8: Stucked sa friendzoned

30 3 0
                                    

Ayah

"YOWWW!" Pasigaw na bati samin ni Jaycee.

"Ano panalo ba?!" Excited na tanong naman ni Eejay. Nagkatinginan kami ni Rojin. Tinanguan niya ako.

"MAGRE-REGIONAL KAMI! WOOOOH!" sabay naming sabi ni Rojin habang tumatalon.

"Woooh! EDI WOW!" Sabi pa ni Eejay na kunwari masaya at patalon-talon pa. Natawa nalang ako. Namiss ko sila grabe!

Paano ba naman kasi! Lagi kaming nagkakahiwalay dahil ine-excuse kami ni Rojin para sa training sa contest. Journalism to be exact. Lagi kaming nasa auditorium at doon nakababad. Hanggang two o'clock kami dun!

Tapos idagdag pang ang lamig dun! Kaya nga nung pangalawang araw nagdala na ako ng jacket at nag-PE tutal Friday naman.

Pero, it's worth it! Super worth it! Magre-regional kami ni Rojin! At ang Regional ay sa Baler! Owyeahhh!

"Ah, ine-edi wow mo kami!? Manglibre sana kami eh!" Sabi ni Rojin kay Eejay.

Agad na nagbago ang reaksyon ni Eejay sabay sabing- "Woo! The best talaga kayo guys!" Sabay yakap samin. Nagtawanan uli kami. Ito talagang si Eejay, walang palya!

"Bakit 'kami'? Hindi naman ako manglilibre eh no!" sabi ko.

"Aba! Ayah, madaya! Ayah, madaya!" Protesta nilang lima. Napangiti nalang ako.

Pero nawala ang ngiti ko nang may maramdaman akong kirot sa puson ko. Waahh! Magme-mens na siguro ako. Ansakwet!

"Oh! Anyare sayo, Yah?" Nagaalalang tanong ni Ram. Agad silang napatingin sakin.

"Sus! Okay lang ako! Masakit lang puson ko, pero natural na yun." Napatango nalang sila. Naiilang siguro sila. Dahil magme-mens na ako.

"Oy! Dun tayo sa bahay nina Ram!" Sabi ni Jonas. Aba nagsalita rin!

"Bat sa bahay ko?!" Ani Ram.

"Alanganing samin no?! Lagi kayo dun." Sabi naman ni Jonas.

"Oo nga! Tsaka di pa nakaka-punta sainyo si Ayah!" Sabi naman ni Jaycee.

***

Andito kami sa bahay nina Ram. In the end kasi napilit rin namin si Ram. Taga Veronica Homes rin si Ram. Sa iisang subdivision lang kami at magkabilang street lang. Katapat ng street nila ang street namin.

Pero super nakakahiya! Nandito yung mama ni Ram! Yung mama ni Ram na kamukhang-kamukha niya. Parang carbon copy sila.

"Oh! Kain na kayo, Rojin, Eejay, Jonas Jaycee at..." Tapos tinignan ako ng Mama ni Ram. First time niya kasi akong nakita.

"Ahmm. Ayah po, tita." Agad naman siyang napatango.

"Oh! Ayah, kain na kayo ng meryenda." Pag-aaya niya saming muli.

Pagtapos naming mag-meryenda nanuod lang kami ng tv sa kwarto ni Ram. Konting kulitan rin.

Ngayong nandito ako sa bahay nina Ram, nalaman kong may kapatid siya. Kung umasta kasi kala mo 'only child'.

Five is to OneWo Geschichten leben. Entdecke jetzt