Chapter 50 (September 23, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

Sumimangot si Elisa.

"Nasabi mo ba... sa asawa mong magaling... na dito nating ishu-shoot ang bed scene? Was she informed?"

"Pwede ba! Hindi niya yun kailangang malaman. Tska hindi ko naman siya papanuorin nitong movie na to eh. Ano bang gusto mo ipagmalaki ko pa sa kanya na may love scene tayo?"

Sa totoo ay isa yun sa kinakabahala ni Kent. Kilala niya naman si Phoebe. Alam niyang parang bata at sobrang engot nito kung magselos. Ayaw niyang bigyan ito nang alalahanin sa loob ng dalawang linggo. Alam niya kasing nang dahil sa kissing scene dati kaya nagkanda-loko-loko ang mga bagay.

"So if you insist, should we practice the love scene as well?" lumapit si Elisa sa kanya.

"You're stupid." Lumayo siya.

***

"NEXT!!! Last na ba yan?" sigaw ng stage manager. Sobrang dami ang nago-audition sa open roles ng school play. Kahit pa sinabing isa lang sa kada-section ang hinihintay nila.

"Last na po... For tomorrow na po yung iba!"

Natatawa na lang si Harley sa iba. Ayaw man niyang manlait pero hindi talaga bagay ang ibang nago-audition. Yung tipong parang napadaan lang ang mga ito  at napaakyat ng stage.

"What can you say?" tanong sa kanya ng isang staff.

Umiling siya.

Gusto ko talaga si Isabelle. Hindi dahil sa... sa mahal ko pa rin siya at gusto ko siyang makapareha... perosa tingin ko talaga bagay siya sa role ng Prinsesa.

"Kanina pa nga rin sumasakit ang ulo ko. Mag pack-up nga muna tayo. Next time na natin i-resume ang audition?"

"I think so..." matipid na sagot ni Harley.

"WE WILL CONTINUE THE AUDITION NEXT TIME... FOR THE MEANTIME MAG-ABANG NA LANG PO MUNA KAYO NG CALLBACKS KUNG MAY NAPILI NA KAMI. PANTAYAN NIYO NAMAN ANG ACTING SKILLS NI ELISA R. SIGE PO. PACK UP NA!"

Pagkatapos sumigaw ng stage manager ay naguwian na rin ang mga ibang nanunuod.

"May nakita ka?" tanong nit okay Harley.

"Wala pa eh..."

Tumango ito.

"...Pero ang totoo..." pagbubukas ulit ni Harley ng usapan. "... meron akong kilala... feeling ko she can do it... kaso ayaw niyang mag-audition."

Nakita ni Harley na nagkaroon ng curiosity ang mata ng stage manager.

"Who?"

"Phoebe Isabelle Ber---"

"Kent's" sabi agad ng stage manager. "She can act?"

Nainis si Harley. Talagang ka-link na kasi ng pangalan ni Phoebe si Kent.

"I'll prove to you she can..." sabi niya na lang.

Tumango ang stage manager.

***

Uwian na naman at malungkot si Phoebe. Sanay naman kasi siyang maglakad pauwi dati. Pero namimiss niya si Kent. Namimiss niya na agad ang sabay na paguwi nila.

"Bye gurl!!" humalik na sa kanya si Jhone.

Naglaakad na siya palabas ng maalala niyanng may naiwan siya sa loob. Bumalik siya agad para kunin ito. Nakalimutan niyang iuwi ang libro. May quiz pa naman sila bukas. Pagbaba niya.

Kainis hindi pa tumatawag si Kent. Makakaapagaral ba ako ng lagay nato. Kainis. Eh lahat ng parte ng bahay naming maalala ko siya. Kairita. Huhuuhuhuhuhu

Naupo muna siya sa waiting shed sa baba.

Di na nga muna ako uuwi.

"Hi pretty!!" may bumati sa harap niya.

Tumingin siya sa tabi niya. Baka kasi iba ang sinasabihan nito. Pero wala namang taong malapit sa kanya. Nasa may kalayuan pa ang ibang mga estyudyante.

"Huh?" Tinuro niya ang sarili. "Hello..."

Hala si ate na naman...

Si Dominque Sales at ang iba pa nitong sorority sisters ay nasa harapan niya. Sobrang gaganda ng mga ito. Parang lahat may ibubuga kung rarampa sa catwalk.

"Are you here for the orientation? Naku!! You'll be very much welcome."

"Ahh hindi..." sabi niya. Muntik na siyang mahiya sa mga itsura ng mga ito.

"Then why are you here? Diba I reminded you nung Monday na now ang orientation?"

Nakatingin lang si Phoebe dito. Parang spokesperson talaga ang labas ni Dominique. Ang iba kasing mga girls na kasama nito ay nakangiti lang.

"Ahh. Ayaw ko pa kasing umuwi eh tska---"

Nagulat si Phoebe ng hawakan siya ni Dominique sa kamay.

"Walang mawawala sayo! It's just an orientation. Free snacks na rin toh. Hindi pa naman recruitment eh. Kung wala kang ginagawa... sandali lang ito."

"Right Phoebe... It's just an orientation."

"Oo nga Phoebe... you'll just hear from us... kung ano ang ginagawa ng sisterhood namin."

"Kung ayaw mo naman hindi ka pipilitin sa recruitment... Basta attend ka lang ng orientation..."

Hindi alam ni Phoebe na kilala na rin pala siya ng mga ito. Halos hindi niya na maintindihan dahil sabay-sabay ang mga itong nagsasalita.

"OKAY OKAY!! Basta orientation lang ah..."

"Yes!!!" Nag high five pa ang ilan sa mga ito.

Pumayag na rin siya.

Wala naman sigurong mawawala... Di pa rin naman kasi tumatawag si Kent. Para malibang naman ako. Tska dito lang din naman sa loob ng school eh.

Sumama na rin siya sa mga ito papunta sa loob.

*later*

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon