SPECIAL CHAPTER 01

27 4 1
                                    

( JHANE & AKI )

~~

JHANE::

*KOREA*

Finally!! Nakarating na din ako dito sa Korea! Aki my labs!! Makikita na din kita!! Wait for me!! Nakakainis lang kasi hindi ko naisama ang besty ko dito sa SoKor. Kasi naman eh, ayaw pa syang payagan ng parents nya.

Naaalala ko tuloy dati, pag may concert ang Black Shadow, talaga pursigido kaming mag-ipon. Hindi kami bibili ng pagkain sa break-time, manghihingi kami ng piso-piso sa classmate namin, hindi kami gagastos, maghahalungkat kami ng pera sa kung saan saang sulok ng bahay. Pero kahit anong gawin namin di talaga namin kinakaya na makapunta. It's either nagagamit namin yung pera for school, hindi kami papayagan, o kaya naman talagang kailangang kailangan ng pera.

Dati, panaginip lang ang lahat, pero ngayon posible na. May chance na na makita ko sila. At may chance na din na matupad ang pangarap ko. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko, para sa pamilya ko, at para na din sa besty ko na dapat ay kasama ko dito ngayon..

---

Hayy.. naaalala ko na naman yun. Hindi ko lang talaga akalain na ang panaginip at pangarap na sobrnag imposible ay maaaring magkatotoo. Ito ako ngayon, nabibilang na sa isang sikat na grupo ng pitong babae. Ang Pink's Perfect. Hindi ko akalain na makatutungtong ako sa entablado sa harap ng madaming tao. Na may makikilala akong iba pang mas sikat kaysa saamin. Makakakilala at makakatagpo ng mga mabubuting kaibigan. Makakatagpo ng taong magmamahal saakin, at yun pala ay ang taong pinapangarap ko. Ang matagal ko nang hinhintay na makita. Ang dating nakikita ko lang sa posters, pictures, videos, tarpaulin. Ang lalaking pinag-iipunan ko ng pera para lang makapunta sa concert nila kahit di ako pinapalad. At least we breathed the same are right? Si Akihero Jung.. Ang lalaking dati'y pangarap lang, ngayon ay abot kamay at saakin na.

Ikakasal na ako sa kanya at hindi ko maiwasan na isipin yung lahat ng ginawa ko para lang maabot sya. Sa ilang bilyo'ng tao sa mundo, sasabihin kong napaka swerte ko dahil sa dinami dami ng mga babae, ako pa ang napiling mahalin at makasama ng bias ko habang buhay. Hindi ko nag-d-day dream lang because it is the reality.

I'm gonna marry him! I will be Mrs. HOANE JHANE MARIS DELOS SANTOS-JUNG...

***

AKIHERO::

I never expected that I'm gonna marry her! I'm gonna marry a girl that is called a fan. She's my fangirl. Yes. And sa tingin ko, nasunod ko ang hinahanap ko sa isang babae sya na nga yun.

Akala ko, walang magmamahal saakin, dahil naiwan na ako noon. Sabi kasi ng groupmates ko panget daw ako. But not until I met her. I met my Fangirl Jhane..

Umpisa pa lang talagang makita ko sya noon sa SOPA and nung naging Teacher namin sya, I fell in love with her. Duon, naniwala na ako sa love at first sight. Sa lahat ng mga magagandang babae, mga sikat. Sya ang nagustuhan kong muli Yung babaeng simple, masikap, at walang arte sa katawan.. si Hoane Jhane Maris Delos Santos ang muling nagpatibok sa puso matapos ang ilang taon ng pagiging sawi.

I want her to be my forever..

****

SCANDAL IN THE SPOTLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon