Nasa arena ako kung saan ako madalas na nagsasanay. Imbes na 'yung usual na Eluminare Bow ang gamit ko, naisip kong gumamit ng espada ngayon. Hindi ako masyadong bihasa rito kaya ito ang mas kailangang kong praktisin.

Hangin lang 'yung hinihiwa ko gamit ang espada nang bigla na lang, "Hey!" Nag-ala matrix si Brylle para umiwas noong umikot ako.

"Brylle!" Grabe 'yung kaba ko. "Anong ginagawa mo dyan sa likod ko!"

"Pinapanood kita." Kalmado niyang sabi.

"Muntik na kitang matapyasan ng espada ko!"

"Ang bagal mo kaya, madali lang iwasan."

Ay, ang yabang! "Dumating ka lang, humangin bigla!"

"Ayaw mo nun? Presko habang nagsasanay ka." Ay, grabe talaga! Sa sobrang kayabangan, hindi na yata bangko ang binubuhat nitong si Brylle. Lamesa na!

Umiling na lang ako at itinuloy ang pagsasanay ko. But I heard Brylle grabbed a sword and the next thing I knew, sinasadya niyang tamaan ang hawak kong espada. Mukha siyang nang-aasar lang pero para ring naghahamon.

Hindi ko naman siya inatrasan. Mas ginaganahan pa nga akong magsanay dahil sa ginagawa niya. Noong mga unang beses na nagtama ang espada namin, pareho pa kaming nakangiti. Pero habang tumatagal na, nakakaramdam na kami ng pwersa mula sa isa't isa, naging seryoso bigla.

He started to change his pace, from dazzling to threatening. "Seryoso ba 'to, Brylle?"

Hindi niya ako sinagot. Nagtaas lang siya ng isang kilay at sa isang kisap-mata, panandalian siyang nawala sa paningin ko. When I turned around, he's just a few steps away.

He almost got me with one perfect thrust of his sword, but I managed to step back and shield myself with my own sword. Sa lakas ng impact, nag-vibrate 'yung hawak kong espada na parang kumuryente sa buong katawan ko.

"You okay? Kaya pa?"

"Yeah. Hindi lang ako masyadong sanay sa espada, pero kayang-kaya pa!"

Tumuloy kami ng second round. Hindi birong kalaban si Brylle lalo pa at seryoso siya. At dahil swordfight ito na hindi ginagamitan ng kahit na anong magic, wala akong panama sa pisikal na lakas niya. Idagdag pa natin ang mas mahabang experience niya sa pakikipaglaban.

Parang kidlat siya sa bilis. Pilit ko siyang pinatatamaan pero hangin lang ang nadadale ko. Noong muling magtama ang aming mga sandata, tumalsik na 'yung hawak ko palayo.

"OM—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil nasa likod ko na si Brylle, nakapulupot ang isang braso niya sa balikat ko at ilang inches na lang ang layo ng espada niya sa leeg ko.

"You lose," bulong niya sa tenga ko. Tama bang ipangalandakan pa na talunan ako? "You won't do good kapag ganitong uri ng laban."

"Kaya ko pa rin namang mag-cast ng spell."

"You mean the Non-Luxurian Spells. You know only a few can go against Dark Sorcery."

Alam kong hindi intensyon ni Brylle na maliitin 'yung mga spells na tinutukoy ko. Totoo naman kasi. Tanging mga Luxurian Spells lang ang pinaka-epektibong panlaban sa mapanirang epekto ng Dark Sorcery. Para tapatan ito, kailangang mga Class B+ at pataas pa ang gagamiting magic.

Kita ko ang pag-aalala ni Brylle, but then we heard someone clearing his throat. It was Rouel making his entrance, at mukhang kanina pa siya naghihintay ng pagkakataon na makausap rin ako. "Ano ring ginagawa mo rito?"

May sekretong palitan ng tingin sina Brylle at Rouel. Akala siguro nila, hindi ko napansin 'yun. "Gusto ka sana naming kausapin."

