Chapter 43

637K 12.6K 2.5K
                                    

Chapter 43

They said that if you really love the person, you got to set them free. But isn't that a bit hypocrite? If you really do love someone, you should fight for them... But when everything is just too much to handle, you should take a breather and think things over. Maybe there's something wrong, maybe you should change something for the benefit of the both of you.

The silence after the storm was numbing. Hindi ako makagalaw. Hinihintay ko kung ano ang susunod na sasabihin ni Fier. It was as if anytime, I would die from heart attack.

"So, that's it?" her voice was cold as ice.

I didn't hear anything but my own heart beating.

I heard footsteps pacing back and forth. It was Fier walking.

"Well," she said, "Okay. You know what, Drake? You're an asshole. I don't know why people think that you're perfect. Hindi, e. You got me pregnant yet somehow, gustung gusto mo akong mawala sa buhay mo. Yes, I threw myself at you pero it fucking takes two to tango! Ginusto mo din to."

Ang sakit pala talagang marinig na yung taong mahal mo, may nakasamang iba. Kahit sabihin mo kasi na nangyari yun nung wala kayo, nung may away kayo, ang sakit pa rin, 'di ba? Kasi kung mahal ka niya, hindi naman siya susuko. Iyon 'yung ideal. Pero wala naman kami sa ideal world, nasa totoong mundo kami. At dito sa mundo na ginagalawan namin, nakakagawa kami ng kasalanan.

"I'm sorry..." Drake mumbled.

"Ano'ng magagawa ng sorry mo? Magiging tatay ba yan ng anak ko? Hindi, 'di ba?" she said and then paused. "Know what, Drake? You're so selfish. Dahil selfish ka naman, siguro naman okay lang din na magpaka selfish ako, noh?"

My heart was racing so fast. Kinakabahan ako sa sasabihin ni Fier. Ayokong marinig. Natatakot ako at nasasaktan ngayon pa lang.

"I'll give you the freedom you're so fucking desperate to have. Wala ka ng responsibilidad sa akin, o sa anak mo. Pero wag ka na ding umasa na makikita mo yung anak mo. Did you hear me? 'Wag kang umasa, Drake. Simula ngayon, wala ka ng anak. Akin lang 'to. Ako lang ang magulang niya."

Shit. No. Hindi pwede.

"Fier."

"Oh, heck! Don't look at me like that! Ito yung gusto mo, 'di ba? Well, eto na! Binibigay ko na sa'yo! Don't expect me to come on your terms, Drake. I wasn't born to be a saint. Tao ako, masama ang ugali ko. This is the best I could give you."

And then there were noises. Hindi ko alam pero napaupo na lang ako. Ang hirap hirap na. Kahit na para sa iba dapat matuwa ako, hindi ko alam kung saang parte ng nangyayari ngayon ang dapat ikatuwa ko.

"Goodbye, Drake," she said.

Bigla akong nagtago sa gilid. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Fier kaya mas minabuti ko na lang na magtago.

Tears were falling down my cheek while I was watching her go away. Dapat ba masaya na ako? Eto na, oh. Siya na mismo yung nagpasya na umalis sa buhay namin ni Drake.

It took me minutes to calm myself down. Gusto kong ayusin muna yung sarili ko bago ako humarap kay Drake.

I stood up and wiped my tear-stained cheek. I need to look brave. Hindi ako dapat mahina. Kung manghihina ang loob ko, mas panghihinaan ng loob si Drake.

"Drake," I called out his name.

Nandun siya sa dulo ng kama ni Fier, nakaupo at nakalagay yung kamay niya sa ulo niya. Parang hirap na hirap na siya. 22 pa lang siya pero pakiramdam ko ang tanda tanda na namin sa lahat ng nangyayari sa buhay namin.

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon