CHAPTER 25 - Separation

2.2K 119 36
                                    


INT CASTRO HOUSE – DAY

Galit na galit si Dylan ng pinuntahan si Wena sa bahay ng kanyang biyenan. Ayaw paawat at papigil kahit nasa harapan nito ang pamilya ng kanyang asawa.


DYLAN: Asan si Wena? Asan ang asawa ko! (sigaw niya, halata sa boses niya ang pangagalaiti)


SALIE: Ang kapal din ng pagmumukha mo noh? Pagkatapos mong gawing pungching bag yung kapatid ko may gana kapang magpakita sa amin! (matapang na hinarap ni Salie si Dylan)


Nalaman na rin ng pamilya ni Wena ang nangyayari sa magasawa, kaya hindi na rin mapigilan ni Salie ang protektahan ang kapatid sa mismong asawa nito.


MARITA: Dylan mabuti pang kumalma ka muna (mahina at kalmadong pagkakasabi nito)


Humugot ng malalim na hininga si Dylan at pinilit na kinalma ang kanyang sarili.


DYLAN: Ma, asan ang asawa ko? Ilabas niyo si Wena? (bakas sa boses niya ang pagtitimpi. Pagala gala din ang mga mata niya hinahanap ang presensya ng kanyang asawa)


Mula sa sala ay rinig ni Wena ang galit na galit na si Dylan sa kwarto. Nasa tabi niya si Junjun at tila'y takot na takot rin.


DYLAN: Wena lumabas ka dyan! Wena!


Bahagyang nagulat ang magin ng biglang dinabog ni Dylan ang pintuan ng kwarto nila.

What It Takes To Be A Man (GxG)- EditingWhere stories live. Discover now