Mistake 21

9.6K 209 2
                                    


"Ma! Ma! Mama!" Agad akong naalerto ng marinig ko ang malakas na sigaw ng anak ko mula sa salas. Patakbo akong lumabas ng kwarto saka pinuntahan siya.

"Be,bakit? Hala! Napaano ka? May masakit ba? Ano bang ginagawa mo? Anak naman magsalita ka! Nasaan yung masakit?" Sunud-sunod na tanong ko habang tinitignan ang buong katawan niya kung may sugat ba na malaki. Kung may dugo bang lumalabas pero natigil lang ako sa pagtingin na ginagawa ko sa kanya when I heard his soft giggles.

Naguguluhang tinignan ko siya habang siya naman ay tuwang-tuwa na animo'y nakakuha ng mamahaling laruan sa isang palaro.

"Mama! W-wala pong w-wounds Hendrix!" Aniya habang patuloy sa paghagikgik na para bang may nakakatuwa sa ginawa niyang pagsigaw.

"What? Wala kang wounds?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Dahan-dahan naman siyang tumango habang nakangiti parin. Yung ngiting wala na siyang mata. Dahil sa kasingkitan niya sabayan pa ng pagngiti niya kaya mas lalong hindi na nakita ang mga mata niya.

"Opo! Opo!" Maligalig na sagot niya. Ako nama'y napaupo na lamang sa lapag habang nakalagay ang kanang kamay sa aking noo. My goodness! Kanino ba nagmana ng kalokohan itong anak ko't parang hindi ata nauubusan ng maiisip na kalokohan.

"Naman anak! Tinakot mo si Mama. Akala ko kung na paano ka na." Punong pag-aalalang saad ko habang nakatingin sa kanya.

Humagikgik lamang ulit siya saka lumapit sa akin at kumandong saka ako pinaulan ng maraming halik sa mukha na siyang ikinangiti ko.

"W-wag na mad Mama. S-sorry po." Hinging paumanhin niya saka ngumisi.

Nawala ang masayang ngiti ko ng makita ko nanaman ang pamilyar na ngising iyon. Kailan ko ba makakalimutan lahat ng detalyeng meron siya? Ilang taon na ang lumipas pero hindi parin mawala sa isip ko lahat ng ala-ala na kasama siya.

Paano ko nga naman ba makakalimutan ang taong halos bumuo ng buhay at pangarap ko pero siya ring gumuho nito? Paano ko makakalimutan yung taong matagal kong isinama sa lahat ng pangarap ko? Kahit ilang taon man ata ang lumipas ay hindi ko na magagawa iyon.

Makita ko lamang ang anak ko'y hindi ko na magawa pang ibaon sa limot ang lahat. Nang una kong masilayan si Hendrix ay hindi ko maiwasang maluha. Hindi lamang dahil sa kasiyahan kung hindi parin sa panghihinayang naramdaman ko sa buong pagkato ko noon.

Nanghinayang ako na umalis ako. Nanghinayang ako sa ilang taong pinagsamahan namin na nabali-wala dahil sa isang pagkakamali. Nanghinayang sa lahat ng nangyari sa buhay naming dalawa.

I admit,I still love him pero hindi ko na alam kung sapat pa ba ang dahilang mahal ko siya para bumalik ako sa kanya. Ni hindi ko na nga alam kung makakaya niya pa akong tanggapin sa kabila ng nangyari. I know I should be mad at him dahil kung hindi sa kanya ay hindi sana ako mako-confine ng ilang araw sa hospital noon.

Alam kong dapat ko siyang kamuhian dahil muntik ng mawala sa akin ang anak ko. Ang nag-iisang Hendrix ng buhay ko. But still,hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong naging dahilan kung bakit narito sa buhay ko si Hendrix. Hindi ko kayang magtanim ng galit sa taong naging dahilan kung paanong naging matatag ako.

"Mama,you okay?" Napangiti akong muli ng marinig ko ang boses niya. Marahan kong hinaplos ang mukha niya saka hinagkan siya sa noo.

"Mama is okay baby Hendrix." Nakangiting saad ko saka muling pinagmasdan ang mukha niya.

Gusto kong magtampo dahil sa syam na buwan kong pagdadala sa kanya ay wala man lamang siyang nakuha sa akin maliban ata sa mga mata ko. Lahat nakuha niya sa ama niya. Nakakatampo dahil ako yung naghirap pero iyon lang ang nakuha niya sa akin. Pero hindi naman na mahalaga iyon. Ang mahalaga ay maayos ko siyang nailabas noon.

Just A Mistake ✔Where stories live. Discover now