"K-kakayanin ko ba siya?" Bulong na tanong ko sa aking sarili.

"Ikaw ang gagamitin kong ikaapat na sakripisyo para sa pangangailangan ng susi!" Sambit ng Supremo.

Sakripisyo? Ang lolo ko? Hindi ako makakapayag! Dala ng emosyon, inilantad ko ang aking sarili sa kanila. Nagpakita ako ng hindi man lamang nag-iisip.

"Pakawalan nyo siya!" Utos ko sa kanila. Pero sabay-sabay na nagtawanan ang tatlong kalaban na nakapalibot sa lolo ko.

"Sabi ko na nga ba at may mahinang nilalang ang nakikinig sa atin!" Pagtukoy sa akin ng Supremo.

"Siya ba ang tagapagmana mo sa misyong ito? Ha tanda!" Walang respetong tanong niya kay lolo.

"Umalis ka na apo! Hindi pa ito ang tamang oras! Hintayin mo ang nakatakdang araw!" Pagmamakaawa niya sa akin.

Nakakaasar bakit ganon? Mas iniintindi pa niya ang kaligtasan ko kesa sa kaligtasan niya? Ganon na ba siya ka desperado sa misyon na ito?

"Ako na ang bahala sa kanya Supremo." Ani ng malaking lalake ng iwasiwas nito ang kanyang palakol.

"UMALIS KA NA!!!!!" Sigaw muli ni lolo.

Pero hindi ko kayang iwan siya sa ganong sitwasyon. Handa na akong makipagpatayan para sa kanya. Iniangat ko ang aking patalim, simbulo na handa na akong makipaglaban.

Ngunit isang bagay ang biglang bumagsak sa aking harapan dahilan para mapigilan ako sa pagsugod. "S-smoke screen?" Ani ko. At tuluyan na nga itong naglabas ng usok.

Naramdaman ko ang mabilis na paglapit at pagpigil sa akin ng isang lalake. Pilit akong pumalag sa kanya hanggang sa maramdaman ko nalang ang malakas na paglapat ng kanyang kamao sa aking mukha, na naging dahilan ng pagkawala ng aking malay.

Nang muli akong dumilat, una kong nakita si Alexis na ginagamot ang mga sugat niya sa katawan.

"Gising ka na pala. Nandito tayo sa underground basement ng bahay ko." Bungad agad niya ng mapansin niyang lilinga-linga ako sa paligid.

"Ikaw ba ang may dahilan ng smoke screen? Pati ng pagsapak sa akin?" Kalmadong tanong ko sa kanya.

"Pasensya na Tristan, pero iyon ang tamang gawin." Mabilis na tugon niya na nakapagpainit ng ulo ko,

"Sira-ulo ka talaga Alexis! Buhay ni lolo ang nakasalalay don! Tapos hindi mo pa ako pinabayaang tulungan siya!" Pasigaw na kompronta ko sa kanya.

Pero kampante parin siyang sumagot sa akin. "Ikaw ang mas nasisiraan na sa atin. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni lolo? Umalis kana! At hindi pa daw iyon ang tamang oras para labanan mo sila!"

Tumaas na ang tono ng kanyang pananalita. "Supremo ang kaharap mo nung oras na iyon Tristan, kaya siguradong kayang-kaya ka niyang patayin sa isang iglap lang. Iniligtas ko ang buhay mo, dahil ayaw kong mabaliwala ang paghahanda sayo ng lolo mo! Gusto kong magtagumpay ka para sa kanya!"

Kahit papaano ay nahimasmasan ako sa sinabi niya. Kagaya ng sabi ni lolo dati, mas mahalaga ang tagumpay ng m,isyon na ito kumpara sa buhay niya. Kaya naman pala ganon nalang ang kagustuhan niyang makatakas ako. Hindi ko man lamang naisip ang bagay na ito. Nagpadala ako sa aking emosyon na muntik ng makapagpabagsak sa adhikain namin.

"Alexis......." Kalmadong pagtawag ko sa kanya. At agad naman niya akong liningon.

"Sa huling pagkakataon, samahan mo ako sa paggaganapan ng ikaapat na sakripisyo para sa pangangailangan ng susi." Pakiusap ko sa kanya.

Unfinished 3Where stories live. Discover now