Wizard's Tale 1: Chapter 3

265K 6K 518
                                    


(Alyanna POV)


Ang weird talaga ng matandang yun, pero wala naman akong magawa kundi ang sumunod at umasa sa sinabi niya na mabibigyan nga ako ng trabaho ng Brylle Zaffiro na tinutukoy niya. Heto na nga ako ngayon, naglalakad na sa bakuran ng bahay niya.

Mala-mansion sa laki ang bahay na nasa harap ko. Pero bakit parang walang nakatira? Lumang-luma na, lanta na ang mga halaman sa paligid at higit sa lahat, mala-haunted house ang dating! "Teka, ito naman ang nasa address! Naku, kapag ako ginoyo lang ng matandang yun!"

Nang makarating ako sa harap ng pinto, kakatok pa lang sana ako pero bigla na lang itong bumukas ng mag-isa! "Jusmio naman!" Ang creepy nun ha. Nagdalawang-isip na akong pumasok pero sa huli, dumirecho ako sa loob. "Tao po..."

*bang!*

"Hwaaaah!" Biglang sumarado ang pinto! Nagsimula na akong mahirapan sa paghinga dahil sa takot. Wala akong nagawa kundi kausapin ang sarili ko. "Maghunos-dili ka, Yana! Mga bata lang ang naniniwala sa multo at haunted house. Baka horror house lang sa peryahan itong pinasok mo."

Pero sinong niloko ko? Inaamag na ang buong bahay! Paniguradong wala nang nakatira dito! Si Lolo naman, bakit niya ako niloko?

Maya-maya pa, may narinig akong boses ng lalaki. "Ahem!" Kaboses niya yung mga goons sa palabas! "Sino kang lapastangan ka! May nagpahintulot ba sayo na pumasok sa aming lupain?" Woah! Ang lalim rin ng tagalog niya!

"Pinapunta po ako ng isang matandang lalaki dito. Hinahanap ko po si Brylle Zaffiro." Para akong kumakausap ng hangin, hindi ko makita kung nasaan at kung sino ang kausap ko.

Maya-maya, may narinig pa akong isang boses ng lalaki. Nagbubulungan sila, pero parang hindi rin kasi naririnig ko ang usapan nila

"Si Master Lorcan kaya yung tinutukoy niya?"

"Siguro po! Matandang lalaki daw po!"

"Paano tayo makakasiguro?"

"Life contract, Master!"

"Hmm...tama. Tama ka!"

Napa-atras uli ako. Sino yung Master Lorcan? At ano yung tungkol sa life contract? Hindi na talaga maganda ang kutob ko sa lugar na 'to. "Mga Sir, aalis na lang po ako! Mukhang maling lugar po ang napuntahan ko."

Hinarap ko na yung pinto at pinilit na itong buksan. Pero nang subukan ko, naka-lock na ito!

"Sandali lang!" Pigil saakin ng pangalawang boses. Nakatalikod ako sa kanya, pero naririnig ko nang naglalakad na siya palapit sa kinaroroonan ko. "Anong pangalan mo?"

Napalunok ako at ayoko siyang tingnan! Kahit na mas gwapo ang dating ng boses niya compared dun sa naunang boses na narinig ko, natatakot pa rin ako. "A—Ana po." At ayokong sabihin ang totoong pangalan ko! Mahirap na!

"Ana, alam kong nagsisinungaling ka."

"Paano mo nalaman? Hindi ako nagsisinungaling ha!"

"I'm an Empath." Sinabi niya at medyo galit ang boses niya. "I have the ability to know if people are lying or not. Nararamdaman ko ang emotion mo."

"Mukha mo! Bakit ako maniniwala sayo?" Tapos naalala ko, takot nga pala ako. Baka naman kasi serial killer pala ang nagku-kuta sa lugar na 'to. Hindi ko siya dapat galitin. "Um, paalisin niyo na lang po ako ng matiwasay, please? Wala akong alam, wala akong nakita, wala po akong kasalanan."

"Tsk! Alam mong Brylle Zaffiro ang pangalan ng taong nakatira sa bahay na ito. Malamang, may alam ka na rin sa mga kababalaghang ginagawa namin dito." Nangangatog na ang mga tuhod ko! Nananakot na talaga siya! "Magsabi ka na ng totoo, anong pangalan mo?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon