Chapter.40*Acceptance*

Start from the beginning
                                    

"mish, nauna ka pa. alam mo ba lulutuin?" tanong ko

"Oo" wow, confident pa siya sa sagot niya

"Marunong ka?" gulat na tanong ko. eh prinsesa yan sakanila

"Hindi" sagot niya

"ANO? HINDI? TAPOS NAKIKI ELAM KA JAN?" napalakas ata boses ko hihi

"ang ingay! mag fried chicken nalang tayo" sabi niya

"yun lang dinner? sakin okay lang yun. eh ung mga boys? papayag ba yun na yun lang dinner nila?" sabi ko pa

"eh gagawin natin?" tanong niya

"Ako! ako na magluluto. Sinigang nalang, malamig kasi" napatingin ako sa nagsalita. si Elise, mukhang kakatapos lang magbihis. nauna kasi kami ni mish bumaba

"Sige, marunong din ako mag sinigang. tulungan nalang kita" sabi ko

"pero mag.pa-fried chicken pa din ako" singit ni mish. hinayaan ko nalang

hinanda na ni elise ung mga isasahog sa sinigang. lumabas din siya kasi wala palang sinigang mix na nabili sila dion

ako naman nagsaing na muna tsaka lumabas. kaya na daw kasi ni mish mag prito, susundan ko lang sana si elise ng harangin ako ni dion

"My labs, san ka pupunta?" tanong niya

"susundan si elise, mamaya naligaw na yun" sabi ko

"kasama nila alvin, wag mo na intindihin" sabi niya

"Ok" tipid na sagot ko

"anong ginagawa ni mish?" tanong ni dion

"nagluluto" sabi ko. pumunta kami sa bonfire na ginawa nila gino. andun din ung ibang chikboys kasama si spade at xander

"oy xander, andito ka? bat di mo sinamahan si elise?" tanong ko

"kasama naman niya si alvin at ken. parang sinigang mix lang bibilhin" sagot niya habang inaayos yung lamesa kung san kami kakain mamaya

"si mish?" tanong ni spade

"nagluluto ng fried chicken" sagot ko

"kala ko naman kung ano niluluto my labs, pritong manok lang pala" natatawang sabi ni dion

"kahit na pritong manok lang yun. luto pa din ni mish yun" sabi naman ni spade

"haha keso mo tropa. gusto mo sayo na lahat ng luto ni mish" natatawang sabi ni gino

maya maya dumating na sila ken at alvin kasama si elise

"pinky, ito na ung sinigang mix" sabi pa niya

"tara na sa loob. baka masunog na ni mish yung kusina" biro ko. pero pag pasok palang namin sa sala

"anong amoy yun?" biglang tanong ni elise

"amoy... SUNOG!!" napasigaw ako at tumakbo sa kusina

nakita ko ung apoy na binalot na ung kawali. si mish naman hindi na nakalapit sa kalan kaya ako na yung nagpatay ng apoy

"Anong nangyari?" sabay sabay na nagdatingan ung mga boys

"mish, ayos ka lang ba?" lumapit agad si spade kay mish

"buksan niyo ung pinto at bintana ng kusina" utos naman ni gino agad namang ginawa ng grupo niya

nang mawala na yung usok lumitaw na yung pritong pritong fried chicken na ginawa ni mish. napanganga nalang ako

"Mish, Ano toh uling?" natatawang sabi ni anthony pag lapit niya sa kawali

"hoy tumigil ka nga" saway ni ken

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now