CHAPTER 25 - Separation

Depuis le début
                                    


MARITA: Dylan mabuti pang hayaan mo muna si Wena, masyado ng natatakot ang asawa mo sayo, pati ang anak niyo ay natatakot na rin sayo (nangangambang si Marita)


Nagpatuloy si Dylan sa pagdadabg sa pintuan at binalewala ang manugang.


DYLAN: Wena, lumabas ka diyan, umuwi na tayo! (sigaw niya)

Napangirit si Salie. Kung paano niyang titigan si Dylan ay para bang hindi siya makapaniwala sa inaasal nito.


SALIE: Sa tingin mo sasama pa yang kapatid ko sayo? Hoy Dylan nagpapatawa ka ba?


DYLAN: Wena! Lumabas ka diyan! Wena!


SALIE: Tigilan mo na yan! Hindi kana babalikan ng kapatid ko kahit kailan!!!


Nanatiling walang pakialam si Dylan. Patuloy siya sa pagwawala.


DYLAN: Wena! Junjun! Lumabas kayo diyan! (sabay marahas na hinampas ang pintuan ng kanyang kamao)


Nanatiling tahimik si Wena habang nakaupo sa kama. Pakiramadam niya ay unti unit ng namamanhid ang kanyang katawa at hindi makagalaw. Manhid na rin siya sa lath ng sakit na dulot ng kanyang asawa.

DYLAN: WENA!


MARITA: Dylan, pakiusap, hayaan mo na lang muna ang mag-ina mo. (hindi na napigilan ni Marita ang umiyak, hindi siya makapaniwala sa nangyayari sa ngayon sa magasawa)

What It Takes To Be A Man (GxG)- EditingOù les histoires vivent. Découvrez maintenant