Chapter 49 (September 21, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano gurl?? Okay ka lang?" tanong ni Jhone.

"Oo! Hoo!! Syempre naman. Sana mauna si Elisa lumabas."

Nagse-special quiz kasi ang dalawa sa isang subject. Dahil sa mga shooting na kasabay ng oras ng klase, maraming na-miss na quizzes at lectures si Kent at Elisa. Nasa faculty room ang dalawa, kumukuha ng pagsusulit.

"Ayaw mo ba talagang kumain? Sarap sarap nito oh" Turo ni Jhone sa kinakain niyang kanin at ulam.

Umiling si Phoebe.

"Diet ka na naman? Papasexy ka na talaga nuh?? Siguro!! Siguro nagpapasexy ka na kay Kent pare every night aymhnghhhhnnggmmmm"

Tinakpan na ni Phoebe ang bibig ni Jhone.

"Masyado ka Jhona! Kumain ka na nga lang dyan! Hindi ako nagpapa-sexy! Kakain ako mamaya hihintayin ko na lang si Kent.

Maya-maya, may naki-upo sa bench nila.

"Hi! Do you mind?" masiglang sabi nito.

Nagtinginan sina Jhone at Phoebe. Kilala din kasi nila kung sino ang nasa harapan nila. Ang pa-sweet na palaging muse sa lahat ng okasyon. Ang presidente ng most discriminating sorority sa school nila. Si Dominique Sales.

"No.." sagot ni Phoebe. Takot din siya kahit na papaano sa babaeng ito. Hindi niya alam kung bakit ba ito nakaupo sa harap niya dahil ang kinakauusap lang nito at pinapasali sa sorority ay mga magaganda. Kaya discriminating.

"Fibboy tara na..." bulong ni Jhone habang kinukurot si Phoebe sa ilalim ng lamesa.

"Do you already have a sorority?"

Huh?Bakit niya ako tinatanong ng ganun? Isasasali niya ba ako sa sorority niya?? Maganda na ba ako para sa kanya??


"Ahh.. Wala..." Hinawakan niya ang kamay ni Jhone dahil kinukurot-kurot siya nito sa hita.

"Wooo. That's great! Would you like to join ours?? I would be very glad to sponsor you. We have an orientation, take note that's by invitation, on Wed—"

May tumabing na anino.  Napalingon si Dominique sa likod niya.

Naputol ang sinasabi ni Dominique dahil dumating na pala si Kent.

"Tara?? Baby??"

"HI FAFA Kent!!!" Lunch na kayo ha!! Hehehehe! Ahm Miss Dominique? Ako? Sa akin mo na lang sabihin, di pa kasi nagla-lunch yang si girlfriend ni Kent Fuentabella!"

"Di ka pa naglunch?" tanong ni Kent habang hinahawakan ang kamay niya. Si Jhone naman ay busy sa pagtulak sa kanya paalis ng upuan.

"Ahh.. hinintay kita eh..." Lumingon lingon si Phoebe sa pinanggalingang table. Nagbaba-bye si Jhone sa kanya. Si Dominque naman ay nakakunot ang noo.

"Ikaw talaga hinintay mo pa ako, malapit na mag-time oh."

"Gusto ko sabay eh. Pinauna ko na si Jhone." Naglalakad na sila palayo sa table nila kanina ni Jhone

"Tsk! Di ka na naman kumakain ah?" Kinurot ni Kent ang pisngi ni Phoebe.

Ewan ni Phoebe. Pero she finds that gesture sweet. Nasa gitna pa naman sila ngayon ng canteen.

"Hinintay lang kita... masama ba? Okay lang mahimatay ulit" pagbibiro ni Phoebe dahil naswi-sweetan siya sa pag-aalala ng asawa.

Sumingkit ang mata ni Kent.

"Tssss!! Sa susunod kumain ka na. Mauna ka na! Naiintindihan mo!!!???" medyo malakas ang pagkakasabi ni Kent na napatingin ang mga ibang kumakain. Naramdaman ni Phoebe na tumahimik sa canteen.

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon