CHAPTER FOUR

33 5 1
                                    

(04) Half-Brother?!::

Matthew's POV

"Hoshi! Hayaan mo na ang mama mo! May mama ka na!" Sabi ni daddy

"Dad!! Mama ni Vyle yun at hindi saakin! At kahit ipagtabutan ako ng tunay ko mommy hindi ako titigil dahil alam kong kailangan nya ko! Dad naghihirap na sya at may sakit pa! Hindi ko sya pwede talikuran ng ganun ang sitwasyon nya!" Sabi ko

"Hinaan mo nga yang boses mo baka may makarinig sa'yo." At remind ko lang sa'yo Matthew Hoshi, HINDI KO PINAPABAYAAN ANG MAMA MO! May income pa naman sya saka mat pinagkukuhaan ng pera, concern ka sa kanta? Bakit sya? Concern din ba sya nung iniwanan ka nya saamin?" Sabi ni daddy

"Yan naman ang lagi mong katwiran eh bakit sya? Atleast sya marunong syang tumanaw ng utang na loob at binibigyang pansin nya ang mga taong nasa paligid nya! Hindi katulad nyo na puro sarili nyo lang ang iniisip nyo. Subukan mo naman na bigyang pansin si Vyle! Nang madama naman ng tunay mong anak na mahalaga sya para sa'yo!"

Iniwan ko na si daddy dun pero nakita ko si Vyle sa may pintuan ng kwarto na pinagtatalunan namin ni daddy. Hindi ko alam kung narinig ba nya yung mga sigawan namin o hindi. Paano ba naman eh palaging may nakakabit na kundi earphones, headphone sa tainga nyan at walang karea-reaksyon kaya naman no idea ka talaga sa laman ng isip nya.

"Oh! Vyle? Andyan ka pala? Di ka pa tulog? Gabi na ah?" Sabi ko

"Anong pakialam mo? Dun ako sa condo ko." Sabi nya

"Teka may pera ka pa ba? Binigyan ka na ba ni daddy?" Sabi ko

"Tss.." Iniwan na naman nya ako. Tsk. Matthew, lagi naman eh. Lagi naman..

*SOPA*

Papunta na sana ako sa kinauupuan nun ni Vyle para kuhanin yung susi ng kotse ko na naibigay ko sa kanya nung may mga babae akong narinig na nagbubulungan.

"Ayan na naman yang si Hoshi oppa! Lalapitan na naman yung babaeng laging nakaheadphone. Pag talaga inisnob nya pa si Hoshi natin mapapatay ko na yan." Girl#1

"Talaga! Si Hoshi kaya ang passport natin para makapasok sa YG!" Girl#2

Di ko na lang sila pinansin.

"Vyle, yung susi ko? Naibigay ko sa'yo hindi ba?" Sabi ko

Ihinagis lang nya sa mukha ko yung susi tapos bago sya umalis.

"Oh? Bakit hindi nyo pa ako patayin? Inisnob ko Hoshi nyo oh? Tsk, mga walang kwenta hanggang salita lang pala kayo. Halata naman sa mga pagmumukha nyong yan na gusto nyo lang ng kasikatan. Walang iba." Sabi nya

Yung mga babae naman sa di kalayuan saamin, nakatulala lang. Maski ako nagulat kasi paano nya narinig? Nakaheadphone sya hindi ba?

Oh nga pala! Iniisnob at pinagtatabuyan din ako ni Vyle pag nasa labas kami. Ayaw nya na lapitan ko sya kasi ayaw nyang naaabala. Lagi naman eh. Sa SOPA kasi, pinagsisigawan ni daddy na anak nya ako. Ang daddy ko ay---namin pala ay ang founder and CEO ng YG Entertainment. Si Yang Hyun Suk. Bakit hindi nakasunod ang surname namin? Kasi ayaw namin, ginaya ko lang naman si Vyle na isinunod ang pangalan nya sa mommy nya na sya namang hindi ko tunay na mommy. So dahil dun, pinagkakaguluhan ako, hindi dahil sa gusto nila ako dahil yung iba, ginagawa akong daan para makapasok sila sa YG. I'm Matthew Hoshi Kwon. Kwon Han Young ang real name ko. 21 years old, nag-aaral ako sa SOPA hindi para pumasok sa pagiging artist kung hindi, pinilit kang ako ni daddy na para mabantayan at maprotektahan ko ang little sister ko na si Vyle pero kabaligtaran ang nangyayari, mas manly pa nga ata saakin yan eh, saka sa tuwing lalapit ako sa kanya, maraming mata ang nakatingin saamin dahil ang alam nila, nililigawan ko si Vyle. Kaya ang resulta, mas lalo syang lumalayo saakin dahil siguro may mga nanggugulo sa kanya. Sa tingin ko naman kaya nya ang sarili nya pero syempre, babantayan ko pa din sya.

SCANDAL IN THE SPOTLIGHTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora