Chapter Twenty-four: Little Ezra's defeat

Start from the beginning
                                    

What Flame said made her smile a little but it wasn't enough. She wished for her presence and not just words.

"Ash! Aalis na ako!" She hissed under her breath at sinubukang pumiglas sa pagkakahawak nito but Ash held her wrist in vice like grip.

Gusto lang niyang pumunta sa isang lugar na tahimik at sumigaw. She just wanted to be heard dahil masyadong kontrobersyal ang problema niya at hindi ito dapat marinig o malaman ng iba.

The images of wolves were still haunting her.

She doesn't how to differ her feelings when it came to those creatures. Tuwing naiisip niya na takot siya sa mga ito, bile will rise in her throat at ipapaalala niya sa kanyang sarili na siya si Ezra Heath. A wolf or even a pack of wolves won't shake the ground she's standing on. It'll take more than that. She won't fall in fear.

Sa ngayon ay nag halu-halo lang talaga ang kanyang emosyon. Gusto niyang ilabas ito pero hindi niya alam sa kung anong paraan. Ayaw naman niyang palalain pa ang sitwasyon kapag magkasakit siya sa samu't saring emosyon na nararamdaman niya ngayon. Ang paraang alam niya ay ibunton ito sa iba but then she's not that heartless. So instead of ruining everyone's day, lalayo nalang siya. She's doing the whole student body a favor. Ang kaso lang ay ayaw talaga siyang pakawalan ni Asher.

"If you want to cool down the I'll make a castle made of ice. Literal na magiging cool ka don!" Mabilis nitong ibinalik sa kanya ang atensyon nang ibinaba na ni Flame ang tawag.

"You can't use elements yet," she pointed out before sighing, "I appreciate the effort and concern Ash, gusto ko lang talaga mapag isa. Please"

Asher's mouth opened but the he closed it again. "Okay, you said please that means it's serious," binitawan na siya nito at humakbang palayo. "I'll be in my room when you need me okay?"

She nods before turning her back to him. She walks out of the building, ang mga students na naka sabay niya kept a safe distance from her. Kahit na ang circle niya ay lumayo. Alam na ng mga ito ang gagawin tuwing wala siya sa mood. Nadaanan pa niya ang mga ito na naka tambay sa mga tables sa field at hindi niya pinansin ang mga ito.

Nag lakad lakad muna siya dahil ayaw rin niyang mapirmi sa isang lugar. It'll force her to think about what happened last night. Iyon naman dapat ang gawin niya, ayaw lang talaga niyang biglang sumigaw sa inis. Iyon ang una niyang plano hut she thought otherwise. Someone is bound to hear her here.

She got herself in trouble, sa ngayon ay inaabangan niya ang after shock nito. Alam niyang hindi iyon ang huling pagkakataon na makikita niya si Astrid and syempre si Aiden.

Hindi talaga iyon huli dahil gaganti pa siya. No one had the right to make her feel so helpless. Bata palang ay tinuruan na siya ng kanyang Daddy na lumaban kaya mahirap tanggapin ang katotohanan na minsan siyang natalo.

All those fun training sessions went to waste. Nang dumating ang oras para magamit ang lahat nang natutunan niya ay hindi niya nagawa. She felt like she disappointed her Dad in some way dahil ito talaga ang tutok sa pagturo sa kanilang dalawa ni Enzo noon hanggang sa pumasok sila ng SA.

Naisip niya muli ang gulong pinasukan niya. Paano kung balikan siya ni Aiden? She sure as hell left him hanging last night. Ano na ang sasabihin ng kanyang Mommy pag nalaman ito? What she did was totally out of character. Ganon naman siguro kapag curious sa isang bagay o pangyayari? There are no limitations katulad ng ginagawa ni Athena. She doesn't want to be a curious creep lurking behind the dark. Dapat talaga ay hindi nalang siya doon pumunta doon.

Nag face palm siya dahil sa minsan na nga lang siya atakihin ng katangahan, gulo pa ang pinasok niya.

Nang mag ring ang kanyang phone, agad niya itong sinagot nang hindi man lang tinitignan ang caller ID.

Sinclaire Academy: Half BloodsWhere stories live. Discover now