CHAPTER ELEVEN

27 3 0
                                    

(A/N: Eepal lang muna si Author. Nasa multimedia po yung dress ni Vyle pati Wedding Gown ni Jhane. Yun lang)

(11) She's Gone..

Shaina's POV

1 week had passed. Di pa din ako makapaniwala sa nangyari kay Jhane. At si Vyle. Paano nya nagawa yun? Yeah, she's my bestfriend but I never expect that things like that would happen. Nagulat kami na habang nasa labas kami, dumating si Vyle, puro dugo ang damit at mugtong mugto ang mata. Ewan ko, pero nanggigigil ako sa kanya.

Lahat kami, di maiwasang saktan sya. Pero nakapagtataka kasi hindi sya lumaban man lang. Pinigilan kami ng mga kapartner namin tapos si Mairence pinagtanggol sya.

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa mga salitang binitawan nya. Hindi ko alam yun. Hindi ko alam na minsan na pala syang nawalan.

Nakita ko na dinala din sya sa katabing kwarto ni Jhane tapos nun, sumunod si Mairence, tapos kami naman sa kwarto ni Jhane

"Jagiya gumising ka na.." sabi ni Aki at hinawakan ang kamay nya.

Malala talaga ang nangyari sa kanya. Sana maging okay ka Jhane....

Tapos nun, nakaramdam na ako ng antok dahil sa kaiiyak..

***

Clifford's POV

Nandito kami sa room ni Jhane, hindi pa din sya nagigising. Si Shaina, nakatulog na din.

"Excuse me lang guys? Pero pwede ba kayong lumabas muna?" Sabi nung doktor

Pansin ko lang na parang may something tong doktor na to kay Jhane eh.. 

"Kung gusto nyo, umuwi na muna kayo. Ako na lang maiwan dito, kailangan na nila makapagpahinga oh."  Sabi ni Aki hyung saamin tapos tinuro mga yeoja namin.

"Sige hyung, babalik din kami kaagad. Hatid lang namin sila." Sabi ni Joper

"Sige mag-iingat kayo." Sabi ni Aki hyung

"Teka, hindi nyo ba muna pauuwiin si Mairence?" Habol pa nya

"Hayaan mo na hyung, alalang alala din sya kay Vyle noona for sure." Sabi ni Mike

Umalis na kami. Grabe, nakakaawa naman si Aki hyung. Sa halip na masaya na sila eh, naging miserable pa dahil sa nangyari. Ang totoo nyan, masama din ang loob ko kay Vyle pero syempre naman, as Vyle's friend, hindi naman nya gugustuhin na mangyari yun kay Jhane eh diba?. Pero ang nakakapagtaka, paano nga nangyari yun? Sino ang totoong may kasalanan? Sa tingin ko, si Jhane lang ang makakasagot nyan ng malinaw at maliwanag. Kaya sana maging okay na sya.. para maging ayos na ang lahat. Lalo na si hyung. Nag-aalala na kami sa kanya..

***

Aki's POV

Nasa labas ako ngayon, nung biglang lumabas yung doktor.

"Excuse ulit pero kailangan naming icheck ang pasyente, kung ano pa ang nangyari at natamo nya." Sabi ng doktor kaya tumango lang ako

"Sasama na ako." Sabi ko

"You can wait here." Sabi nya

Ewan ko, pero iba ang pakiramdam ko sa doktor na yun. Unang una pa lang dun, nung nakita kong hawak hawak nya ang kamay ni Jhane.

Ilang minuto ang nakalipas, ang tagal nung doktor eh. Tsk. Mamaya pa naman siguro yun babalik chineck eh, kaya pupunta muna ako sa room ni Vyle. Pagkapasok ko dun, tulog si Vyle tapos si Mairence naman biglang tumingin saakin.

SCANDAL IN THE SPOTLIGHTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon