FOUR SHOT

8 0 0
                                    

CORNELIA'S POV

Then ayun na nga pina uwi kami ng maaga kaya lagot ako sa tao sa bahay pagdating ko. Sampung hakbang nalang ang pagitan ko sa bahay ng marinig kong nagsisisigaw sila mama.

"bakit kasi ayaw mo pang sabihin sa anak mo? malalaman at malalaman niya din yan? walang sikreto ang nagtatago panghabangbuhay kaya please ma sabihin na natin sa kanya." andun ako sa may gate at nakikinig lang.

"pa hindi ko alam kung anong gagawin ko?" iyak ng iyak si mama pero ako ay nananatili pa din sa kinatatayuan ko. 

Matagal na minuto din tumahik sila mama at papa sa sigawan nila kaya naman napagdesisyunan ko ng pumasok dahil baka tapos na ang usapan nila.

"ma what happened?" tanong ng kapatid kong lalaki kasabay na din ang paglabas ni kuya.

"may taning na ang kapatid niyo." nasa pintuan na ako nun at naibagsak ko lahat ng gamit ko ng marinig iyon.

Kasabay nun ang pagkahilo ko at dun ko lang naramdaman yung sakit na hindi ko naramdaman nung naglalaban kami nung locke. Na out of balance ako kaya ngayon ay nakaupo na ako sa sahig.

"ATE!!!" sigaw ng bunsong kapatid maging sila mama nagsisisigaw na din habang ako nawawalan na ng malay at nagblu-blurred na ang paligid.

FATEOn viuen les histories. Descobreix ara