Part 9

535K 10.5K 324
                                    

XANDER

I’m Alexander M. Rosales, 25 years old, a successful businessman, and a father of a four-year-old girl named Chloe. I was once married to Chloe’s mother, Choleen. We met in the States, fell in love, and decided to get married.

Everything was going well. We decided to live in the Philippines because of my work, so Choleen had to give up her career in modeling. I was so happy then. But after my wife gave birth to Chloe, she suddenly decided she wanted to model again.

Nag-away kami because of that, and ultimately, she chose to
leave me and our three-month-old daughter. A month later, she filed for annulment. I loved her still, but I was also so mad at her. She didn’t even consider taking Chloe with her to the States.
Sagabal lang daw kasi ang bata.

Nasaktan ako doon, lalo na para sa anak ko because I knew she needed her mother.

When Chloe was three, we visited Choleen in the States.
Naawa kasi ako sa anak ko who badly wanted to see her. Akala
ko matutuwa si Choleen, pero nagkamali ako. Nahuli ko siyang sinasaktan ang bata, only because Chloe dirtied her newly- bought designer dress. Sinigawan niya’t pinalo ang bata.

From that day on, I decided na kailanman ay ’di na ulit makikita ni Choleen ang anak namin.

Pero dahil bata pa lang din si Chloe, hindi maiiwasang
hanapin niya ang mommy niya. Kahit anong paliwanag ko sa
kanya, naniniwala siyang babalikan siya ng mommy niya, at na mahal pa rin siya nito.

Naging bugnutin si Chloe because she wanted to be with her mother.

At that point, pumayag akong ilabas siya ni Venice dahil baka
sakaling makatulong ’yon kahit papaano. Pero ayaw sa kanya
ng anak ko, kaya humiwalay ito kay Venice noong lumabas sila.
That was when my daugther met Trisha, na inakala niyang ina
niya.

Magkamukha sina Trisha at Choleen, at pati boses nila ay
magkatulad. I myself thought na siya talaga si Choleen…until
I kissed her. It felt different; hindi ko maipaliwanag. At first
I thought it was only because she reminded me so much of
Choleen.

Nang nakita kong niyakap niya ang anak ko, I knew she
cared for Chloe. Inalagaan niya nga ’to ng isang gabi kahit hindi niya ito kilala, kaya naisip kong concerned talaga siya sa anak ko.

After noon ay inalok ko siyang magpanggap bilang si Choleen
para sumaya na finally ang anak ko.

I made the contract para maiwasan na mapalapit ako sa
kanya, pero wala rin silbi ’yon. Bawat araw, natutunan ko siyang mahalin.

I fell for Trisha.
I saw Trisha singing a lullaby to Chloe habang nakayakap ito
sa kanya. I couldn’t help but smile. Para talaga silang mag-ina.

Just thinking about it, Trisha gave up her job para maging ina sa anak ko, samantalang ang tunay niyang ina ay tinalikuran kami para sa career niya.

Lumapit ako sa kanila noong pareho na silang naututulog.
I held Trisha’s face, an angel sent to us from heaven. Medyo
masungit nga lang, but still, I loved her.

“Maganda ba ang view, anak?” tanong ni Mommy. “Look,
para silang mag-ina. Kung sana si Trisha na lang ang naging ina ng anak mo, Xander.”

“She will be soon be, Mom. Kapag ikinasal na kami.”

“I’m happy for you, anak. Nahanap mo na rin ang kaligayahan mo.”

“Thank you, Mom.” After that ay umalis na rin si Mommy.
Trisha then slowly opened her eyes. When she saw me, she
instantly smiled. God, I loved this woman.

“Sorry, nakatulog ako,” sabi niya.
Hinalikan ko siya sa labi at saka kinuha si Chloe sa kanya.
Magkasunod kaming pumasok sa kwarto nila. Habang inihihiga
ko na ang bata sa kama ay pinanood lang ako ni Trisha nang may ngiti sa kanyang mukha.

“Para saan ang ngiting ’yan?” I asked her as I held her waist
and pulled her close to me.

“Para sa mabait at responsableng tatay na kagaya mo,” sagot niya saka hinalikan ako sa pisngi.

“Ang sweet naman ng honey ko.” Hinila ko siya papunta sa
kwarto ko pagkatapos. “I have something for you,” sabi ko when we got to my room. Tapos ay lumuhod na ako sa harap niya.

“I know you already said yes, but I’ll ask you again. Will you be my wife and make me the happiest man alive?”

Nagsimula siyang maluha. “Yes! Yes, my Xander!”

Isinuot ko sa kanya ang singsing tapos ay tumayo at pinahid
ang mga luha niya. “I love you, Trisha. I will take care of you and our future children.”

“I love you, too. Alam kong magiging mabuti kang ama sa
magiging babies natin.”

Mahal ko siya at handa akong ibigay ang lahat sa kanya…at
sa magiging anak namin.

TRISHA

Maaga akong nagising. Namula ako nang naalala ko ang
nangyari noong nagdaang gabi.

Hindi pa rin ako makapaniwala na pakakasalan ako ng gwapong nilalang na ’to na nakayakap
sa akin, at gigising na ako araw-araw na laging ang mukha niya ang masisilayan ko.

Kinikilig ako!

I traced his eyebrows with my fingers, then down to his
nose, then to his sexy lips na masarap halikan. Nakagigigil ang kapreng ’to! Nakawan ko kaya ng halik? Isa lang naman, tutal tulog pa naman siya.

“Tsup!” Kyaaahhhhh! Ako ang hinalikan niya!

“Honey naman, baka matunaw na ako n’yan. Kanina mo pa ako pinagnanasaan, e.” He was awake?!

“Psh! Yabang!”

“Mahal mo naman.” Aww…kainis! Kamatis na yata ang
mukha ko sa pula.

“Tse! Tara na nga’t may pasok pa ang anak mo. Baka magngangangawa na naman ’yon kapag nalaman niyang wala ako sa tabi niya paggising niya.”
Hinanda ko na muna ang mga damit ni Xander bago ko
pinuntahan si Chloe. Asawa na talaga ang peg ko. Pagkatapos ay ginising ko na si Chloe at pinaliguan. Naghanda rin ako ng baon niya, pati na rin para sa tatay niya.

Pero mamaya pa malalaman ni
Xander ’yon dahil pasimple ko ’yon inilagay sa attaché case niya.

Nagpaalam na kami sa mga magulang ni Xander pagkatapos, at saka inihatid na niya kami sa school ni Chloe.

“Ingat, mga mahal ko,” sabi niya sa amin.

“Daddy, so cheesy!” Tapos tinawanan namin siya ni Chloe.

“Kayo, ha, lagi n’yo na lang akong pinagtutulungan,” sabi ni Xander habang iaayos ko ang necktie niya.

“O, sige na. Lakad na at mag-ingat ka rin,” pagtataboy ko sa kanya.

“Kiss ko?” Kiniss ko siya sa pisngi, pero hinila niya ako at
mabilis na hinalikan sa labi. PDA ’to, ah!

“Bye, baby,” baling niya kay Chloe. “Bye, hon. I love you. Take care.”

“Sige na kasi! Late ka na, o. I love you, too.”

Kumaway pa siya bago tuluyang umalis.

Instant Mommy Ako? (PUBLISHED under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon