i | The Limousine

893 75 28
                                    

Lumipas ang taon na parang pahina ng isang libro. Ang makulit at iyaking si Solar ay nasa high school na at captain ng kanilang Volleyball club. Maganda, matalino, athletic ngunit pagdating sa pagkain ay isa siyang monster.


"Lolo Al, bakit ang daming kahon sa kwarto ko?" taka kong tanong nang magpang abot kami ni lolo sa kusina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Lolo Al, bakit ang daming kahon sa kwarto ko?" taka kong tanong nang magpang abot kami ni lolo sa kusina. Pagka-gising ko, nandun na yung mga kahon. Iniabot sakin ni lolo ang hawak niyang kape at umupo sa silya. Ako naman, dahil bagong gising, hinigop ko ang kape at umupo sa kabilang upuan na nakaharap kay lolo.

"May boyfriend ka na ba apo?" ang tanong na lagi kong naririnig sa lolo tuwing birthday ko. Nung una kong marinig ang tanong na ito, 10 years old palang ako, at ganitong ganito ang eksena, maliban lang sa juice ang hawak ko at naibuga ko sa mukha ni lolo ang iniinom ko.

Kung ikukumpara ko yun sa ngayon, mas maraming puting buhok si lolo at puro wrinkles na ang paligid ng kanyang mata.

"Lolo Al, wala akong boyfriend." nakangiti kong sabi kay lolo. "Pero marami akong manliligaw.." dagdag ko. Ang pangiti niyang labi ay biglang bumagsak sa simangot. Wala parin talagang pinagbago ang lolo. Taon taon nalang ganyan na ganyan ang reaksyon niya. "Joke lang Lolo Al, ikaw naman!"

Alam ko na ang susunod kaya bago pa man masabi ni Lolo Al ang kanyang susunod na linya ay inunahan ko na siya.

"Mabuti naman, may fiance ka kaya subukan mo munang mahalin siya bago ka magmahal ng iba-- Lolo Al, ilang beses mo nang sinabi yan saakin." natawa kaming pareho.

"Gwapo at napaka-bait ng batang iyon apo, kaya sigurado akong magugustuhan mo siya." dagdag ni Lolo Al.

"Kelan ko ba siya makikita? Yung fiance ko?" sunod kong tanong.

"Sa birthday mo." sabay naming sabi. May pagka-ulyanin na talaga si Lolo Al, hindi na ata niya alam kung kelan talaga kami magkikita eh. Pagtungtung ko ng high school sinasabi na niya na ang mga ito, pero hanggang ngayon.. wala parin. Kaya hindi na ako umaasang may katotohanan ito. Magilig kasing manood ng drama kaya baka doon niya nakuha ang ideya.

"Oh sige Lolo Al, aalis na muna ako." tumayo ako at dali daling inubos ang kape ko.

"Mag-iingat ka ha, huwag mo na akong alalahanin, ayos lang ako dito. Mami-miss ka ng lolo." sabi ni Lolo Al habang nakatangin saakin na para bang matagal kaming hindi magkikita.

"Lolo Al, Papasok lang ako ng school. Pagbalik ko ipagluluto ko kayo ng pansit saka bibili ako ng cake." marahan kong sabi.

"Oo nga! Birthday mo apo! May boyfriend ka na?" aniya. Napabuntong hininga nalang ako. Eto nanaman po tayo.

"Hay naku Lolo Al, mauna na nga ako, baka ma-late pa ako sa school." Nilagay ko sa lalabo ang tsaa at niyakap ng mahigpit si Lolo Al at kumuha ng tinapay.


Harbin High School . 7:20 AM


"Hoy Solar! pakopya ng assignment!" hindi pa ako nakakarating sa building ay maingay na si Rose nakadungaw sa bintana ng classroom sa second floor. Paano kaya kung marinig siya ng teacher?

"Ayoko nga!" sagot ko sabay takbo papunta sa classroom. Pagbukas ko ng pinto ay maingay ang lahat. May kanya kanyang grupo at kumo-kopya.. este gumagawa ng assignment. Nakita kong papalapit si Rose.

"Pakopya na, ang bagal bagal nina Fred mangopya malapit na ang time." nagmamadali niyang sabi.

"Pwedeng ibaba ko muna yung bag ko?" sarkastiko kong sabi. Inilabas ko ang assignment ko at iniabot sakanya. "Ibahin mo yung ibang sentence ha! Baka pati pangalan ko makopya mo." dagdag ko. Ngumiti siya sakin. "Oh bakit?"

"Penge ng papel, hehe." pa-keme niyang sabi. Hay jusko, estudyante ba talaga tong babaeng ito? Agad akong pumunit ng papel para masimulan na niyang kumopya.


Harbin High School . Choir Club . 4:30 PM

"Happy Birthday Solar! Anong handa? libre mo na kami!" bati ni Lyn.

"Anong libre, kayo nga dapat man-libre sakin!" sabat ko naman. Minamadali kong ayusin ang gamit ko para makaalis na agad ako. Kailangan ko pang bumili ng gulay para sa pansit, baka di ko na maabutan si Aleng Tasing sa palengke.

"Grabe siya oh! saan ka ba pupunta at nagmamadali ka?" tanong ulit niya.

"Wala, magkikita kami ng asawa ko!" pagbibiro kong sabi nang maalala ko si Lolo Al.

"Asawa?! may asawa ka!?" gulat nilang sabi. Tinawanan ko lang sila at ginamit ang panahong iyon para tumakbo palabas ng room.

Hindi ko akalaing ang birong yon ay magiging katotohanan nang may pumaradang maitim, maintab at mahabang lumousine sa harap ng school. Nagkumpol ang mga estudyante at panay ang kuha ng picture. Sa sobrang dami ng tao, halos walang madaanan at kniailangan kong isiksik ang sarili ko sa gilid para makausad.

Basta siksik lang ng siksik ang ginawa ko, hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng gate, at sa harap ko ay isang matangkad na lalake na nakasuot ng coat and tie na nakatayo sa harap ng itim na limousine. May puting gwantes at napakatintab na sapatos. Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming tao... gwapo kasi.

Napatunganga ako ng ilang segundo bago ko namalayang papalapit siya sa dereksyon ko. Dali dali akong umatras para gumilid.

"Miss Solar?" tanong niya sakin.

"Ha?" ngiwe ko tapos ay turo sa sarili ko. Tumango siya at ngumiti. Nakuw! Napakagwapow! "Uh, yes?" wow English!

"Miss Solar Swan, please come with me." sabi ng lalake.

"Haaaaaaaaaaaaaaaaaaa?!!!"

Hindi ko na namalayan, nasa loob na ako ng limousine at papunta na kung saan.


Solar Swan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Solar Swan. ang bida ng storyang ito. Nakatira kasama ng kanyang Lolo Al. Soprano siya sa Choir. Matalino at athletic din siya. Mahilig sa pagkain at takot sa mga insekto.

Fragile Heart [ BTS KIM TAEHYUNG ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon