18: Renewed

25 2 0
                                    

Ayah

"Ayah!" narinig kong tawag ni Jaycee sakin. Nakita ko ring kasama niya sina Ram, Rojin, Eejay at Jonas.Kasama na rin nila sina Jamaica, Aizel at Lorianne.  Ako nalang talaga hinihintay.

"Ang pa-VIP mo! Sabi mo five thirty ng umaga? Alas-sais na!" Panenermon sakin ni sakin ni Ram.

"Sorry naman." 

"Ang lapit lang ng bahay niyo late ka pa." Sabi naman ni Lorianne.

"Sino bang kasama mo kagabi?" Sabay liit pa ni Eejay ng mata. Pang-asar talaga to. Walang nagbabago.

"Mamaya niyo na ako sermunan. Tara na, late na tayo." Sabay hila ko sakanila papuntang bulletin board.

"Titingin ka pa dyan. Kaninang hinihintay ka namin hinanap na namin mga sections natin." napa-'owww' ako sa sinabi ni Jonas. 

"Anong section natin?" Sabay kuha ko sa papel na hawak ni Jonas. Tama ako nandito listahan ng section namin. 

"What? Hiwa-hiwalay tayo?" React ko. Dafq.

"Oo nga eh. As expected section one kayo nina Rojin." Sabi naman ni Jaycee. 

Tinignan ko ang listahan


Rojin, Ayah, Jaycee, Ram - section one

Aizel, Jamaica, Jonas - section two

Lorianne, Eeajay - section three

"Oo nga nakaka-inggit kayo nina Ram." sabi ni Jamaica. Nanghihinayang siguro to. Nagkabulutong kasi siya last year kaya ang laki ng na-miss niya. 

"Hala? Kasama si Ram?" Sabi ko. Hindi naman sa sinasabi kong bobo si Ram ha.

"Ganyan talaga ang mga pogi." 

"Ulul mo." Sabay batok sakanya n Jaycee.

"Awwwsss kaklase ko nga si Lorianne eh." Reklamo ni Eejay.

"At sa tingin mo gusto kitang kaklase?" At nag-away na naman sila.

Grabe na-miss ko sila. Halos dalawang buwan din kamig di nagkita.  Bakasyon kasi. Nasa kanya-kanya kaming probinsya.

Sa ngayon grade ten na kami. Nagtataka siguro kayo kung paano kami nagka-ayos-ayos no?

3 years ago

"Pwede bang umayos kayo ha?" Sermon ko sa kanila. Kina Eejay at Ram. Nagsuntukan ba naman? 

"Alam kong may problema kayo sa isa't isa. Tayo! Pero wag niyo naman idamay yung grades natin sa away natin please!" Pakiusap ko pa. 

Nagpa-practice kami para sa sayaw sa closing party. Bwisit kasi si Rojin sabi niya ito yung way para magbati-bati. Kunwari yung kaklase namin yung naka-isip pero sa totoo lang  inutusan niya. 

"UMAYOS NA KAYO!"  Agad naman silang umayos.

Nang nasa step na kami ng iikot biglang natumba si Ram. 

"HAHAHAHAHAHHA!" Tawa naming lahat. Kahit nga si Ram tumatawa sa katangahan niya eh.

"Ang tanga mo talaga Ram! Over na yan!" Sabi ni Eejay. Lalo tuloy kaming natawa.

"Sige na! Sige na! Tama na yan! FTT!" 

"Ha? From the the top?" 

"Oo! Rereklamo ka? Sisihin mo si Ram."

"Kapag kayo nadulas, iyak-tawa kayo." Sabi naman ni Ram na pikon na yata. 

"O tama na yan. Game na!" Buti pa sina Aizel walang angal.

Nag-dilang anghel yata si Ram dahil nung part na tatalon ng kaunti ay natisod si JAycee. Lalo ui kaming natawa.

Gabe. Na-miss ko to. 

Dahil na rin sa araw-araw na practice ay nagkasundo uli kami. 

Nag-break sina Jaycee at Brianna. Ayaw niya naman daw talaga si Brianna eh.

Si Eejay lumayo kina Keith. Plastik naman daw kasi.

At nabuo uli ang TROPANG MAK.

TROPANG MAK NA MAS MASAYA AT MAS MATIBAY NA.

XXXXXXXXXX

Five is to OneWhere stories live. Discover now