"Gumamit ka ng salitang 'NAMIN'? Kayong dalawa ni Brylle?"

"Yes, Yana. Kaming dalawa nga ng Prinsipe." Pero sa boses ni Brylle, parang labag pa sa loob niya. "Napag-usapan ito kagabi sa pagpupulong. Tungkol sa pamumuno mo sa operasyon ng Blue Dragoon."

Blue Dragoon ang pangalan ng light cavalry na sasabak sa digmaan. Kasama ko rito ang lightly armored troop na nakasakay sa mga Peryton at Dragon.

"Hindi ba't plano na sa umpisa na ako ang mamumuno sa Blue Dragoon?"

"Yes... pero kabilang 'yun sa mga pagbabagong kinailangang gawin," sagot sa akin ni Rouel. "Una, wala na si Milka. Alam naming hindi mo kakayanin sumakay sa Peryton o Dragon."

"May Eismint po."

"Wala na ang Lux Amulet. You're no longer immune from the Dark Spells of our enemies."

"But I can still fight!"

"We can't risk your safety. Dark War na ito at siguradong ikaw ang target ng lahat. If they see you early in the battlefield, ikaw na agad ang uunahin nila."

"He's right, Yana." Dagdag naman ni Brylle at nagulat ako sa himalang pagsang-ayon niya kay Rouel. Humawak siya ng mahigpit sa akin at tumingin na parang nagmamakaawa. "Ikaw na ang nagsabi sa akin kanina na hindi ka sanay sa paggamit ng espada. Dehado ka sa malapitang laban. Pero kung lalaban ka habang nasa loob ka ng palasyo, malaya kang makakapag-cast ng spells at mas malaki ang chance mo na makatalo ng kalaban gamit ang Eluminare Bow mo."

Napaisip ako sa puntong ipinapaintindi nila sa akin. Ayoko naman ding pag-alalahanin sila at maging pabigat sa mismong araw ng Dark War. 'Yun nga lang, "So kaya niyo ako kinakausap ay para...?"

"Ay para ipaubaya mo na sa iba ang pamumuno mo sa hukbo."

"Okay... ipapaubaya ko." Muling nagpalitan ng tingin 'yung dalawa. Kung hindi ko sila kilala, iisipin kong bromance 'yung nagaganap na tinginan sa pagitan nila. "Pero sinong papalit sa akin?"

"Ako," nagkasabay nilang sinabi.

"Sino sa inyo?"

"AKO!" Nagkasabay uli sila at muling nagkatitigan ng masama.

"Ako na," sabi ni Brylle.

"Ako na." Pagmamatigas naman ni Rouel.

"Ano bang sabi ng leaders? Sino bang dapat magdesisyon tungkol dito?"

"Ikaw. At dahil ako ang tumatayong tagabantay mo hanggang ngayon, sa akin mo dapat ibigay ang responsibilad na iyon."

"Hoy Glaciever Prince! Desisyon dapat 'yan ni Yana." At sapilitan akong pinaharap ni Brylle sa kanya. "Since I'm your man, I'll take your responsibility." Desisyon ko pala ha?

"Since when did you became her man?"

"Since she started to love me."

"She loves me too."

"That's so lame, Prince Rouel. She only loves you as a friend. Stop dreaming about you and her because it simply won't happen."

"Teka nga!" Akala ko pa naman magkasundo na ang dalawa pero sa huli, tungkol sa akin pa rin ang pag-aawayan nila. Ako na ang mahaba ang hair!

"Mamili ka na, mahal na Prinsesa."

"Oo nga. Si Prince Rouel o ako?"

"Ang pinag-uusapan natin dito ay tungkol pa rin sa Blue Dragoon ha!"

Magkaka-migraine yata ako ng wala sa oras. Si Brylle ba o si Rouel? Eh kung si Sylfer na lang kaya para walang gulo... ay hindi! Mas malaking gulo pala 'yun. Uulitin ko, si Brylle o si Rouel?




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Место, где живут истории. Откройте их для себя