Chapter.41*Totally Free*

Start from the beginning
                                    

"pagkatapos ng dalawang taon, sa wakas nagkita kami ulit. pumasok ako sa buhay niya kasi akala ko yun na yung tadhana naming dalawa. na yun na yung tamang panahon para samin. pero may mga bagay na sumubok saming dalawa. ganun pala ang tadhana, masyadong mapag laro. bibigyan ka niya ng mga bagay na magpapahirap sayo magdesisyon. mga bagay na hindi mo alam kung rason para lumaban ka o dapat na bumitaw ka na. pero isa lang ang natutunan ko sa nga nagyaring yun, hindi lahat nga bagay naka ayon sayo. minsan kailangan mo lang dumaan sa buhay ng isang tao para matuto sa ibang bagay sa buhay. tulad samin, natuto ako maghintay, sumuko at tumanggap. sa tingin ko naman natuto din si mish sa mga nangyari samin at sa palagay ko ngayon palang dumating sakanya yung tamang tao, at naniniwala akong si spade yun. inuuna niya si mish bago siya. kaya niyang pasahin si mish, kaya niyan alagaan si mish at handa niyang gawin lahat para kay mish" sagot ko. tahimik lang kami ni jhake, siguro iniisip niya din yung nga sinasabi ko.

"andito na siya" biglang nagsalita si jhake. at tama siya andito na siya, kasama siya ni spade. nakita kong tumingin muna si mish kay spade pero sinenyasan lang siya nito na tumuloy. tinapik ako sa balikat ni jhake tsaka siya umalis kasama ni spade, ngayon kaharap ko na si mish, bumibilis ang tibok ng puso ko, wala samin ang nagsasalita. naka tingin lang kami sa isa't isa. pero ung mga mata niya parang maraming bakit ang gustong itanong, at alam kong handa na ko para sagutin lahat ng tanong niya

--

"bakit ka umalis? iniisip ko kasi na ginawa mo yun para kay jhake. you're trying to play cupid with us, i am right?" matagal bago siya nag salita at yun ang unang tanong na pinakawalan niya

"hindi, hindi ako nagma-match making sainyo. ginawa ko yun dahil alam kong yun ang tama, hindi tayo para sa isa't isa" sagot ko

"kasi madaming hadlang? rason na ba agad un para sumuko?" tanong niya

"kasi madami na ang nasaktan. tama na yun para sabihin saking hindi talaga, kaya dapat sumuko na" sagot ko

"masaya ka ba nung umalis ka?" tanong niya

"hindi, pero yun ang tama. hindi sa lahat ng bagay yung tama ang magpapasaya sayo. at hindi lahat ng iniiwan mo, hindi na mahalaga sayo" sagot ko

"mahalaga ako sayo? pero bat hindi mo ko kinausap? naghintay ako. hanggang sa dumating yung araw na naniwala akong hindi ka na babalik" tumulo na yung luha niya, tumalikod ako, ayoko siyang makitang nasasaktan, dahil mas nasasaktan ako

"kaya mo pa ba akong patawarin?" tanong ko

"wala akong karapatang hindi magpatawad. masyado lang siguro akong nasaktan nun, pero sabi ko nga sayo naniwala akong hindi ka na babalik, may nagawa akong desisyon na babago sa buhay ko. kaya nung bumalik ka sayo ko binunton lahat ng sisi, pero ayoko nang manisi ng iba, I have all the controls for everything that happened. I made those decision, and I don't have the guts to blame those things to you. Sorry for giving you so much burden. pinahirapan kita kasi akala ko magiging madali sakin pag pinasa ko sayo ung bigat na nararamdaman ko, hindi pala. lalo lang akong nahirapan. Im so sorry"

humarap ako at niyakap ko siya "alam ko hindi madali ang lahat. but I'm willing to do everything para maging magkaibigan tayo. Just give me a chance to reach out for you" sabi ko habang yakap ko siya. ayokong bitawan siya, dahil ayokong makita niyang umiiyak ako dahil sakanya. mahal ko padin talaga siya, pero ito na yung pinaka tamang gagawin ko para saming dalawa. ang linawin ang lahat, magsimula ng panibago at palayain siya.

"Gusto ko maging Ok na ang lahat. kaya pinapatawad na kita" sa sinabi niyang yun, alam ko na. mula ngayon, magkaibigan na kaming dalawa, at magkaibigan nalang kaming dalawa. mananatili kaming magkaibigan simula ngayon at sa habang panahon. MAGKAIBIGAN LANG.

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now