Chapter 1

1.4M 21.3K 6.4K
                                    

Chapter 1

(Alys' POV)

"What the heck is wrong with you?!"

Omg sabi na nga ba, masama ang pakiramdam ko dito kay Kei eh! Kei Chui nga! Bakit siya nandito sa NYU?! Akala ko ba sa Russia siya pupunta? Hello! Ang layo naman ng Russia sa New York!

Medyo naglakad ako palayo sa kanya. Umagang umaga kasi, nagagalit na agad siya sa akin. Wala pa nga akong ginagawa eh... Kakagising ko lang tapos kumain lang naman ako... Tapos nagsisisigaw na siya. :(

Naglakad siya palapit sa akin habang ako naman, naka clutch yung kamay sa comforter. Natatakot ako kay Kei! Sobrang scary niya! Ano ba ang nagustuhan ni Sheen dito? Gusto ba niya yung mga nakakatakot na babae?

"Alys Zyril Perez," sabi niya na nakakatakot. Jusko, Alys! Breathe in, breathe out. Kaya mo yan!

Medyo mahina lang yung boses ko kasi scared pa din ako kay Kei... "B-bakit?"

Nakataas yung kilay niya tapos tumingin siya sa pinagkainan ko.

T^T

Kasi naman. Hindi ako marunong mag wash ng dishes!! Hindi naman kasi ako naghuhugas sa bahay kasi nandun naman sila Manang! Tsaka nung nasa condo ako, may dish washer naman. E dito, walang dish washer! Ano naman gagawin ko? Huhuhu.

"Uhm... tatapon ko ba yung plato?"

Inirapan niya ako tapos naupo siya sa bed niya. "You're hopeless. Why are you even here?"

Sinuklay ni Kei yung kamay niya sa buhok niya tapos tinanggal niya yung boots niya. Grabe, ang pretty pretty ni Kei! Swear! Pwede ko na siyang maging girl crush. Yung buhok niya, naging blonde na, tapos mas pumuti pa siya tsaka pumayat siya. Basta super pretty niya! May boyfriend na kaya siya? Kasi ang alam ko, hinihintay siya ni Loves... Sana wala pa. Alam ko kasi na mahal na mahal ni Loves si Kei kahit na mala monster siya. 

Dahan dahan akong naupo sa kama ko. "Dito ako mag aaral?"

Tinaas niya yung kilay niya. "Are you effin' kidding me? You? Alys Perez? The lowest in our batch?"

Grabe! Binabawi ko na yung sinabi ko! Kahit na ang pretty niya, ang sama ng ugali niya! Sana nakamove on na si Loves sa kanya!! Grrr!

"Grabe ka naman, Kei. Mataas naman yung grades ko last sem..." sabi ko. Totoo naman, mataas yung grades ko. Kaya lang naman ako lumipat dito kasi na din pakiusap ni Mommy. Ewan ko ba sa kanila ni Dad, ayaw yata nila ng anak sa Pilipinas, e. Tignan mo si Dane, nasa Cali. Ako, nasa New York. Gusto yata nila ng long distance relationship. Weird.

Natanggal na niya yung boots niya pati yung leather jacket niya. Tignan mo, chicks na chicks na si Kei! Gusto ko din maging ganyan. Puro sweater lang ang dala ko eh. Sana makapag shopping ako dito. Huhuhu. Gusto ko din magmukhang rockstar!!

"Whatever."

Lumapit ako dun sa plato tapos tinapon ko sa labas. Tsk. Bibili na nga lang ako ng mga disposable. Ayoko talaga mag wash ng dishes. No.

Pagbalik ko, nakalatag na lahat ng books ni Kei, laptop, study lamp. Ayos! Ready na si Kei mag aral. Tumabi ako sa kanya. Siguro naman hindi niya ako kakagatin, di ba?

"Kei..." sabi ko. Ang cutie ni Kei. Nakasuot pa siya ng glasses! Bibili din ako niyan. Ano ba 'to? Nagiging idol ko na si Kei!

"Oh?"

"Ano'ng course mo?"

Tumingin siya sa akin. "First, Alys, the term course refers to the 'subjects.' The proper question is, 'what is your degree program'." 

Dating Alys Perez (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon