Chapter 26: The Burn Agenda.

Começar do início
                                    

Pero sa mga nangyayaring kababalaghan sa seksyon na iyon ngayon, paniguradong nangyayari na naman ang nangyari noon. Deathly nightmares are not totally closed. At masayang paglaruan ang mga estudyanteng ito. Lahat sila walang alam sa nakaraan at paniguradong hindi nila gugustuhing malaman iyon.

Binuksan ko ang isang drawer dito sa lamesang nasa harap ko at hinanap ang isang lumang yearbook noong 1997-ang pinakamahalagang taon sa paaralang ito. Ang taon kung saan, lumabas lahat ng mga sikreto ng seksyong madalas naming kakumpintensya sa lahat ng bagay noong panahong iyon. Walang iba kundi ang Ikalimang Seksyon.

'Pieces of the future' 'yan ang pamagat ng libro. Ang napakahalagang libro ng paaralang ito.

Isa-isa kong tiningnan ang mga lumang litrato ng bawat class picture namin. Mula sa mga freshman hanggang sa seniors, halata sa ekspresyon ng mukha namin na may bangungot na nangyayari noong school year na iyon.

Napatingin ako sa direksyon ng pinto nang makarinig ako ng tatlong katok dito. Paparating na yata siya.

Pumasok siya habang suot-suot ang isang kilay pulang dress at may nakakalokong ngiti ang kumurba sa mga mapula niyang labi.

"Kamusta?" tanong ko sa kanya at agad siyang umupo sa isang sofa na para bang siya ang nagmamay-ari nito.

"Ganun parin naman, wala paring nagbabago," kalmado niyang sabi ngunit hindi siya nakatingin dito. Maldita talaga siya.

"Ano naman 'yang hawak mong libro?" tanong niya nang makita niya ang binabasa ko. Napahawak ako nang mahigpit dito habang pilit na itinatanggi kung ano ba talaga ito.

"W-Wala. Nakita ko lang dito sa drawer," sabi ko. Tumango lang siya bago binalik ang atensyon niya sa nakitang magazine kanina. Muli kong naalala ang isang bagay.

"Talaga bang, ibabalik mo ang larong iyon?" diretso kong sabi habang kinakamot-kamot ang ilalim ng labi ko na para bang naghihintay ng kasagutan.

"Wala ka namang magagawa kung gusto ko diba?! Nais kong ibalik ang nakaraan at paglaruan sila," sagot naman niya habang nakangiting nakatingin sa akin. Ibinaba niya ang hawak na magazine at lumapit dito.

"Ikaw, gusto mo bang sumali sa laro?" sarkastiko niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. "Joke," dagdag niya bago parehas kaming natawa. Umupo siya sa may harapan ko at parang naging interesado na makipag-usap sa akin. Ano ba talaga ang dinalaw niya dito?

"Kamusta naman siya?"

Agad namang pumasok sa isip ko kung sino ang tinutukoy niya. Isang napakahalagang tao para sa kanya. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama doon dahil siguradong lalong, sisiklab ang galit niya.

"Ayos naman," sagot ko na lang.

"Siguraduhin mo lang dahil malalagot ka talaga sa akin," wika niya. Napunta ang atensyon niya sa may lamesa ko nang makita niya ang librong hawak ko kanina. Sh*t! Dapat naitabi ko na agad ito. Hindi niya pwedeng maalala ang lahat.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo? Natatakot ka na baka may malaman ako dito?"

Titig na titig siya sa ikaunang pahina kung saan naroroon ang litrato ng mga naging guro namin noon. Tinawanan pa niya ang ilang mukha. Hindi talaga pwede ito. Hindi niya pwedeng maalala ang apat na iyon.

Ilang buklat pa ng libro ay nakita na niya ang class picture ng kanilang batch. Napakamot ako sa ulo habang pinagsisisihan ang kapabayaan ko. Ngayon, nanumbalik sa kanya ang lahat.

"Silang apat, tunay na maasahan," sabi niya habang itinuturo ang mga mukha ng kanyang mga naging kaibigan. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sunod niyang sinabi.

Fifth Section (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora