Binigyan niya ako ng smile. "Yes, I am. You? You're Miss Perez?"

We exchanged pleasatries for a while. Medyo masakit pa din yung ulo ko dahil sa jetlag pero hindi ako nagpahalata. Ito ang una kong project, hindi ko 'to isasabotage dahil lang sa simpleng head ache, no.

"So, where's the groom?"

Binigyan niya ako ng smile tapos pinakita niya yung phone niya. "He's on his way. Sorry, busy kasi talaga siya."

"It's fine. Papakita ko muna sa'yo yung list ng cake designs, okay?"

Tumayo ako para kunin yung book sa likod ng shop. Iinom na din ako ng coffee kasi konti na lang, pipikit na naman yung mga mata ko sa sobrang antok. Nagtext na din ako kay Aya. Gusto ko na kasi siyang makita! Ang dami kong gustong itanong, e. Kent and Aya broke up months ago, and guess what? Dahil kay Sheen! That bastard. Si Aya pala yung babaeng lagi niyang dine describe pag nag uusap kami!

Tripp Palma

calling...

"What? Missed me agad? Tulog ka na jan!" I checked my watch, oh yes! Marunong na akong magbasa. Ilang beses akong nabatukan ni Tripp para lang matuto pero marunong na ako ngayon. Hahaha!

He yawned. ("Maya na. Ano'ng ginagawa mo jan?")

Sinilip ko muna si Miss Stinson, mukhang busy pa naman siya sa pagtetext kaya kinausap ko muna si Tripp.

"Meeting with my client. Ikaw ba? Tripp, 11 na jan. Tulog ka na."

("Kakain muna ako. Busy ka ba?")

Gusto ko sanang sabihin na oo kaya lang gusto ko pang kausap si Tripp kaya nagsinungaling muna ako. Makakapaghintay naman siguro si Miss Stinson.

Nag usap kami and here it goes.

Me: Hindi naman. Nagmmeeting nga lang kami. Ikaw ba? Patapos na project mo jan?

Tripp: Oo. Wala na kasi si Tofer, alam mo naman yun lang pakielamero sa buhay ko.

Me: Ssh. Marinig ka ni Tofer, mag eemote na naman yun. Hahaha!

Tripp: Oo nga, e. Kahapon pa nag eemail sa'kin yun. Baka namimiss ko na daw siya. Sa tingin mo ba may crush siya sa akin?

Me: So, aagawan niya pa ako ng boyfriend??

Tripp: Malay mo naman. Patay na patay yata sa akin yun e.

Me: So, iiwan mo na ako?

Tripp: Siguro. Hindi mo na ako mahal, e.

Me: E kung sinasakal kaya kita?

Tripp: Joke lang naman. Ice ka talaga kausap, Zyril. Brutal masyado.

Me: Uwi ka na kasi dito. 

Tripp: Gusto ko na nga. Pero may inaayos pa kasi ako dito.

Me: Sige ka, si Tofer na lang idedate ko.

Tripp: Hahaha! Sige lang, Alys. Pag nagawa mong lalaki si Tofer, papakasalan na kita.

Me: Sabi mo yan, ha! Sige na, bye. Magpplano na ako sa date namin ng pinsan mo.

*silence*

Me: I mean, ni Tofer. Tsk. Ang dami mo naman kasing pinsan, e. Sige po, bye na po. Love you, Tripp.

Woo! Ang awkward nun! Nakalimutan ko na insecure nga pala si Tripp kay Drake. Kaya as much as possible, iniiwasan kong topic si Drake. Ayaw ko kasi na naiinsecure ang boyfriend ko sa ex ko. Ang mali nun sa feeling.

Kinuha ko muna yung book mula sa kitchen counter at inayos ko yung buhok ko. Mula kasi sa buhok ko dati na long, black, at may bangs, ngayon naka long, wavy, at brunette na ako. Bagay naman sa akin, e. Ang ganda ko na nga daw sabi ni Mommy. 

"Eto na nga pala yung---"

Oh. No.

"Miss Perez, the groom, Drake. Babe, si Miss Perez, yung gagawa ng wedding cake."

*awkward silence*

Fudge! Nawala lang ako ng four years, pagbalik ko, ikakasal na siya?!

Napatingin ako kay Miss Stinson, or should I call her Mrs. Palma na nakakapit sa braso ni Drake. Nawala na nga si Shaira, eto naman ang pumalit!

"H-Hi, Drake."

Nakatingin lang siya sa akin. God naman, Drake! Magtititigan ba tayo dito?! Dito sa harap ng "fiance" mo?!

Inoffer ko yung kamay ko at nilakihan ko yung mata ko para isignal na tanggapin niya yung kamay ko. After a few seconds, tinanggap niya na. Shems. Ang lamig ng kamay niya.

"Hi."

O-kay. How to face your ex without looking awkward? Dapat mag magsulat ng ganyang libro, e! Hindi naman sa may feelings pa ako kay Drake pero ayoko pa talaga siyang makita. Alam mo yun, ang last na nakita ko siya, pinaiyak niya ako sa gitna ng New York. Siguro naman may dahilan ako para magalit, di ba??

"Tumatawag si Mama. Labas muna ako, Drake. Behave."

Lumabas ang fiance niya. Okay. Okay. Don't panic, Alys! Matagal mo ng pinractice 'to, di ba? At isa pa, nagpromise ka kay Tripp na pag nakita mo si Drake, walang kilig and stuff. Pure friends na lang kami. 

Awkward akong naupo sa upuan dun. "So, long time no see, huh?"

"You look different."

Inisip ko kung ano ba ang suot ko ngayon. Naka ankle jeans ako, black pumps, at white sheer blouse. Mukha naman akong normal, a. Hindi nga ako naka make up ngayon, e. Naka lipstick lang ako na red. Anong different dun? Baka pag nakita ako nito na nagpaparty, isipin niya ibang tao na ako.

Binigyan ko siya ng awkward smile. "I'll take that as a compliment."

Sheez nasan na ba yung fiance niya?! 

"I have a question," sabi niya. Inabot ko yung coffee sa harap ko habang medyo nanginginig pa ang kamay ko. Geez, Alys! "Is it really true that you're dating my cousin?"

Bigla akong nabulunan sa tanong niya. What the?!

Inabutan niya ako ng tubig.

"Alys, are you dating my cousin?"

Kumuha ako ng tissue mula sa purse ko at pinunasan ko yung bibig ko. "Oo. Ano naman sa'yo?"

He shrugged. "Nothing. I'm just checking the competition."

"WHAT?!"

He gave me a smile. Dude, it looks like danger's approaching. Nawala ako ng four years, pagbalik ko, para akong nasa alternate universe! Hindi ko kilala yung Drake na nasa harap ko!

"Someone told me that since I let you go, I should be the one taking you back."

I swear my jaw just fell! Ano'ng nangyayari?!

"Drake, boyfriend ko si Tripp. Ano'ng problema mo?"

Hinawakan niya yung kamay ko na nakapatong sa lamesa pero pilit kong kinukuha. "But where is he? He's in New York, I'm here."

"AND YOU'RE ABOUT TO GET MARRIED!"

God! Masisiraan na ako ng bait dito! 

"The marriage is not until next, next month."

"AND SO? ANO BA ANG GUSTO MONG IPARATING?"

Tumayo siya at hinalikan niya ako. FUDGE!

"I'm returning the favor, Alys. Tripp betrayed me, I'm just doing the same. See you around."

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Where stories live. Discover now