"Salamat." sabi ko pag dating namin sa tapat ng bahay.

Wala itong sinagot kaya agad na din akong bumaba. 'Ano ka ba naman Frans Abigail bakit ka pa nag aantay ng sagot niya?!' sabi ko sa isip ko.

Pinanuod kong humarurot ang kotse niya hanggang sa nawala na ito sa paningin ko.

Pag pasok ko sa loob ng bahay, sinalubong agad ako ni Calix.

"Abigail, buti at nakauwi ka na." sabi nito na nginitian ko naman. "Kamusta? Mabilis ka bang nakasakay ng taxi?" sumod na tanong niya.

"Cal, umm... Hi-hindi ako sumakay ng taxi." nauutal kong sagot.

Parang ang hirap kasi sabihin na hinatid ako ni Apxfel. Pero ayaw ko rin naman maglihim kay Calix!

"Ha? E ano ang sinakyan mo?"

"Hinatid ako ni Apxfel." sambit ko.

"Ano?!" gulat na tanong ni Calix.

"Ganito kasi yun Cal, ang tagal kong nag aantay ng taxi pero wala. I-tetext na sana kita. pero bigla siyang tumigil sa harap ko tapos sabi niya ihahatid niya na raw ako. Ayaw ko naman nung una pero kasi... pero kasi gusto ko na ring umuwi." sabi ko na lang dito.

Malaking gulo kung sasabihin ko na sumakay ako dahil kung hindi ay bubuhatin ako ni Apxfel. Jusko lang!

"Does the ride went well?" he suddenly asked.

"Ayos lang. Hindi naman kami gaanong nagkibuan." sagot ko kay Cal.

Tumango lang ito at bahagyang ngumiti. "Tara na. Dinner?" pag anyaya niya.

-

Maaga kaming nagpunta ni Calix sa Chandford. 8:00 am kasi ang call time doon sa practice ng pageant. Wala ring pasok dahil ngayon ang Freshmen Orientation.

Sabi ko nga kay Calix na okay lang kahit mamaya na siya pumunta ng school, pero sabay na raw kami.

"Cal, pupunta na ako sa practice. Saan ka mag-aantay?" tanong ko rito. After lunch pa kasi ang Orientation.

"Aantayin kita sa field." sagot nito at bahagyang pinindot ang ilong ko.

Natawa kaming pareho, tapos ay nag paalam na rin ako sakanya.

Pagdating ko sa Gymnasium ay madami na ring mga representatives ang nandoon.

Hinanap ng mga mata ko si Apxfel. Nakita ko siya roon sa bandang gilid at nakaupo. Kahit kailan talaga ay on time siya.

I found my self smiling... that's why I instantly shook my head.

Nasa backstage na kami ngayon. Magkahiwalay ang mga lalaki sa mga babae. Buti naman! Less interaction with him, the better. Right?

Tinuruan kami kung paano ang gagawin naming lakad sa stage. Binigyan na rin kami ng kanya kanya naming number. Number 6 pa naman kami ni Apxfel kaya hindi masyadong nakaka pressure.

Pag number na namin ni Apxfel ang tatawagin, rarampa lang kami sa stage. Tapos ay mag sasalubong kami sa gitna kung saan naroon ang mikropono. Mag papakilala lang kaming dalawa sa audience.

Medyo naiilang pa nga ako sa pag lalakad. Hindi naman kasi ako sanay dito. Nakakaloka lang!

Pagkatapos ng maraming beses na pag e-ensayo ng lahat sa pag lalakad, sa wakas ay tapos na rin!

Aalis na sana ako pero tinawag kaming dalawa ni Apxfel ng isang organizer doon.

"Hello sa inyo. Ako nga pala si Techi. So guys, ako yung na-assign na organizer para sa inyong dalawa. Bawat participants may naka assign iyan. Ako ang mag tuturo ng deliberation niyo sa stage, kung paanong lakad niyo at mga pasabog pasabog. Ganern! Pati sa mga costumes niyo ako din ang tutulong sa inyong dalawa." saas nito.

Tumango na lang kaming dalawa ni Apxfel sakanya.

"Actually, kahapon pa kami nakapag assign kung sino ang mga alaga namin. Para makapag research research din kami. Syempre, you know naman." sabi pa nito.

"Ahhh... ganoon po ba." sagot ko na lang sa kanya.

Wala kasi akong iba pang masabi. Si Apxfel naman ay nakatahimik lang.

"And ayun na nga... I did my research slash stalking skills. So I found out na mag jowa pala kayo noon! Ay nakakaloka ha. Nakakatuwa naman ang destiny. Tignan niyo oh, kayo pa ang partner ngayon. Talaga nga naman." sambit pa ni Techi.

Hindi ko alam pero, ang insensitive lang.

Natahimik na lang ako sa kanya.

"Nakaisip agad ako ng gimmick para sa inyo! Teka... Asan na ba si Mark. Mark! Mark, tara nga dito." tawag nito doon sa lalaki. Assistant niya yata.

"Ako kunwari si Frans ha. Ito namang si Mark, si Christan kunwari. So ganito ang gagawin niyo." sabi ni Techi at isinagawa ang sinasabi niyang gimmick.

Kumunot agad ang noo ko. Seryoso ba yun?!

Nag pa ikot-ikot si Techi hanggang sa masalo siya ni Mark. Dikit na dikit ang mga katawan nila. Tapos ay idinikit pa ni Techi ang noo niya at ilong kay Mark.

What the hell?

"Nakita niyo? Pak na pak diba? Ganoon ang gagawin niyo pag nag meet kayo sa stage! Papraktisin natin iyan bukas mga beh. Sige ha, babush!" sabi ni Techi at nag lakad na agad palayo habang kumi-kendeng.

Ni hindi manlang ako nakapag react! Nakakainis naman!

"Kung hindi mo gusto, hindi natin gagawin." sabi ni Apxfel.

Napatigil ako saglit. So kung gusto ko, okay lang sa kanya gawin namin iyon?

"Bakit ikaw, gusto mo?" balik na tanong ko rito.

Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon naitanong bigla.

"Hindi iyon ang sinasabi ko. Ang akin lang, kung ayaw mo, kung hindi okay sayo e di hindi natin gagawin." aniya.

Tumingin lang ako sa kanya. Sinusubukan kong basahin ang ekspresyon niya pero wala.

"Bakit mag seselos ba si Calix?"

Nagulat na lang ako sa tanong ni Apxfel. Saan niya naman nakuha yan?!

"Hindi. At bakit naman siya mag seselos?" agas kong sagot dito.

Hindi siya nakasagot kaya kinuha ko ang pagkakataon para makapagsalita ulit.

"Apxfel, bakit baparang... Never mind."

Hindi ko na tinuloy ang sinabi ko at naglakad na ako palayo. Bakit ba kasi ganyan siya?

"Abigail..." tawag nito sa pangalan ko kaya naman agad akong napahinto.

He never called me with that name ever since he came back.

Ano nanaman ba ito, Axpfel?

Destined with the Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon