CHAPTER THREE: Red Cups

41 4 2
                                    

Pagkagaling ko ng locker, dumiretso agad ako kung saan napagusapan ng tropa na magkita-kita.

"Topps!" Lumingon ako, palapit na samin yung tatlong loko, sino pa ba? Edi si Calum, Cameron, at Luke.

"ILONGGG!!" Lumapit ako kay Calum, isa sya sa pinaka-close ko sa tropa. Ang sarap kasi asarin.

"Oh bakit pandak? May kailangan ka?" Pamimilosopo nya kaya tinulak ko sya ng pabiro. "Yung ilong mo lang sapat na."

Pagkasabi ko nun tumawa ako ng malakas at nagkwentuhan kaming apat habang hinihintay yung iba. "Nasaan na kaya sila?" Nakakainip mga sampung minuto na siguro kami naghihintay sito.

"Wala pa, padating na siguro yun. Maghintay ka lang." Aba nagsalita si Luke. 'Di masyado masalita yan tsaka masungit pero habulin parin sa mga babae. "Ayoko na maghintay."

"Edi mauna ka na."

Attitude amputa kala mo laging may regla. Inirapan ko nalang mahirap makipagsagutan sa babaeng naka-whisper with wings. Buti naman dumating na si MJ tsaka si Mikee.

"Kamusta club nyo? May tryouts na ba para sa volleyball team?" Tanong ko. Samin'g tatlo sila lang kasi mahilig sa sports. Ano ba masaya sa pagv-volleyball? Eh binabato-bato lang naman yung bola?

"Wala pa, sa Friday pa daw. Ikaw? Wala ka bang clubs na balak salihan?" Tanong sakin ni MJ habang si Mikee naman nakikinig at nagbabasa ng bagong libro na hiniram nya sa library.

Skateboarding na nga lang sport ko wala pa'ng ganon'g club. Pwede naman sports club kaya lang malamang lamang basketball lang laro. "Wala pa nga eh."

"Hoy diretso na ba tayo dun?" Tanong ni MJ kila Cam. Asa pa sya'ng sasagot ng matino yan sila. "Kayo bahala."

"Magpapalit pa naman kayo no?"

Tanong nya ulit sa kanila. Naka-uniform pa naman kaming lahat. "Hiram nalang kami kay Cam."

"Punta ka sa condo?" Tanong ko kay Cam.

Magkapitbahay kasi kami ni Cam, mas malapit nga lang unit nila sa rooftop. Magtropa kasi yung tatay namin ni Cam siguro nagkayayaan ng 'oy pre tara dito condo tayo para magkapitbahay'.

Hindi malabo yon dahil matagal na sila magkaibigan tsaka bata palang ako napunta na sila ng tatay nya sa unit namin. Inis na inis pa nga ako non kasi ginugulo nya ko pag naglalaro ng barbie dolls. Siguro nainggit sa mga laruan ko hay nako.

sa V1 si Mikee at Ash — dun yung malalaking bahay.

Sa V2, si MJ pati Luke.

Sa V3, si Brook pati si Cal.

Parehas lang average magkaiba nga lang ng location or view yung V2 at V3.

"Oo. Balik ka din ba?"

Tumango ako. Tinext nalang namin si Brook at Ashton na sumunod sa condo para makapagbihis na kami.

"JAX?!" Tawag ko pagbukas ng unit kaso sarado lahat ng ilaw 'di pa nakakauwi. Nakitambay siguro sa mga tropa nya.

"Puro black nalang damit mo. Wala ka ba'ng girly na damit dito?" Nagrereklamo si MJ habang naghahalungkat sa damit ko.

infatuation (5sos tagalog fanfic)Where stories live. Discover now