16: A Change

24 3 1
                                    

A/N: So, sabi ko nga POV ni Jaycee pero mauna muna po so Ayah para malinaw-linaw yung mga pangyayari.

Enjoy!

XXXXXXXX

Ayah

"Nasaan na naman si Jaycee?" Tanong ko. Simula kasi nung pumasok ako di na sumasama samin si Jaycee.

Friday na ngayon at simula nung Wednesday ay di na kami gumagala. Syempre, ayaw namin maging unfair kay Jaycee dahil baka mag-tampo yun kasi di namin siya sinama.

Nagkatinginan sila at nagtanguan. Mukhang ako lang ang hindi updated dito ah.

"May nililigawan siya." Napanganga ako sa sinabi ni Ram. Si Jaycee, may nililigawan? Ang alam ko sabi niya ang una niyang girlfriend ay yung babaeng dadalhin niya sa altar.

"Maniwala sa inyo." Ayaw ko talagang maniwala. Di pwedeng may nililigawan si Jaycee. Di pwede.

"Meron nga, si Brianna Tanglao." Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Eejay. Brianna Tanglao? Eh yun nga yung babaeng pinaka-ayaw niya eh.

Sabay kaya naming sinisiraan yun. #BestfriendGoals. Ang arte kaya nun, porke famous siya. Ayaw ni Jaycee sa babaeng katulad niya. Ang gusto ni Jaycee yung mga babaeng totoo sa sarili. Hindi pa-cute.

Kapagkataka-taka.

Jaycee

"Brianna!" Tawag ko kay Brianna. Nililigawan ko. Wala lang kasi akong magawa sa buhay ko. Kailangan ko ng malalambing. Ewan ko, bigla akong naging ganto. Basta na-realize ko na, kailangan ko ng girlfriend.

Malapit na rin naman ang Valentine's day eh.

Kahit masyado pang bata at di pa pwede, gusto ko si Brianna eh! Gusto ko siya.

Gusto ko siya.

Gusto ko siya.

Gusto ko siya.

GUSTO MO SI BRIANNA TANGLAO, JAYCEE!

"Oh, Jays." Lumapit siya sakin at biglang kumapit sa braso ko. Hinanap ko yung 'kilig' na sinasabi nila. Wala eh, kapag lang talagang umiihi ako, ako kinikilig. "Jays, bilhan mo naman akong siomai." Sabay abot niya sakin ng bayad niya.

Bilang isang mabait na batang lalaki at manliligaw ay tinanggihan ko siya. Tinanggihan ko na siya yung magbabayad.

"Sayo na yang pera mo, libre na kita." Sabay ngiti ko sakanya. Isang ngiting di puno.

"Talaga!? Thank you, Jays!" Sabi niya sabay yakap sa braso ko. Agad ko namang tinabig ang ulo niya. Ewan ko, masyadong madikit tong babaeng to eh.

"S-sorry, nabigla ako." Pagdadahilan ko. Tinanguan niya lang ako.

Nandito na nga kami sa canteen. Sakto namang nandito ang tropa ko na iniwan ko muna. Full time ako sa nililigawan ko eh. May gusto rin akong kalimutan.

"Oh, Jaycee!" Boses ni Ayah. Si Ayah ang tumawag sakin. Tinignan ko siya at nginitian sabay diretso sa bilihan ng siomai.

Ganyan lang kami lagi. Kahit sa room. Di na rin ako sumasama sa mga gala, pero buti nalang wala kasi kundi ma-iinggit talaga ako.

***

"Hoy, aga mong umuwi." Salubong saakin ng ate ko sa salas.

"Ikaw rin naman. Nauna ka pa sakin."

"Ahh, ganon? Wala ba kayong gala nina, Ayah?" Ayah. Sa pangalan ni Ayah bumilis ang tibok ng puso ko. Di ko pa siya nakakalimutan.

'Makakalimutan mo pa siya Jaycee. Tatlong araw palang naman. Wag kang gagad.'

"Wala." Sabi ko kapagkatapos kong uminom ng tubig.

"Bago yun ah." Pagbibiro pa ni Ate.

"Ganun talaga." At umakyat na ako papunta sa kwarto ko.

Salamat naman at magkakaroon na naman ako ng oras mag-isa. Oras para makapag-isip. Oras para malinawan.

Naisip ko si Brianna. Kailan niya kaya ako sasagutin? Para naman may distraction ako.

I badly need a distraction. Para makalimutan ko na siya. Para makalimutan ko na si Ayah.

Eto lang ang naisip kong magandang paraan. Gusto ni Rojin si Ayah at kaibigan ko si Rojin. Mahirap, mahirap pumili. Pero dahil alam kong crush lang naman ang nararamdaman ko para kay Ayah kaya kampante akong makakalimutan ko siya agad.

Nandyan naman si Brianna para mapagtuunan ko ng pansin.

Hindi ko gusto si Brianna. Pero siya lang ang kilala kong easy to get. Madali ko siyang makukuha, madali kong makakalimutan si Ayah.

Madali ko ring makakalimutan yung Tropang MAK. Masakit man pero para kay Rojin at Ayah gagawin ko. Mahal ko sila bilang kaibigan. Gusto ko si Ayah bilang babae. Ganon rin ang nararamdaman ni Rojin para sakanya.

Ako ang kailangang lumayo.

Hays. Sorry guys.

Sana di ako magsisi.

Tropang MAK 👽

Jaycee Galyo left the conversation.

1:37 PM

XXXXXXXXXXXX

Five is to OneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora