SG.15 - Hya, Iggy and the Devil

Start from the beginning
                                    

Ayoko namang magmukmok sa isang tabi lang kaya naligo ako at nagbihis. Lumabas ako. I went to a bar to get drunk. Kung nagawa niyang mag-walk out sa akin ngayon, 'di magwa-walk out din ako sa kanya ngayon. I hate Iggy at the moment! Matapos niyang makuha ang virginity ko, lalayasan niya ako dahil lang sa ayaw kong magpakasal sa kanya?

He should be thankful! Hindi ako katulad ng ibang babae na kapag naka-sex na nagiging clingy bigla at kung ano-anong ginagawa para lang hindi sila iwan ng lalaki. If Iggy wants out now, the he's free to go. Anong akala niya, hahabulin ko siya? Wala akong pakialam sa kanya.

Pakshet siya sa universe!

"Whiskey please." Sabi ko sa bartender. He gave me a glass, I shook my head. "I prefer the bottle. Give me one." Tinapatan ko ng pera ang boteng ibinigay niya sa akin. I don't want to have fun, I just want to get drunk and forget.

I hate everyone. I hate my father kasi pinangungunahan niya ako, I hate myself for hating marriage but most of all, I hated Iggy for walking out on me...

___________________

She doesn't want to get married. I should worry, iniisip ko kasing hindi ako sapat para sa kanya para hindi niya makita ang sarili niyang kasama ako sa habambuhay. But she said she could see herself building a life with me, iyon nga lang, hindi kami kasal. Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko. Napaka-contradicting ng ugali ni Hyacinth. Kung minsan, aakalain kong alam na alam ko na ang ugali niya, pero biglang magbabago ang lahat, she turns the table around and again, nangangapa na naman ako sa kanya – katulad ngayon.

I don't know how to make this better for the both of us. Nasaktan naman kasi ako sa mga sinabi niya. Here I am, already building my visions of life with her, kung anong magiging hitsura niya sa araw ng kasal namin. I was betting that she'd be the most beautiful bride in the world. I'd bet that I would cry. Mahal na mahal ko si Hyacinth at siya ang babaeng gusto kong makasama sa habambuhay.

"Iggy?"

Naramdaman kong bumukas ang gate ng bahay nila Hyacinth. Hindi ko alam kung bakit dito ako nagpunta. Buong araw lang akong nagdadrive. Paikot-ikot sa Metro. Iniisip nab aka namali lang ako nang pagkakarinig. Ang saklap naman kasing isipin na ayaw akong pakasalan ng babaeng pinaglalaanan ko ng lahat sa buhay ko.

Tumayo ako at humarap sa may gate na iyon. Nakita ko si Mrs. Nikita Consunji na nakatayo at takang-takang nakatingin sa akin. She was wearing a silk robe. Nakalugay na rin ang buhok niya. Ngumiti ako sa kanya kahit na kabado pa ako. Napalunok ako. Binalingan niya ang guard.

"Bakit hindi ninyo siya pinapasok?"

Napakamot ang guard nila.

"Bilin po kasi ni Sir Yto, Ma'am."

Mrs. Consunji rolled her eyes.

"Hay naku! Ignacio, halika at pumasok ka. Kumain ka na ba? Pasensya ka na sa Yto ko. Mainitin talaga ang ulo noon. Alam mo, sabi ko nga sa kanya, nadadagdagan lang ang edad niya pero kung ano siya noon unang araw na nakilala ko siya, iyon pa rin siya hanggang ngayon."

Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami papasok ng mansyon nila. Kinakabahan pa rin ako. Nandito ako kasi gusto kong makausap ang Tatay ni Hyacinth. Hindi ko talaga nagustuhan ang ginawa niya sa amin ni Hya kanina. Siya ang mas nakakatanda. Oo nga at kami ang mali, pero para bang hindi siya nakaranas na ma-in love.

"Halika, kumain ka na."

"Hindi na po." Sabi ko. "Gusto ko po sanang makausap si Sir Yto, Ma'am Niki." Magalang na wika ko. Tumingin siya sa akin.

"Sigurado ka ba? Ignacio, anak, naghahanap ka ba talaga ng sakit ng katawan?" Parang nakakalokong tanong niya sa akin. Napakamot ako sa ulo ko.

"Hindi naman po ako nakikipagbiruan."

Sweetest GoodbyeWhere stories live. Discover now