"Hello, sino pong hanap niyo?" tanong ko.

Ngumiti siya habang tinatanggal ang shades niya.

"OH MY GULAY! ALEX, ISDA YOU!?" Si Alex! Siya ang kaibigan ng sinasabi ko sa inyong ex ko! Isa siya sa anim na lalaking tumulong sa amin.

"Yeah, where's Lovely?"

Tumuro ako sa bahay naming munti. "D-Dun sa loob! Bakit mo kami hinahanap? Ipapakulong mo na ba kami?"

"Hindi ah!" Tumawa siya nang bahagya at medyo kinilig ako kasi mas lalo siyang gumawapo! "Bakit ko naman kayo ipapakulong?"

Anak ng kambing naman! Bakit ngiti siya nang ngiti! I'm think I'm crushing him na! He's so pogi!

"Eh bakit mo kami pinuntahan pa dito?" Siguro dahil sa akin noh?

Tumawa ulit siya tapos natunaw naman ako sa kilig. "Dinadalaw ko lang kayo. Anyway, kumain na ba kayo ng tanghalian?" Umiling ako nang sunod-sunod. "Good, tara? Sama kayo sa akin. I'll treat you girls for lunch?"

"Lunch?" Ano daw? Ano yun?

"Tanghalian ang ibig kong sabihin. Tawagin mo na si Lovely para hindi tayo ma-traffic."

Tinaas ko ang kamay ko sa harap niya sabay sabing, "Wait lang ha?" Tumalikod ako sa kanya at humakbang ng dalawang hakbang pasulong sa bahay naming munti.

"LOVEEEEEEEEEEEEELYYYYYYY!!! CHICHIBOG NA TAYOOOOOOOOOO!!!"

***

"Kain lang kayo nang kain. Ano pang gusto niyong pagkain? Oorderin ko."

Hindi na namin pinansin si Alex. Basta kami, lafang kung lafang. Dito nga pala kami dinala ni Alex sa... Wait. Hindi ko alam! Basta, hindi ito Jollibee. Imbes na si Jollibee ang makita ko eh isang payaso na malaki ang sapatos ang nakita ko. Ay, MCDO pala ito!

"Halatang nagutom kayo, girls ah."

"Naman, Alex! Hindi kaya kami nag-almusal! Hindi rin kami naghapunan kagabi. Buti nga buhay pa kami eh!" sagot ni Lovely habang may frenchfries sa bibig. "Ang sarap ng ketchup nila dito. Mas masarap pa sa ketchup sa putlungan nina Aling Bekbek."

Kinurot ko naman siya sa braso. "Wag kang igno. Malamang imported ang ketchup nila dito."

Pinagmasdan lang kami ni Alex habang kumakain. Hindi kaya he's crushing me na rin?

"Kamusta na kayo nang iniwan namin kayo?"

Tumigil ako sa paglafang ng chickenjoy sa MCDO. "Mahirap... Balik-hirap na naman kami. Isang kahig, isang tuka."

Tumango siya. Tinignan ko naman si Lovely sa tabi ko. Sarap na sarap siya sa hamburger niya.

"Naalala ko kayo bigla kaya naman naisipan kong dalawin kayo sa Sitio Maligaya. Pagkatapos niyo dyan, iluluwas ko kayo ng Maynila."

Parehas naming nabuga ang kinakain namin ni Lovely. Buti nalang hindi sa mukha ni Alex!

"WHAAAAAAAT? BAKIT?"

"WHY? WHY? WHY?"

Tumawa ng mahina si Alex. "Ipag-gogrocery ko kayo para may stocks kayo ng pagkain. Tsaka, ibibili ko na rin kayo ng mga bagong damit." Pinagdikit niya ang dalawa niyang palad. "Ayos ba? Payag ba kayo?"

Nagkatinginan kami ni Lovely sabay balik ng mga mata namin kay Alex.

"Pag-iisipan muna namin," sabay na sagot namin.

Mukha namang nawirduhan siya sa amin kaya tumawa na kami ng mahina ni Lovely. "Joke! Gora kami dyan."

Hindi ko alam kung saan kami sunod na dinala ni Alex. Basta, sabi niya mall daw ito. Isa siyang malaking gusali na sobrang lamig. Mahigit isang oras din ang tinakbo ng byahe namin. Pakiramdam ko tuloy na sa ibang bansa kami.

Don't Say You Love Me [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon