman kaya 'yon?

Kapansin pansin ang mga tauhan niyang pabalik balik sa bahay. I'm not sure if men with guns running around the place, with long wooden boxes being carried are normal around here but everything says that something is not right. Parang lahat 'ata kami ay aalis. Tatanungin ko na nga lang siya mamaya.

Nang mag-almusal ay hindi nawawala ang excitement at energy ni JJ. Pati hanggang ngayon na nasa van kami ay parang lagi siyang re-charged. He was sitting astride on Cat's lap. Xu Yong on their right then me. May katabi sa kaliwa si Cat na tauhan niya. Ang iba naman ay nasa likod at ang iba ay naiwan na mukang susunod nalang. I don't why but I'm glad that Raul is front, beside the driver. Mainit lang talaga ang dugo ko sa kanya.

"Mommy, sasama ka sa'min sa concon?" Tanong niya, ang tingin ay nanatili sa nilalarong Thor action figure.

"No." Ano ba'tong si Cat? Kahit ba sa anak niya ay malamig siyang sumagot. Agad na nahinto si JJ sa paglalaro at tiningala siya.

"Why?"

"I don't want to."

"But wwhhhyyy?" He whined. "Gusto ko ando'n ka, mommy at tsaka si daddy. We'll see Thor so come with us."

Sige, anak. Convince your mom.

"No."

"Mommmyyyy..." Bigla siyang lumiyad habang ngumangawa. Ang akala ko ay mahuhulog siya sa kandungan ni Cat. Gano'n din si Xu Yong na handa na siyang saluhin. Mabuti nalang ay hindi siya nahulog dahil hawak pala siya ni Cat sa kwelyo.

The Wild CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon